19

140 7 0
                                    

LILA



"This is wrong" I whispered. Lumayo ako dito. Umiling ito saakin. Lumapit at hinawakan muli ang pisngi ko. "What's wrong?" nag aalala netong tanong.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Mas lumaki ang katawan nito. He matured a lot. Girls would willingly throw themselves to him.

Gaya ng ginawa mo, Lila.

"You're already 30, Charlie. Hindi ba magagalit ang asawa o girlfriend mo?" umiling iling ito saakin. "I'm not yet married. Wala rin akong girlfriend" nag angat ako ng kilay at lumayo dito. "7 years have passed, Charlie. I don't believe you"

Huminga ito ng malalim na animo'y nahihirapan. "Sure there were a few girls...but I just couldn't get you off my mind" I laughed without humor. "And you think I'll believe you?" I rolled my eyes and walked to the table. Kinuha ko ang coat at purse.

"Believe me, Lila. Kahit hindi kita nakita ngayon, I don't think I'll be able to enter a serious relationship with anyone. Kung kinasal na nga ako, tingin ko hindi ako matatahimik sa bawat gabi na iba ang katabi ko at hindi ikaw" may dumaan na sakit sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi nito at napatigil ako sa pag hakbang palabas.

It sounded so desperate that I can't believe my own ears.

"Ipag drive mo ako, ibalik mo ako sa bar" matigas kong sabi at lumabas. Doon pa lamang ako nakahinga ng malalim. Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis.

Ang tanga tanga mo, Lila.

Ilang sandali pa ay sumunod ito saakin dala ang susi ng sasakyan. "Babalik ka pa? The guy you're dancing with earlier...boyfriend mo?" nilingon ko ito. "That's none of your business" nalukot ang mukha neto kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Napapailing ako habang sumasakay sa elevator. He pressed the basement and settled behind me. His arms are crossed, making him look intimidating.

"Ang tagal na kitang gusto lapitan. Pero iniisip ko, baka hindi ka pa handa.." he softly spoke. "Thank the heavens, Charlie na nakita mo ako ngayon. Dahil wala naman talaga dapat akong plano na makipag lapit pa sainyo" irap ko at inilagay ang buhok sa likod.

Kita ko ang pag nguso neto sa salamin ng elevator.

"Don't be mad at me, please? Kung iisipin, I haven't done anything bad to you.." na tahimik ako sinabi niya dahil tama naman siya. But I feel like everything and anyone in Santa Monica has done me bad. No one can blame me. I've been hurt. I almost got raped and my mom experienced a lot of shit in that hellhole.

"What do you want me to do? Please? Tell me, Honey" tumayo ang mga balahibo ko sa huling sinabi neto. Hell, it sounds so good. At hindi na ako makaka tayo pa kapag hinayaan ko ang sariling bumigay doon.

"I need space, Charlie. Let me think" nalilito kong sabi at mabilis na lumabas nang bumukas ang elevator.

"Hindi pa ba sapat yung pitong taon?" I turned to him and squinted my eyes. "Hindi pa, bakit? Do you have a problem with it?" maangas kong hamon. He pursed his lips and shook his head like a good boy. "Wala. I'll wait for you" again, I rolled my eyes.

Pinatunog niya ang sasakyan kaya pumasok ako sa passenger's seat. Pumasok na rin ito at sinimulang paandarin iyon.

"May gagawin ka bukas?" tanong nito. Halos sakalin ko ito sa inis. Kakasabi ko lang na bigyan ako ng panahon! Pero huminga nalang ako ng malalim. "I'm going to my aunt" tumango ito at nag simula nang ilabas iyon sa tower. "Thursday?" tanong muli neto. "Doon pa rin" tumango tango ito. "Friday?" naiinis ko itong tiningnan. "Oo na, sa bahay niyo ako sa Friday! I'll paint your mom a portrait! Can you shut up now?" ngumisi ito ng malapad. "Can I pick you up?" tanong niya habang ngiting ngiti. "NO!" I spat.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon