6

202 10 0
                                    

LILA


"Hindi muna ako papasok, Ma" agad na nagprotesta ang ekspresyon nito.
Pinilit netong tumayo mula sa hinihigaan pero pinigilan ko ito.

"Hindi naman pwede iyon, Lila. Kung lagi lagi kang mag aalala para saakin, hindi ka na makakapasok sa eskwelahan. Huling araw na naman ng pasok mo bukas. Pumasok ka na" bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang kabuuan niya.

Namamaga ang mga pisngi nito. May mga kalmot din ito sa mukha, braso at leeg. Dahil na rin sa pagkakakaladkad sakanya, nagkasugat ito sa tuhod.

The sight made me sick. Parang hayop ang gumawa.

"M-masakit pa ba ulo mo?" nilunok ko ang bukol sa lalamunan. Ngumiti ito ng maliit at umiling. Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha. Her smile faded. She held my cheeks and wiped it.

"M-ma, alis nalang tayo dito. Lipat nalang tayo" pakiusap ko at humikbi. I can't stand it anymore. Sobra na 'to.
"Dalawang taon na lang, Lila. Pagkatapos nun, lilipat tayo ng Maynila, sa Tita Riyan mo. Doon ka magkokolehiyo. Pangako ko 'yan" lumunok ako. "Pero, Ma. Hindi na maganda' to. Yung mga sinasabi pa nga lang nila hindi ko na matanggap. Palala na sila ng palala" umiling-iling ito. "Mabilis lang ang dalawang taon, kakayanin ko naman" wala na akong nasabi. Hindi naman ito papayag kahit anong gawin ko.

Tulala akong lumabas sa bahay. Hanggang sa pag tulog kagabi ay hindi ako mapakali. I'm afraid that someone might come and hurt her again. Pero tama ang sinabi ni mama, hindi pwedeng hindi ako pumasok. I told her to lock the doors for now. Pati ang tindahan ay pansamantala rin naming isinara.

Kung sana ay may telepono ako para matawagan siya oras oras...

Mayroon kaming cellphone pero nasa bahay lang iyon at si mama ang gumagamit. Pang contact sa kapatid niya na nasa Maynila.

Dumako ang mata ko sa sasakyan na nasa harap ng bahay. My eyes widened and my breathing hitched.

Dahan dahan akong nag lakad sa passenger's seat at binuksan iyon.

Gaya noong una ko itong makita, naka uniform ito at may kung ano sa buhok neto para hindi magalaw. He watched me as I fasten my seatbelt.

"A-ang aga mo?" His eyes darkened. "Oo, nga. Ang aga mo? It's only 5:45, bakit umaalis ka na? Akala ko ala sais ang usapan natin?" balik nito sakin ng may sarkasmo sa tono.

Umawang ang labi ko at natahimik. Nag simula na itong paandarin ang sasakyan. "Nawala lang sa isip ko. Pero mas maaga ka parin!" balik ko dito. Ngumisi ito. He gave me a side glance. "Ah. Ganun talaga" ngumuso ako at tumingin sa labas.

Paano nga ba ako napunta dito? Wala naman sigurong masama na pumayag ako sa alok niya diba? Siguro sa mga susunod na araw titigil na rin ito.

I'm not used to this. We literally only met each other a few days ago at sinusundo na ako nito sa bahay. Is that even okay?

"Nag breakfast ka na?" rinig kong tanong nito. "Ah, oo. I-ikaw?" tumahimik muna ito ng ilang segundo bago magsalita. "Yeah" ilang minutong katahimikan ulit bago ako magsalita.

"Do you always do this to your friends? I mean, sinusundo mo sila?" kuryoso kong tanong. "I don't have friends...ikaw lang" nag iwas ako ng tingin.

There's something inside me that felt empty.

"S-sina Shawn? Louis? A-Avery?" umiling lang ito ng hindi nagsasalita. "Si Avery... Mukhang close siya sa M-mama mo" his jaw clenched and his grip on the steering wheel tightened.
"Family friend. And... that's my step mother..." marahan akong tumango at kinagat ang dila.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon