Chapter 6

372 13 2
                                    

Kyle's Pov

"Let's go," sabi ko kay Kish pagkatapos niya akong tawagin.

GORGEOUS!

She's wearing a pants and t-shirt but she's so gorgeous. Bagay na bagay sa kanya!

"Ui, Kyle," -Kisha

"Ayy sorry, napatitig lang ako sa maganda mong mukha."

PUTCHAAAA KYLE, LAMUNIN NA AKO NG LUPA NGAYON!

"Thank you," Kish smiled.

"Hmm, hin-hindi k-ka ba naiilang kasi pinuri kita?" alanganin kong tanong dito.

"Luh? Bakit ako maiilang, normal lang naman 'yun." -Kisha

Kakaiba talaga ang babaeng ito. Kaya hindi na ako magtataka na na-love at first sight ako sa kanya.

Hoy! Kyle! Anong love at first sight ka dyan! Siraulo ko!

"Ibang klase ka talaga. Tara na," sabi ko sa kanya habang sinarado ang pinto ng condo.

"Bakit naman ako ibang klase?" sabi niya at sumakay kami sa elevator.

"Kasi ang iba 'pag pinupuri ng ganun, it's either na magbablush sila o kikiligin."

"Ang bababaw naman nila duhhhh," sabi ni Kisha pagkalabas namin ng elevator.

"Hahahaha, ang cute mo." -Kyle

Takte ka Kyle!

"Yan mas cute ka 'pag tumatawa, 'wag laging seryoso, tatanda ka agad niyan." -Kish

"Grabe cute lang talaga ako? Hindi ba gwapo?" sabi ko sa kanya at pinagbuksan ng pinto ng kotse.

"Mas bagay kasi ang cute eh hahahha."

Ang ganda ng mga tawa niya, nakaka-inlab.

HOY! Kyle, hindi ka marunong mainlove!

"Pero, bakit maid pa pinili mong trabaho? Halata naman sayo na tapos kang mag-aral." 

Curious kong tanong sa kanya.

"Ito na ang kapalaran namin at iyon ang dapat naming gawin." -Kish

"Gusto mo ba na iapply kita ng trabaho sa company nila Mom or sa Hotel mo gustong mag-trabaho?"

"Bawal eh, ang need naming gawin ay pag-silbihan ang mga amo namin ng buong puso, at sundin lahat ng pinapagawa at sinasabi nila sa amin." -Kish

Kaya lang niya ako hinayaan na halikan siya kasi sinabi ko? Bakit parang nasaktan ako dun?

Hoy, Kyle! Wala sa bokabularyo mo ang masaktan!

"Mas magkakaroon ka pa naman ng better future kung hindi ka maid."

"Ayaw mo ata akong mag-trabaho sayo ah?" -Kish

"Hindi ah, nanghihinayang lang ako sayo kasi tapos kang mag-aral pero maid ka lang. Nandito na tayo. Tara na."

"Tara," sabi ni Kish ng nakangiti.

Ngumiti na naman siya, tsk!

Napatingin siya sa akin nung hinawakan ko 'yung kamay niya.

"Delikado, baka mapahiwalay ka sa akin, hindi ka pamilyar sa lugar na ito."

"Okay, Kyle." sabi niya sa kin at hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Habang naglalakad kami andaming bulungan tungkol sa amin.

"Bagay na bagay sila." -Girl 1

"Ang cute nila, nakakainggit." -Girl

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon