Chapter 73

130 4 0
                                    

Kisha's POV

Limang araw na ang nag-daan simula nung dumalaw sila Dad sa hospital. Na-kwento din nila sa akin kung anong nangyari sa kanila nung dumalaw sa hospital kung saan naka-confine si Kyle. Actually, nabatukan ko si Willow, alam kong nagbibiro lang siya pero sino naman kayang matinong tao ang magsasabi na kukunin ang dalang prutas kasi hindi naman welcome ang nag-dala at ganun din ang prutas. May saltik ng ulo si Willow.

Hindi rin alam ng anak ko ang nangyari sa Dad niya. Sinabi namin na may fever ang Dad niya kaya hindi maaring lumapit kasi baka mahawa siya.

Si Dad na ang nag-suggest na sabihing ganun kay Kaelynn kasi baka matrauma ang anak ko kasi madaming nakakabit daw ng tubo sa katawan ni Kyle dagdag pa na marami itong pasa at galos sa katawan.

Ilang araw namin siyang nililibang at pinagdadasal ko rin na sana magising na si Kyle.

Araw araw ring nagtetext si Dad kay Tito Owen para alamin ang sitwasyon ni Kyle.

Aminin ko mahal ko pa rin si Kyle at nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya. Pero it doesn't mean na maibabalik kung anong meron kami dati.

Hapon ngayon, kakatulog lang ni Kaelynn.

Pupunta sana akong garden para mag-relax relax pero nakita ko si Willow at Annika na may kasamang lalaki kaya nagtago ako sa hindi sila makikita.

"Boyfriend mo, Annika? Makikipag-break ka ba ngayon kay Kuya dahil dyan?" mataray na sabi ni Willow

"Pupunta ba kami ditong mag-kasama kung mag-jowa kami. Magbestfriend lang kami at alam yun ng Kuya mo" sabi nung lalaki

Ayaw kasi ni Willow na magkagirlfriend si Liam kasi nawawalan ng oras daw sa kanya ang kapatid niya. Mahal na mahal nun ang kuya niya kahit laging magka-away sila.

"Malay mo, inaakto niyo lang yan sa harap ni Kuya para pag kayong dalwa lang ay mag-jowa pala" mataray pa ring sabi nito

"Look, Willow. I know you don't like me but hindi ko niloloko ang Kuya mo, I loved him so much." -Annika

"Sayang nga eh, hindi pa natuluyang mahulog ang loob ni Kuya kay Kisha nung mga pahanong iniwan mo siya. Kung hindi lang lagi pangalan mo ang pinang-aasar ni Kisha kay Kuya ay nakalimutan ka na siguro ni Kuya" seryosong sabi ni Willow

"Alam mo Miss, hindi ikaw ang pinunta namin dito, okay?" yung lalaki

"Kung hindi lang talaga buntis si Kisha ay ako na ang naging kupido nilang dalwa. Atleast I know Kisha very well" -Willow

"Willow Quinn!" sabi ni Liam at nag-diretso sa pwesto nila Willow.

"Hindi mo kasi ako binigyan ng chance na makabonding ka" -Annika

"Ayaw ko sayo eh. Pero, I'm happy for the both of you. Don't leave my brother. But, ipasok mo sa isip mo na, jowa ka lang! Don't be jealous to Kisha kasi hindi mo maiaalis kay Kuya na mas priority niya si Kisha kasi parang KAPATID na ang turing ni Kuya sa kanya." -Willow

"Willow, stop it!" inis na sabi ni Liam

"Kala mo hindi ko alam na ang madalas niyong pag-awayan ay si Kisha kasi nagseselos ka at natatakot ka na baka mawala ang feelings sayo ni Kuya. Ganan ba kababa ang tingin mo kay Kuya ha? Our mother and father of Kisha ay MAG-ASAWA kaya dun pa lang malinaw na sayo" sabi ni Willow at pumunta na ako sa pwesto nila

"Willow, get inside now, mamaya tayo mag-uusap" seryosong sabi ni Liam

"Bakit? Tunay naman ang sinasabi ni Willow ah" mahinahon kong sabi

"Kisha, please. Wag ka ng mangialam" -Liam

"Pare, una na lang muna kami" sabi nung lalaki

"Bakit aalis agad kayo? Pakinggan niyo muna ako. Annika, trust Liam na hindi ka niya ipagpapalit sa akin. Naiintindihan naman kita kaso nakakainsulto sa part ni Kuya na Mahal na mahal ka niya tapos ikaw? Pinaghihinalaan mo siya sa nararamdaman niya? Mag-kapatid lang turingan namin ni Liam. Naiintindihan ko na ngayon si Willow kung bakit ganun siya sayo. Nagkakaganan lang kasi yan kasi natatakot siyang masaktan ang Kuya niya at lahat ng oras ni Kuya ay asa sayo, Annika. Kasi natatakot si Liam na maghiwalay kayo. Mas matanda ka sa akin pero parang mas matured pa ako kesa sayo"

"If nalaman kong ako ulit ang magiging dahilan ng pag-aaway niyo, ako na mismo ang maglalayo kay Liam sayo. Grown up, girl baka dahil sa ganang ugali mo tuluyang mawala sayo si Liam"

Natahimik naman sila sa sinabi ko. Hinigit ko na si Willow paalis dun.

Dinala ko siya sa kusina at pina-inom ng tubig.

"Are you okay?" alala kong tanong dito

"Paano ako magiging okay kung ako na naman ang mali sa paningin ni Kuya? Si Annika laging tama, ako ang laging Mali. Kaya paano ko magugustuhan yung Annika na yun para sa Kuya ko kung ganun siya umasta. Naiintindihan ko naman na nagseselos siya eh kaso dun sa part na pati ikaw pinagseselosan niya? Sobra na naman ata yun. Alam ko sa sarili kong kapatid lang ang turing sayo ni Kuya. At nasasaktan ako sa part na nakikita kong nasasaktan si Kuya kasi a-ayaw ma-maniwala n-ni Annika na ga-ganun lang turingan niyo ni Kuya" sabi ni Willow at tuluyang ng napa-iyak. Ang nagawa ko lang ay yakapin siya.

Sobrang mahal ni Willow ang Kuya niya, yun lang ang masasabi ko sa sinabi niya sa akin.

"Ma-mali ba yu-yung i-inaalala ko lang na-naman ang na-nararamdaman ni Ku-kuya? Ma-mali ba yu-yung a-ayaw kong na-nasasaktan ang Ku-kuya ko? Ma-mali ba yun? Ka-kasi kung ma-mali yun, ha-hahayaan ko na lang si Ku-kuya at hin-hindi na siya pa-pakialaman pa" -Willow

"It's not wrong, Willow. You just care a lot for your brother and you love him a lot to the point na ikaw yung nagmumukhang mali para sa kanya"

Ganun lang ang posisyon namin at hinayaan si Willow na umiyak sa mga balikat ko.

Mahina si Willow pagdating sa pàmilya niya same as with me.

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon