LILA
"Sobra po 'to" nakakunot ang noo kong lahad ng palad na may lamang pera kay mama.
She shook her head and gently pushed my hand. "Unang araw, Lila. Mas mabuti ang sobra" ngumuso ako tsaka ibinulsa ang sobrang isang daan.
It's my first day as a senior high school student. To be honest, I'm feeling a little nervous. Will anyone try to befriend me? Kadalasan kasi sa mga nakikipag kaibigan saakin ay lalaki, tapos manliligaw lang pala. Ayaw ko naman ng ganun. Okay, I'll be honest. Syempre kahit papaano gusto ko rin magkaroon ng babaeng kaibigan. I had one in our hometown pero minsan nalang kami nakakapag usap. Dahil bukod sa wala akong cellphone, ayaw kong pumunta sa computer shop. Kaya kapag may gusto akong pag kwentuhan ng mga nangyari sa araw ko, isinusulat ko na lamang ito sa diary ko. I know right? Ang hirap ng buhay.
I sighed as I drink my coffee. Mamayang 6:30 pa ang pasok ko, it's only 5:45. Tatlong araw sa isang linggo lang ang pasok namin dahil na rin sa kakulangan ng classroom. Tatlong araw lang pero buong araw naman kaya parang isang buong linggo na rin. I'm okay with it though. Makakapag pahinga ako ng Wednesday, Friday, Saturday at Sunday. Naisip kong mag trabaho dahil sayang naman sa oras, para maka tulong na rin kay mama.
Maybe I'll ask her later.My thoughts drifted to the guy last week.
Napapikit ako ng mariin at kinagat ang dila. Muli ay inatake nanaman ng kung anong kaba ang kaloob-looban nang maalala ang nangyari. I won't forget what happened that day. Do I like him?
Marahas akong umiling at saktong pagpasok ni mama, naabutan niya akong ganun. She gave me a weird look. "Napano ka?" pinigilan ko ang ngiti na gustong lumabas sa labi at umiling.
Sinilip ko ang relo para mawala ang pagkapahiya. It's 6:00 am already. Mabilis akong tumayo at humalik sa pisngi ni mama. "Alis na ako, Ma" tumango siya at hinatid ako hanggang sa gate.
"Lila, mag ingat!" tumango ako ng mabilis at nag simula nang mag lakad.
Our school isn't that far from here. Kapag nilakad ito ay kinse minutos lang ang makukuha.
Muli ay bumalik ang isip ko sa lalaki nung nakaraan. Charlie Charlie Charlie. What a pretty name.
Kinagat ko ang labi ko. Bakit ko ba siya iniisip? The chances of seeing him again is 50%. Sa tingin ko, hindi pa iyon naka tira dito. Baka dayo lang? The thought of it made me sad.
Okay, crush lang. Tapos malabo pa kaming magkita. I had a few crushes back when I was in grade school but that Charlie guy is different. This is the first time na magkaka crush ako sa mas matanda saakin.
Huminga ako ng malalim habang tinatahak ang liblib na daanan. Kahit bato ang daanan, nakakatakot parin dumaan dahil walang tao sa paligid at madamo.
I heard a car behind me so I stepped aside, tuloy pa rin ang lakad. Nilingon ko ito nang nasa gilid ko na ito. It's a silver car. Nakababa ang mga bintana nito kaya tanaw ang nasa loob.
It's a guy wearing the same uniform as me.
Pwede na siyang mag drive?
His hair is neatly combed at halatang may nakalagay dito upang hindi magulo. His sharp eyes made me uneasy. Mabagal lamang ang takbo niya dahil hindi naman ganun ka lapad ang daanan. Sa sobrang pagkailang ay tumingin ako sa harap. I can see in my peripheral vision that he's still staring kaya binilisan ko ang lakad.
Mahirap na baka masamang loob pala. Mukha pa namang bad boy. Mukhang hindi gagawa ng maganda.
Nang matanaw ang eskwelahan ay bumilis na rin ang takbo nito at nauna na.
![](https://img.wattpad.com/cover/229783413-288-k344349.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)
RomanceIn a love between two people, there's always one who'll love the other person more, the one who'll forgive and sacrifice the most. They are the ones who will do anything, good or bad just for the other person. They can be the worst person for love a...