21

150 10 0
                                    

LILA


"I'm going home" na lamang ang nasabi ko at kinuha ang paper bag bago lumabas ng kotse niya. Kahit naririnig ko ang tawag neto ay hindi ko siya nilingon.

Tears pooled my eyes.

He left me years ago. Broken and traumatized. Ngayong ayos na ako doon siya babalik? Para saan pa? What we had years ago, I don't even know if it is love. Bakit ako babalik sa dati?

Bakit ba ako nalilito? Bakit ba ako nasasaktan?

Kasi bumalik siya na parang walang nangyari. Ni hindi niya tinanong kung kumusta ako. Ni hindi niya tinanong kung anong nangyari sa loob ng pitong taon.

Nanghihina akong pumasok sa kotse at sinimulang paandarin iyon.

Imbis na dumeretso sa mansyon ay nag park ako sa basement ng condominium building ni Aila. Pinindot ko ang 8th floor at pagkalabas ay pumunta sa harap ng pinto neto. Nag doorbell ako at ilang sandali lang ay bumukas ito.

Lumabas ang naka pambahay na Aila. "Pasok ka" niluwagan neto ang bukas ng pinto at walang sabing pumasok ako.

Kwinento ko sakanya ang nangyari simula sa pag punta ko sa bahay ng mga ito hanggang sa nangyari kanina.

"You know, not to offend you ha? Pero nasayo yung problema eh.." tumatango tangong sabi neto habang tinutungga ang malaking softdrinks.

I rolled my eyes. "I know, Aila. Kaya nga sabi ko confused ako diba?" I sighed and drank from my glass. Ngumuso ito. "Alam mo? Hindi ka lang sanay. Dati kasi ikaw yung laging nasa tabi niya. Ngayon may Camille na. What you need is acceptance. That can also happen to friends, Lila. Jealousy kahit wala ka naman talagang nararamdaman para sakanya. Ikaw na mismo ang nagsabi, nalilito ka sa dalawa. Probably because it's not Hyron that you really liked. Tanggapin mo na mayroon ka rin talagang nararamdaman para kay Charlie. Hula ko lang 'yan ha, wag mo ako sisihin pag may nangyari . " mahabang paliwanag neto at nag kibit balikat.

Sandali akong natahimik sa sinabi niya.

"Walang pumasok sa utak ko pero sige" biro ko para gumaan ang pakiramdam. Sinara neto ang malaking plastic bottle ng softdrink at ibinato saakin. Tumatawa akong inilagan 'yun.

"Mukhang nalinawan ka na rin naman, bakit hindi nalang tayo mag celebrate? Chill na muna tayo" itinaas baba neto ang kilay.

"K"

Nagpalipas lamang kami ng ilang oras bago mag bihis at nag ayos. Pinahiram muna ako neto ng isang Haltered red fitted dress dahil hindi bagay ang damit ko kanina sa pupuntahan namin.

Tinext ko ang mayordoma ng bahay para sabihing hindi muna ako uuwi dahil nakina Aila ako.

Itinali ko ng mataas ang buhok ko, highlighting my features. Nag suot ako ng silver strapped heels na pag aari ni Aila at tumulak na kami pagkatapos.

She messaged a few more friends to be with us tonight and luckily, pupunta daw ang mga ito. Dahil dalawa lamang kami ay kotse niya ang ginamit namin at siya na rin ang pinag drive ko.

Nang makarating ay sinalubong kami ng mga ito. Wala pa man ay tumatawa na ang mga ito pag pasok namin sa bar.

They ordered a few bottles and we started to drink. Hindi pa ganun ka lalim ang gabi pero sobrang ingay na at saya.

"Okay, I'm betting 3 thousand. Lila will finish the next song, dancing up there.." itinuro ni Michelle ang bar counter at inilapag ang tatlong libo. Naghiyawan ang mga ito. "Anong gagawin ko sa tatlong libo? Pang tusok tusok ko?" naghahamon kong sabi. Sumigaw ang mga ito at tumawa. "I'm betting 5 thousand on you, umayos ka. She'll finish the song" duro ni Aila saakin. Humalakhak ako at nag gesture na dagdagan pa.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon