16

146 7 0
                                    

LILA


Nanginginig akong humakbang patalikod. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Halos hindi ko maramdaman ang sariling katawan.

"Lila, do you know who your father is?" Charlie asked in a cold tone. Ang pagkalito at galit sa mukha ni Mrs. Cervantes ay nakatuon saakin, naghihintay ng sagot. Avery and her mother is confused.

Mabilis akong umiling at tumalikod. Napatigil ako nang makita si Lian doon, galit at naguguluhan.

Narinig niya lahat.

Tumakbo ako at nilagpasan ito. Narinig ko ang mga tawag nila ngunit hindi ko sila nilingon.

Natatakot ako. Nandidiri ako sa sarili ko. Paano kung...? Hindi ko kayang tanggapin. Is it a coincidence? Na kamukha ko ang ama nila?

Gulat ang mga nadaraanan ko. A crying girl with a stain of wine on her dress. I look horrible for sure. Pero wala na akong pakialam sa ngayon. Ang gusto ko lang ay makaalis dito. Gusto kong malaman mismo kay mama. Kung totoo na bang patay ang tatay ko. O itinago niya saakin ang totoo dahil may pamilya na ang totoong ama ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang sakit.

Halos matapilok ako sa pagbaba ng hagdan, palabas sa mansyon. Walang tigil ang buhos ng mga luha ko.

Katulad ng dati, kahit sobrang ganda ng mga nadaraanang mga rosas ay hindi nito naalis ang sama ng loob ko.

Iyon pa rin ang guard na naka bantay. Gulat ito habang pinapanood akong lumabas sa napakalaking gate. "Neng, wala na naman bang maghahatid sa'yo? Ayos ka lang ba?" hindi ko ito sinagot at nagpa tuloy sa pag labas.

Hindi na ako makapag isip ng tama. Kahit sobrang dilim ng daraanan ay hindi ako nagpatigil. Tumigil ako sa pag takbo at nag lakad. Ang tanging naririnig ay ang mga hikbi ko.

Buwan lamang ang gabay ko sa paglalakad. Ilang minuto sa paglalakad ay may narinig ako kabilang parte ng mga tanim, sa kanang bahagi.

"Miss, mag isa ka?" natigil ako sa paghikbi at nilingon iyon. Binundol ng kaba ang dibdib ko. Naghiyawan ang mga ito nang maka akyat sa konkretong daanan.

"Miss tara doon oh, walang makakakita" sa bilang ko ay nasa apat sila. Walang pag aalinlangan akong tumakbo sa kaliwang parte ng taniman. Nagsigawan ang mga ito at narinig ko ang pag takbo at pag sunod nila.

Sinalubong ko ang matataas na tanim ng mais.

"Mahuhuli ka rin namin!" pinigilan ko ang malakas na pag hikbi at nagpa tuloy sa pag takbo. Ramdam ko ang mga gasgas na natatamo ko sa mga tanim.

Lagi rin akong natatapilok dahil sa heels ko.

They're four and I'm just one. Ang layo pa mula sa bayan. Siguro naman titigil rin sila?

Hingal na hingal na ako. Halos hindi na ako makahinga. Ano mang oras ay tutumba na ako. Pero naalala ko si mama. Aalis na kami bukas, malayo dito. Malayo sa mga nananakit saamin. Hindi ko siya pwedeng iwan. Uuwi ako, uuwi ako kay mama.

Ilang minuto pa na pag takbo ang ginawa ko nang maramdaman kong wala ng sumusunod saakin. Saglit akong tumigil para kumpirmahin iyon. Wala na ang mga hampas na naririnig ko sa maisan. Tanging mabibigat na hininga ko na lamang ang maririnig.

Determinado na maka uwi, nagsimula ulit akong mag lakad. Hindi ako aakyat sa konkretong daanan dahil baka naghihintay lamang sila na lumabas ako.

Nang makita ang labasan at tulay papunta sa bayan ay gusto kong humagulgol. Pero sa takot na baka may humabol nanaman saakin ay pinigilan ko ang sarili na mag ingay. Nang makarating sa tulay ay doon ko pa lamang nasilayan ang sarili. Punit punit ang kaninang eleganteng bistida at puro sugat ang buong katawan ko.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon