Aidan's POV
"Mag-ama sila pero may dapat kang malaman tungkol sa anak mong namatay" sincere kong sabi dito
Sa may labas kami nag-usap dalawa at kinuwento sa kanya yung part na nalaman ko tungkol sa anak niya.
Flashback
Sasakay na sana ako sa kotse kaso tinawag ako nung kakarating lang na babae
"Sir, pwedeng magtanong?" sabi nito ng makalapit sa akin
Tinanguan ko naman ito.
"I'm Elisse po. Are you familiar with Lilian Peyton?" -Elisse
"She's my twin sister" pormal na sagot ko dito
Nagulat siya pero napangiti rin
"Naging maid ho ako nung ex-gf ng asawa ni Ate Lilian. Si Ella Kim po. Kambal po ang anak ni Ate Lilian at hindi po namatay ang isa. Kinuha ho siya ng amo ko dahil gusto niyang makitang magdusa ang mag-asawa. Ayon lang po yan sa naparinig ko habang kausap niya ang kanyang kaibigan. Ilang buwan rin ay namatay si Ma'am Ella sa car accident. Sa akin naiwan yung bata, wala po akong kilalang kapamilya ni Ma'am Ella at hinanap ko rin ang name na Lilian Peyton kaso bigo ako at dahil sa wala kaming sapat na pera nun ay tinulungan ako ng ate Lily ko na dalhin din siya sa BeauInno at Kim na name po ang binigay namin dun kay Ate Hildz" mahaba niyang sabi
Agad ko siyang nayakap ng mahigpit
"Maraming maraming salamat sa iyo, Elisse. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon." sabi ko at bumitaw sa yakap niya
"Wala po yun, sa totoo nga lang din po nung nalaman kong may relasyon ang kapatid naming si Annika sa mga Peyton sa France ay pinauwi ko agad siya dito kasi d ko ho alam ang gagawin ko pag nalaman nila yung totoo. Na tinry ko ding itanong kay Ate Hildz kung andun pa yung Kim na batang dinala namin dun at nung nabalitaan kong naampon na siya ay agad kong pinalayo ang kapatid ko dun sa Peyton na yun" -Elisse
"Maraming salamat talaga. Tiyak na matutuwa ang kambal ko nyan. Mauna na ako at marami pa akong aasikasuhin"
"Sige po,ingat" -Elisse
Sumakay na ako sa kotse at pina-andar iyon. Matagal ko ng hindi nakikita ang kakambal kong si Lilian dahil hindi ko maiwanan ang asawa ng kaibigan ko at wala rin akong contact sa kanya dahil busy ako masyado sa kakahanap ng anak ng mga Arguelles.
Ilang oras din ang naging byahe ko at sa BeauInno House Company ako tumuloy. Wala akong inaksayang oras at hinanap yung Hildz na sinasabi nila Elisse. Agad ko naman itong naka-usap. Sinabi ko dito ang pangalan na ibinigay ni Elisse. Nung una ay ayaw sabihin sa akin dahil bawal daw yun pero sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ni Lilian, saka niya sinabi sa akin kung sino ang mga kumupkop dito.
Agad naman akong nag-paalam at dumiretso sa pamilyang Franca
Pupunta ako ngayon sa mga Franca para tanungin ang anak ng kapatid ko.
Pagkarating ko ay agad akong nagdoorbell at binuksan ito ng isang binatilyong lalaki
"Sino po sila?" yung binata
"Aidan, andyan ba nakatira si Olivia Franca?"
"Oho, Mommy ko siya." binata
"Pwede ko bang maka-usap may itatanong lang ako"
"Sige, wait lang ho" -maya maya ay dumating na din yung Amelia
Pinatuloy niya ako sa loob at agad kong sinabi ang pakay ko. Tungkol kay Kim na siya ang nawawalang anak ng kakambal ko. Dun niya din sinabi sa akin na fiancee siya dapat nung anak niya kaso sa hindi inaasahan ay nabuntis ito sa iba at dahil daw sa galit niya dito ay wala siyang balita dito pero may ibinigay siya sa akin na address ng condo na tinitirhan nito at nakakasiguro siya na doon pa rin ito nakatira hanggang ngayon. Pagkatapos ng usapan naming iyon ay nagpaalam na agad ako sa kanya.
End of Flashback
Umiyak na man siya sa tuwa.
"Sino yung bata na namatay na akala ko si Beatrice?" taka niyang tanong
"Yan ang d ko alam, pero ang mahalaga ngayon ay buhay si Beatrice." nakangiti kong sabi sa kaniya
"Sumama kayo sa amin pabalik sa Pilipinas at puntahan mo ang anak mo. Tutal naman ay sa private plane ako nila Oliver nakasakay"
"Ang yaman pala ni Oliver, eh pumunta siya dito sa Canada na pamasahe lang ang dala" natatawa niyang sabi
"It's a long story pero hayaan mo na si Oliver ang magkwento sayo"
"Hindi ko nakilala ang mga anak mo, iniwan ko sila ay Nung baby pa lang siya and look at them now? They're beautiful and handsome. By the way anak mo rin ba yung baby?"
"I understand you. No, kay Kisha yung anak. Nga pala pede mo bang ikwento sa akin kung paano mo nalaman na si Kisha ang anak ni Oliver?" -Lilian
Ikinuwento ko naman sa kanya kung paano at kung gaano ko ginugol ang oras ko para mahanap ang heir ng mga Arguelles at ikinuwento ko rin sa kanya na hindi ko inaasahan na makikita ko dito si Oliver. Kaya laking tuwa ko na kasama na pala ni Kisha ang ama niya at kailangan ito ni Aria.
"Maraming salamat sa iyo, Aidan. Sa pagtulong sa pàmilya ni Oliver. I'm very proud of you" Sabi sa akin at niyakap ako
"Tara sa mga pamangkin mo, para maibalita ko na buhay ang kakambal ni Willow at para makabonding mo sila" sabi niya at papasok na sana kami sa loob pero nagulat kami ng pagharap namin ay ang dalwang anak niya ang bumungad sa amin
"Mom, why did you not tell us na may kambal ako?" mahihimigan ang pagtatampo sa boses
"Ayoko kasi ikaw, kayo ang masaktan. Ayaw kong makita kayong malungkot. I hope you understand" -Lilian
"Don't worry, Mom, we understand and by the way Hi Tito" -Liam
Ningitian ko naman ito.
"Ikaw, isa ka pa! D ka man lang nagparamdam sa min" turo sa akin ni Willow
Binatukan naman siya ng kapatid. Natawa naman ako sa kanila.
Mukhang hindi magkasundo ang dalwa kong pamangkin pero halata naman ang care nila sa isa't Isa.
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...