14

136 6 0
                                    

LILA


Halos mabingi ako sa sampal na ibinigay neto. Ang kaninang maingay na paligid ay tumahimik. I heard some whispers and laughs.

Sa hapdi ng sampal neto ay mabilis na nag unahan ang mga luha ko.

Dahan-dahan ko itong nilingon, hindi makapaniwala sa ginawa neto.

"A-Avery.." matalim ang mga mata neto at puno ng pagkamuhi. Mabilis ang paghinga niya na parang pinipigilan ang sarili.

"Ano? Masaya na kayo ng nanay mo? Your mother ruined my family!" ramdam ko ang panginginig nang marinig iyon sakanya.

Hindi magagawa ni mama iyon!

"Avery, walang ginagawang masama si mama! Hindi ni-" isang sampal pa ang lumapat sa pisngi ko.

"Woooooaaah"

Nakagat ko ang labi ko. Pinigilan ko ang pag hikbi ngunit nabigo ako.

Avery laughed without humor. "Wow, Lila! I should be the one crying! My father left my mother! And that's because of your mom! Yung malandi mong nanay!"

Mabilis akong umiling at sinubukan ulit magpaliwanag ngunit nag lakad na ito palayo at binangga ako nang madaanan.

Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pag lapit ng iilang mga estudyante.

I shivered when a cold liquid was poured into me. It smelled like orange juice. Malagkit rin ito sa katawan.

Humiyaw lahat sila at nagtawanan.

I thought they were done. Pero nang mag simula na silang pag babatuhin ako ng kung ano ano ay nag simula na akong tumakbo.

"POKPOK"

"Bagay sakanya"

"MANA SA NANAY NA MALANDI"

Nanghihina akong tumakbo palabas ng gate.

Lahat ng nadaraanan ay sinusundan ako ng tingin. Siguro dahil sa basang basa ako at may kung ano anong mantsa ang uniform ko. Pero wala na akong pakialam.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay wala na akong pakialam.

Is this what my mother felt all these years?

Napapikit ako ng mariin sa sakit na dumaan sa dibdib. God knows she did nothing wrong. She's nothing but a good mother to me.

Tulala akong nag lakad. Hindi ko na namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa lumang parke malapit sa simbahan.

I cried for hours. Pero hindi naaalis ang sakit na nararamdaman ko. I cried for my mother. I cried for the peaceful life we never get to live. I cried because this anger I'm feeling is useless. Dahil ang gusto ko lang naman ay isang tahimik na buhay. Ayaw kong magalit.

I checked my phone and opened it. It's already 1pm. Pitong oras na akong naririto. Lian hasn't called yet. Baka hindi ito pumasok? Mas mabuti kung ganun nga.

Muli ay lumakad ako. Sa ilalim ng naka tirik na araw. Ramdam na ramdam ko ang lagkit ng katawan. Pakiramdam ko ay may mga bugbog din akong maliliit dahil sa mga tumama saakin kanina.

Gulat ang mga mukha ng kapit bahay namin nang makita ako. Sa inis ko ay inirapan ko ang mga ito at padabog na binuksan ang gate ng bahay.

Nakaupo si mama sa bakuran nang makita ako. Akala ko tapos na ako umiyak. Pero nang makita ang nag aalala netong mukha ay humagulgol ako at tumakbo palapit dito.

She kept on asking me what happened pero mga hikbi ko lang ang tanging naisasagot.

Hinila niya ako papasok at pina punta sa banyo para maligo. Nang matapos ay tulala akong nag bihis at lumabas papunta sa kwarto.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon