26

143 7 0
                                    

LILA


I composed myself. Ngumiti ako sa mga kumukuha ng litraro pero hindi ko inalis ang suot na aviators. Tuloy tuloy lamang ang lakad ko habang may dalawang bodyguard na nagdadala ng mga gamit ko.

Ngayon ang alis ko papuntang London. Kahapon ay nasa Palawan ako at kahapon ay umalis rin ako agad. I don't want to waste my time. I got hurt, kasalanan ko rin naman. If this is the price of me- breaking his trust then I can't do anything about it.

The plane ride will be 14 hours long. Nakapag paalam na ako kina Lola. Nagulat nga si Aila sa biglaang pag alis ko pero hindi na rin ito nagtanong.

Latang lata ako pagkarating sa London. Kahit puro tulog lamang ang ginawa ko ay sobrang pagod pa rin ang nararamdaman ko. I'm physically, mentally and emotionally tired. Kaya pagkarating na pagkarating sa hotel ay bagsak agad ako.

Bago ang magaganap na exhibit ay gagala ako kasama ang mga kaibigan ni Robert. Kung mag eenjoy ako dito, hahabaan ko pa ang stay ko. Kung hindi naman ay pupunta ako ng Tokyo para mamasyal.

May pera naman ako, bakit hindi ko waldasin? Kung hindi pa ako mabo-broken hearted, siguro ay nagtatrabaho pa rin ako ngayon. Magandang timing na rin ito para makapag pahinga.

Maybe I'll take a break for a month and the next thing that'll happen, I'll be a brand new bitch.

Suot suot ang coat ng isang mamahaling brand at spaghetti strapped dress sa loob ay pumasok kami sa isang bar. Dahil medyo marami kami ay umingay sa loob. Unlike the bars in Manila, medyo mas tahimik at elegante dito.

Sa bilang ko ay nasa 12 kami. Robert took a selfie with all of us. Katabi ko sa lamesa ay si Gwen na nakikipag usap sa katabing si Robert. Habang ang katabi ko naman na si Austin Del Xejo ay nakikipag kwentuhan saakin.

Sa bilang ko ay lima lamang kaming Artist dito. Ang iba ay mga sikat na personalidad na dadalo sa exhibit kagaya ni Austin. He's a Businessmam from Manila.

"Lila! Buti nakapunta ka!" pagbubukas ng usapan ni Gwen. Tumango tango ako at tumawa. "Yeah, pahinga na rin. How about you?"

Nagtuloy tuloy pa ang usapan at inuman. Austin poked me. Lumingon ako at bukas ang camera neto sa Instagram. "Boomerang, Lila" paalala niya. He pressed the button and I stuck my tounge out. Habang ito naman ay kumindat sa camera.

We both laughed when we finished. He mentioned me in his story kaya binuksan ko ang phone para i add iyon sa sariling story.

Maya maya ay tumayo kami para humiwalay sa mga naroroon. Hindi naman nila iyon pansin dahil may mga kanya kanya silang ginagawa.

"Come here, Lila. I'll take a picture of you. Diyan ka oh" itinuro niya ang high chair kaya umupo ako doon. Kuminang ang piercing niya tenga habang umuupo at humahanap ng magandang angulo.

Dahil nakainom na ay panay ang tawanan namin. Mapungay na rin ang mga mata niya at panay na ang akbay at hawak saakin.

Hinubad ko ng kaunti ang coat at ipinakita ang highlighted kong collar bones. I smiled at the camera and also did some fierce pose.

Pagkatapos noon ay ako naman ang kumuha ng mga litrato niya.

Habang ginagawa lahat ng iyon, hindi naaalis sa isip ko ang isang tao. Kahit nagagandahan ako sa mga ngiti, mata at ekspresyon ni Austin ay hindi pa rin 'nun natutumbasan ang ngiti, mata at ekspresyon ng taong iyon.

Malungkot kong pinanood ang mga nadadaanan ng sinasakyan pabalik sa hotel.

It must be nice if you're here with me. Maybe we could also take some pictures together.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon