27

146 11 0
                                    

LILA


Nagmukmok ako buong araw sa loob ng kwarto ko, taliwas sa plano na para dapat sa araw na iyon. Napagod ako sa kakaisip kung ano ba talagang kailangan niya saakin.

I betrayed him, right? I broke his trust. At may girlfriend siya, di'ba? Rachelle? I thought he's done with me?

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa buong araw na nasa kwarto ako, ilang beses akong nanlalamig kapag iniisip ko ang mga iyon.

Totoo nga ba ang sinabi niya noong magkita kami ulit? 7 years is no joke. Hindi pwedeng wala siyang nakilala na magugustuhan niya sa pitong taon. I know, I'm beautiful. I also got the body. Pero sapat ba 'yun? Kung may girlfriend siya agad pagkatapos namin mag away, mahirap paniwalaan ang mga salita niya.

Mahirap ba talaga paniwalaan? Sino bang nasa putikan ngayon, Lila?

Maybe he's just playing with me. Ang dali ko talagang mauto. And the money he gave me? Barya lamang iyon sakanya. Siguro nga ganun. I did anything. Sex? 'yun lamang ang habol niya. At ang mapaglaruan ang nararamdaman ko. Dahil ang bilis kong bumigay at nakita niya iyon.

I laughed hysterically and cried.

Realization just slapped me. Hard.

I thought I was smarter now. Akala ko kaya ko na ang sarili ko. Akala ko... mahal niya ako.

Pagod kong binuksan ang pintuan at naabutan doon ang naka yukong si Austin. His face lit up when he saw me but his smile faded when he saw my tired face. Sinubukan kong ayusin iyon pero mabilis niyang hinawakan ang balikat ko.

"Lila, Are you okay?" tumango ako at ngumiti. He looks worried, kaya pilit kong pina sigla ang itsura at tono ko. "Yes, Austin. Kakagising ko lang. Dinner ba?" kahit nagdadalawang isip ay tumango ito saakin.

Nagpaalam akong kukunin lang ang pera pero sinabi niyang treat niya na daw. Saglit pa akong nakipag sagutan dito pero napapayag din niya ako.

Pinilit netong pagaanin ang nararamdaman ko at kahit papano ay nagtagumpay siya. He's playful. Panay din ang mga biro niya kaya madalas ang pagtawa ko.

Natigil ako pagtawa nang makita si Charlie na pumasok sa restaurant. Agad na napunta saamin ang tingin niya. His face darkened and his jaw clenched.

Dumiretso siya sa tabi naming table. Ang lakas pa ng loob na ipakitang pinapanood niya talaga kami! Walang hiya!

Mukhang napansin iyon ni Austin kaya binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. Umiling ako at uminom ng wineglass ko.

Narinig ko ang pag lapit ng waitress at ang pag order niya. Kinunot ko ang noo ko at nairita sa tahimik na Austin.

Hanggang sa matapos kami kumain ay ramdam ko ang tingin na ibinibigay niya saamin. Kanina pa ngumingisi si Austin saakin kaya mas lalo akong nainis.

We asked for the bill pero nahihiyang lumingon ang waitress sa lalaking nasa gilid namin.

"Your boyfriend said he'll pay for it, madame" narinig ko ang mahinang halakhak ni Austin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Austin!" naiirita kong sita. Nag kibit balikat siya at ngumisi muli. "He paid for it, Lila. Sayang naman. Atleast hindi na ako magbabayad"

Marahas kong nilingon ang manlolokong panget at mukhang natutuwa ito sa nakikita pero nang mapagawi kay Austin ang tingin ay nawala ang tuwa sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim at nilingon ang waitress na palipat lipat ang tingin saamin.

"Fine. He'll also pay for my whole stay and my next meals. He will pay for every snack I'll ask to bring in my room" naka taas ang kilay kong sabi. Humalakhak si Austin at nilingon naman ng waitress si Charlie.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon