8

170 5 0
                                    

LILA


"Ms. Sen, can you me help with these?" maliit akong ngumiti at tumango sa guro. Nilingon ko si Lian na nakapangalumbaba at pinapanood ako.
"Wait lang, mabilis lang 'to. Pero kung gusto mo na kumain bahala ka" umiling ito. "I'll wait for you" I just nodded and walked in front. Binitbit ko ang mga papel at sumunod sa guro.

"Ms. Sen, are you okay with your classmates?" mabilis akong tumango.

No, ma'am. Nananahimik lamang sila kapag may guro o pag nandyan si Lian sa paligid.

"That's good. Tell me if anyone bothers you, Okay?" ngumiti ako at nagpasalamat. We went to her next class. Kahit lunch na mukhang may mga ikakabit pa ito para mas mapabilis ang pagtuturo mamaya.

There are some students inside when we came in. They all greeted the teacher and their eyes immediately went to me. Yumuko na lamang ako habang nilalapag ang mga papel sa desk.

"Oh my! May nakalimutan pa pala ako sa office. Pwede bang ikaw muna ang mag set up ng mga 'to, Lila? Kaya mo naman diba?" sumang ayon ako at pinanood itong mag lakad takbo palabas.

Sana kumain na si Lian kahit wala ako.

I sighed and started to set up the projector. Habang ginagawa iyon ay may mga maiingay na lalaking pumasok.

They all looked at me and I went back to what I was doing. May mga iilang sumipol at humiyaw.

Abot abot ang kaba ko nang marinig ko ang paglapit nila sa pwesto ko. Nanginginig kong inayos ang pwesto ng projector nang may isa sakanilang sadyang tabigin iyon.

"May maganda pala dito" rinig kong sabi ng isa. I bit my lip hard to stop myself from shaking.

Wag mo pansinin, Lila. Nangiinis lang 'yan. Wag mong lingunin.

"Diba ikaw yung pokpok?" nahigit ko ang hininga nang may bumulong sa tenga ko. Malakas na nagtawanan ang mga ito.

Nilingon ko ang mga babae na naroroon upang humingi ng tulong pero sobrang pagka dismaya at inis ang naramdaman ko nang makita ang pandidiri sa mukha ng mga ito.

Hot tears pooled my eyes.

Mabilis ko iyong pinunasan. They won't see me cry, I promise that.

"Mamaya hintayin ka namin ha. Abangan ka namin sa gate tapos ganito tayo oh" he motioned a gesture in his hands and I almost burst out crying.

Halos marinig ko na ang sariling tibok ng puso sa tenga ko. It's with a physical pain. I'm scared. Sobra akong natatakot.

Nang dumating ang guro ay mabilis na nagsi alisan ang mga ito. "T-tapos na po ako. Balik na p-po a-ako" kahit nagtataka ay tumango ito saakin at nag pasalamat.

Tulala akong nag lakad pabalik sa classroom. Nang pumasok ako ay wala masyadong tao. Lian's eyes immediately went to me.

I walked to my seat.

"Kain na tayo. You okay?" Nilingon ko ito ng may mabigat na hininga. Mabilis na bumalik ang kaninang pinipigilang luha at tuluyan ng bumuhos. Humikbi ako ng malakas dahilan ng pag tingin ng mga iba pa naming kaklase na nasa loob.

"Puta--What happened?" umiling iling ako at umiyak lalo ng malakas. Mabilis itong tumayo at lumuhod sa harapan ko.
"Anong nangyari, Yrana? May nanakit ba sa'yo?" I felt my heart hurt with his question.

I never thought I'll experience it until now. It feels so horrible. Gusto ko na umuwi. I just want to be with mama right now.

Ang matalim na mata neto ay lalong naningkit. I tried to stop my whimpering pero mas lalo lamang na lumakas iyon. I don't want to answer. I'm scared of what might happen. I just want to disappear or teleport to our house right now.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon