4

186 11 0
                                    

LILA

Anong susuotin ko?

Pagkamulat palang ng mata ko, iyan na ang nasa isip ko. Mabilis akong tumayo at inayos ang pinag higaan. Agad akong lumapit sa lalagyanan ng mga damit ko at iginala ang mata.

They're rich so their house must be big and elegant. Malaki pa ang tsansang mansyon ito. Kahit papaano ay kailangan ko mag ayos.

I picked my faded skinny jeans and a white off shoulder blouse. Pinaresan ko rin ito ng simpleng strapped na flat sandals.

Mabilis akong naligo at isinuot yun. Naka angat ang kilay ni mama at may maliit na ngisi nang pasadahan ako ng tingin.

"Research ba talaga o date?" I jokingly rolled my eyes. "Gusto ko lang mag mukhang pormal, Ma. Nakakahiya naman kasi mukhang sobrang yaman nila" tumango tango ito pero may pagdududa parin sa mga mata.

The car ride yesterday went smooth. Nasa back seat ako habang ang dalawa ang nasa harap. May mga maliliit na tanong si Charlie saakin habang nakikinig lamang si Hyron.

"Ilang taon na kayo dito ng mama mo?" tiningnan ko ang mga mata nito sa salamin na pabalik-balik ang tingin saakin.
"3 years na rin" tipid kong sagot. Tumango tango ito at tumahimik. Maya-maya ay magtatanong ulit.

Sinusundan niya ang itinuturo kong direksyon. Sa totoo lang ay medyo nahihiya ako dito.

I remember how I treated him a week ago. Ni hindi pa ako nakapag pasalamat! Kahit kating kati ako na buksan ang usapan na iyon, hindi ko nagawa. Dahil na rin sa nandiyan lamang si Hyron at nakikinig sa usapan namin. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam na ramdam ang presensya neto.

Is he mad at me? O baka ganyan lang talaga siya?

Come to think of it, wala akong alam tungkol sakanya. Pero heto ako at malakas ang loob na sumakay sa sasakyan ng kuya niya kasama siya.

Nang tumigil sa harapan ng bahay ay mabilis akong nag pasalamat sa dalawa. Charlie smirked at me like he's saying 'we're not yet done'. Tinanguan lamang ako ni Hyron at sinundan ng tingin.

Ang mga kapit bahay ay nagkukumpulan at nagbubulungan nang makita akong bumaba.

I sighed as I watched the car leave.

Sinuklay ko ang buhok ko at itinali ng mataas. I let my wavy hair flow in a high ponytail. Some strands went down at hinayaan ko na lamang ito.

Nag lagay ako ng isang pad paper at ilang ballpen. Nag lagay na rin ako ng pabango at suklay sa loob ng tote bag.

Lumapit si mama at inayos ang damit ko mula sa likod.

"Dalaga na ang anak ko" may galak sa boses na sabi neto. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang masayang mukha neto.

Hinatid niya ako hanggang sa labas ng bahay.

"Mag iingat ka ha? Heto oh" inabot niya saakin ang ilang tigiisang daan na papel. Umiling iling ako. "May pera ako, Ma. Ipon ko sa baon ko" nagpoprotesta ang mukha niya at isinuksok sa bulsa ko iyon.

Sumimangot ako at itinulak niya ako ng marahan. "Sige na alis ka na" tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.

Nilagpasan ko ang mga chismosang kapit bahay na mukha atang hindi natutulog mabantayan lang kami. Inirapan ko sila nang madaanan.

Hindi ko na tiningnan ang mga reaksyon ng mga ito at nag abang ng masasakyan sa kanto.

Sinabi ko sa nasakyang tricycle ang lugar. Nang makarating ay nagbayad na agad ako at bumaba.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon