24

137 7 0
                                    

LILA


The pain and anger in his eyes is so visible. Nagtaas baba ang dibdib neto sa galit.

Napatingin ako kay Hyron na kakalabas lamang ng kwarto habang isinusuot ang damit. Gulat ang mukha niya nang makita ang kapatid na nasa sala.

"C-Charlie, it's not what you thi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis itong tumalikod at binuksan ang pinto. Ang mabilis na tibok ng puso ay ayaw kumalma. Sa sobrang kaba ko ay hindi na ako nakapag paalam kay Hyron.

Tumakbo ako palabas pero huli na ang lahat. Natigilan na lamang ako sa papasara na elevator at ang titig netong galit at may disgusto.

Napaupo ako at humagulgol ng iyak. May naramdaman akong humawak sa dalawang braso ko.

"Yrana, please stand up.." umiling iling ako, patuloy pa rin ang pag buhos ng luha. Ini angat niya ako at inalalayan. Sumandal ako sa pader dahil sa nanginginig at nanghihina kong tuhod.

Tila sinampal ako ng malakas nang maalala ko ang titig neto saakin.

"I-I'm sorry, Yrana. I shouldn't have asked you to-" pinigilan ko ito sa sasabihin at umiling. "It's my fault.." sagot ko sa namamaos na boses.

Nanghihina akong tumayo ng deretso at pumunta sa elevator. "Yrana, palamigin mo muna yung ulo niya.." hindi ako sumagot dahil sa kung ano ano ang pumapasok sa utak ko.

What if he leaves me? Galit ito saakin. I betrayed him. I broke his trust. I had a deal with him. Paano kung makahanap ito ng iba?

Humihikbi akong lumabas sa elevator at tumungo sa sasakyan ko. Pinaharurot ko iyon at dumeretso sa condo ko.

I need to think straight. Hyron is right, mabuting palamigin ko muna ang ulo neto bago ko siya kausapin at magpaliwanag.

After what happened, I spent my whole week inside my condo. Kung minsan ay bumababa ako para bumili ng mga pagkain pero pagkatapos noon ay agad akong bumabalik.

Hindi na muna ako tumanggap ng bagong trabaho pagkatapos noon. Kahit ang mga emails ko ay hindi ko sinasagot. Tita Riyan, Lola and Tito Sierro are constantly messaging me to check on me. Inaaya din ako ng mga ito na sa mansyon na muna tumuloy pero tumanggi ako. Aila is calling me everyday at na kwento ko na dito lahat ng nangyari. Dahil wala ito sa bansa ay hindi ako neto mabisita.

Dahil hindi ko na rin napigilan ang sarili ay isang araw pa lamang, tinext ko na si Charlie. I asked him if we could meet. Pero wala akong natanggap na sagot. Natatakot akong tawagan ito. Dahil baka may sabihin itong ikasasama ng loob ko at hindi ko maipag tatanggol ang sarili ko. I know, I'm a coward and I'm selfish. I don't deserve him at all.

I stalked his social media account. Napunta ako sa account ng isang kaibigan neto. I opened his story at 10 mins ago ay may picture ito kasama si Charlie sa loob ng isang bar. I recognized it.

Nilakasan ko ang loob ko at nag ayos ako bago tumulak papunta sa nasabing bar.

Hindi pa ako nakakapasok ay sinusuntok na ang dibdib ko sa kaba. Parang ano mang oras ay babawian na ako ng buhay.

Will he get mad? Siguro naman ay hahayaan ako netong kausapin siya?

Dahan dahan akong pumasok sa loob at iginala ang mata sa buong bar. Dahil maraming tao ay halos makipag sisikan ako sa loob. Inisa isa ko ang mga lamesa.

I found their group at the back part. Wala gaanong tao doon.

Maingay ang table nila. Sa tantya ko ay nasa sampo ang naroroon. Dahan dahan akong naglakad palapit at may kung anong kumurot sa puso ko nang makita siyang naka akbay sa isang babae. I recognized the girl. Isa siyang british model at madalas na lumabas sa mga sikat na magazine.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon