LILA
When I got out of the restroom, they're already gone! Like? I hate them! Ikaw pa na hampaslupa yung may extra! I can't believe it! So yeah, thanks. I'll pay you tomorrow for this" umiling iling ako sa rant neto.
"Ayos lang. Wag mo na bayaran" sagot ko habang naghuhugas ng kamay. "No! I'll pay for this! Baka mag hirap ka pa. Oh yeah, mahirap ka na nga pala" natatawa nalang akong umiling sa insulto nito.
A minute later and she opened the cubicle's door. "Buti may dala kang jogging pants" she rolled her eyes at me. "Yeah. But anyway, kayo na ni Hyron?" here she goes again.
"No, Avery. We're just f-friends" may pagdududa sa tingin nito at ngumisi saakin. "Why are you stuttering?" It's my turn to roll eyes. "Basta! Bakit ba chismosa ka? Tsk. Tara na" she laughed crazily and tugged my arms. Naka-kapit ito sa braso ko hanggang sa makarating sa classroom.
Kahit naiilang sa biglaang pagiging malapit nito ay hinayaan ko nalang.
Sumama ito saakin pabalik sa upuan ko. Nag angat ng tingin si Lian mula sa kanyang cellphone. "Oh! Here's your girlfriend na" mabilis ko itong nilingon para mag protesta pero nakaalis na ito at naka balik sa upuan, iniirapan ang mga kaibigan.
Dahan dahan akong umupo ng hindi nililingon ang katabi. "Girlfriend huh" marahas ko itong nilingon. Ngumisi ito saakin habang nakapangalumbaba. "I didn't say that. S-si Avery lang ang nagsabi" inirapan ko ito at humalakhak ito ng malakas.
Lumingon ang mga iba kong kaklase pero dahil si Lian iyon, nagsi iwas din ang mga ito ng tingin.
"Do you like it though?" I rolled my eyes. "Hindi!" tumango ito at kunwari ay naniniwala saakin. "Baliw" mahina kong bulong at pinanood ang mga estudyante sa labas ng bintana. "What's that?" umiling iling ako ng nakatalikod dito.
Hindi na ako nito ginulo hanggang sa dumating ang guro.
Girlfriend? Tuwang tuwa ka naman. Tsk.
Kahit nasa eskwelahan ay hindi natanggal ang isip ko kay mama. She's okay, Lila. Don't worry too much. Bibilisan ko nalang umuwi mamaya. It won't make any difference pero mas mapapayapa ang utak ko kapag nasiguro kong ayos si mama.
Lunch came and we ate while talking. Parehong naka harap ang upuan namin sa isa't isa.
"Here, eat this" naglagay ito ng ulam sa baunan ko. "Do... friends do this?" he looked at me seriously and nodded. "Yeah" tumango tango ako at kinain 'yun.
For months, we were like that. Kung walang pasok, ginagawa namin ang para sa research sa library ng school o kung wala namang gagawin para sa araw na iyon, nasa bahay ako at tinutulungan si mama sa tindahan.
Hindi naiiwasam ang mga tukso at insulto pero nawawala ang mga iyon kapag nasa paligid si Lian. It's like they were scared to say anything when he's around. I don't know what he did for them to act like that but I'm still thankful. Si Avery lamang siguro ang nakakagawa nun sa harapan namin. I'll just laugh at her when she does it. That's the real her, I guess? Madalas na rin itong hilain ako sa kung saan saan at magpasama.
"Ano ka ba? Matagal ng nakasara ang tindahan nila Katrina sa palengke. Balita ko pinaalis sila" nilingon ako ng kapit bahay namin. "Ayan, ayan siguro ang may kasalanan. May malas ata na nakadikit sa mga 'yan" napa irap ako at mabilis na nag lakad sa kanto.
Ngayon malas naman kami? Ano pang susunod? Hindi na ako magtataka kung akusahan kaming mga aswang sa susunod. Ano bang kinalaman namin doon? Baka kaya sila pinaalis kasi hindi sila nakakapag bayad? Ano pa man ay wala akong pakialam. Bagay sakanila 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/229783413-288-k344349.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)
RomantikIn a love between two people, there's always one who'll love the other person more, the one who'll forgive and sacrifice the most. They are the ones who will do anything, good or bad just for the other person. They can be the worst person for love a...