12

147 6 0
                                    

LILA


"L-lian, inaya lang niya ako. Hindi naman ako maka tanggi kasi kapatid mo-" nailayo ko ang cellphone nang malakas itong sumigaw.
"HE'S NOT MY BROTHER"

I squinted my eyes. "Lian, bakit ka ba nagagalit? He's just being nice" I'm breathing heavily. Ang iritasyon ay unti-unting kumakalat sa sistema.

"He's not nice, he's a playboy! He's a dick! Listen to me, Yrana!" ngayon ay mas kalmado netong sabi. "Your words, Lian. Hindi ko naman gusto yung kapatid mo! Ano bang iniisip mo?!" sagot ko at nag iwas ng tingin dito.

Ikaw yung gusto ko! Ikaw dapat!

"Then why did you go on a date with him?! Tanginang 'yan! He even posted you in his Instagram account, pumayag ka doon?! Bakit ka ba lapit ng lapit sakanya?! Ano gusto mo siya?!" napapikit ako ng mariin. "It's not a date, Lian! I told you-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang patayin neto ang tawag.

Tears pooled my eyes.

Ni hindi niya ako pinapakinggan.

Lahat ng pagod at iritasyon na naramdaman ko sa buong araw ay bumuhos. I cried myself to sleep. Hindi ko na sinubukang tawagan ulit ito dahil panigurado ay hindi rin kami magkakaintindihan.

Gumising ako ng mabigat ang pakiramdam at namumugto ang mata.

Walang gana kong tiningnan ang cellphone ko. Nang makitang walang message 'yun ay nanghihina akong tumayo para maligo.

Ayaw kong magmukmok nalang buong araw kaya nag linis ako ng bahay at naglaba. Hindi na tinanong ni mama kung bakit namumugto yung mata ko. Hindi ko rin naman sasabihin kung bakit.

Tanghaling tapat nang umakyat ako sa kwarto para mag pahinga. Umilaw ang naka charge na cellphone kaya dinampot ko iyon at tiningnan.

Lian Calling

Huminga ako ng malalim bago sagutin iyon. "Hello?" tahimik ang nasa kabilang linya. "Yrana.."

Inalis ko ang pagkaka charge neto at umupo sa upuan kaharap ng malaking bintana.

"I realized that I've been too harsh last night. I'm sorry.." lumunok ako at huminga ng malalim, hindi alam ang sasabihin. "Okay.." lamang ang tanging nasabi ko. "Yrana, you're still mad?" ibubuka ko palang ang bibig ko upang mag salita nang may marinig ako sa kabilang linya.

"Hyron! Swim with me!" kinunot ko ang noo ko sa tinig ng isang babae. "I'm sorry, that's Camille. She's a friend" friend? I thought he has no friends?

Naiirita akong tumayo sa gitna ng kwarto, nasa tenga parin ang cellphone.

"Okay. Mamaya na tayo mag usap" hindi ko na hinintay ang sasabihin neto at mabilis na pinatay ang tawag.

Sabi niya wala siyang kaibigan. Sabi rin niya isang linggo lang siya sa Manila. Mukhang nag enjoy ito doon kaya nag tagal siya. Kung ganun ay bahala siya sa buhay niya. Kahit wag na siyang umuwi. Sinungaling.

Napairap ako sa inis at kasabay noon ay ang pag tulo ng luha. Mabilis kong pinunasan 'yun at humiga. I turned my phone off.

I seriously need to sort out my feelings. Masyado akong naguguuhan at ayaw kong nararamdaman ito. I feel like I have no control over my life. Nakaka frustrate.

Nagising ako ng madilim na ang nasa labas ng bintana. Papunga punga akong tumayo at tiningnan ang orasan. It's already 7pm!

Mabilis akong bumaba para tingnan si mama. Mukhang late ako makakatulog mamaya. Anim na oras ba namang tulog?

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon