2

329 19 0
                                    

LILA


Hindi makapaniwalang tingin ang iginawad ko dito. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ang lahat ay nakatuon ang tingin sakanya.

Unti-unti ay tumigil ito sa pag tawa at hinawakan ang labi, pinipigilan ang ngiti na gustong lumabas. Ang nakakabinging katahimikan ay nabasag nang magsalita ang guro.

"Lila, that's a very good opinion. I love the way you think. You chose the right strand!" natutuwang sabi ng guro na ikinagulat ko. Nahihiya akong ngumiti at nag pasalamat.

Nagbubulong-bulungan na ngayon ang mga kaklase ko. Sa sobrang sama ng tingin ni Avery, tingin ko ay handa na itong sugurin ako. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at nag lakad pabalik sa upuan.

Mali ba yung sinabi ko? Dapat ba nanahimik nalang ako? But the teacher thinks it's good. Kung wala namang problema sa guro, bakit siya nagagalit? Right. I countered her opinion and the teacher praised me. It's not my fault anymore.

We were born and raised differently. She's rich and I'm not but it doesn't really make any difference if her parents taught her right. Or Maybe they did but she just lacked respect and understanding? Sabagay, opinyon lamang pala iyon. But we should still respect other people's beliefs or opinion. Tinanggap ko kahit masakit ang mga salita niya. Her words are obviously directed to me pero hindi ako nagpakita ng ano mang galit. Ngayon, nasakanya na lamang iyon.

My thoughts about it made me feel better.

Hindi ka dapat ma guilty, Lila. You only shared your opinion. Or maybe, sinadya ko talaga siyang patamaan?

Napangisi ako sa iniisip.

The second teacher came and it went smooth. Hindi na ako nagtanong sa katabi ko kung bakit ganun ang ipinakita niya. Even if I'm curious, I won't ask him about anything. Why? I just don't want to be involved with him. Mukhang wala itong gagawin na maganda.

Hanggang sa ikatlong subject, ang mahihina netong mura ang madalas kong marinig. Hindi ko alam kung bakit at wala rin akong balak na tapunan eto ng tingin.

Kahit na naiirita na ako sa kaka mura neto, hindi ko pinansin. Even my mother doesn't curse. I really hate people who curse. Ang sakit sakit sa tenga.

When the bell rang for lunch time, halos matumba na ako sa inuupuan ko. Halos hindi ko kasi igalaw ang katawan ko. Nagka stiff neck pa ata ako.

Unti-unting nabawasan ang tao sa loob. Kahit si Avery na mukhang lalapit upang komprontahin ako ay nagpahila na lamang sa mga kaibigan. Inirapan ako neto bago tuluyang maka labas. Some stayed dahil mukhang may baon din ang mga ito kagaya ko.

My heart started to race when I noticed the guy beside me. He's not moving at all! Wag mo sabihing dito siya kakain sa classroom?

I jumped on my seat for the second time when he stood up and turned his chair to my side. Dahil bakal ang upuan, maingay na tunog ang nilikha nun.

Tinapunan ko ito ng tingin at nakangisi na eto ngayon saakin. Kahit nagdadalawang isip ay nagsalita na ako. "What's your problem?" I tried to sound tough but I failed. It sounded gentle and small than usual.

"Tangina, nakikita mo pala ako?" he asked with sarcasm. Napangiwi ako sa mura nito.

His voice is deep for a 17 year old. It suits him though. Hindi naman ito patpatin at mukhang nagbubuhat naman sakanila. Matangkad din ito ng 'di hamak. Hindi kaya college student na talaga 'to?

Mukhang hindi naman kami napapansin ng iba dahil abala ang mga ito sa pagkain at pakikipag usap. Nakaka drain nga naman kasi. Kahit ako, gutom na gutom na.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon