Chapter 63

154 6 4
                                    

Owen's POV

Nagulat naman ako, si Kisha ay anak ni Oliver.

Nakita ko naman si Amelia na agad niyakap si Kisha.

"Kisha" sabi ni Amelia pero no response si Kisha. Nakatingin lang sa kabaong ni Aria

"Kisha, mag-uusap lang kami ni Owen. Samahan mo si Amelia na kumain, at si Lilian na muna ang magbantay sa Mom mo" sabi ni Oliver at umalis na kami.

Nasa may garden kami.

"Ang sinasabi mo bang Lilian ay yung pinsan namin?"

"Oo, she's my wife, sa West lang kami nagpakasal"

Kamakailan ko lang nalaman na andito sa Pilipinas si Oliver. Alam ko rin yung nangyari sa kanila ni Aria. Tapos, binalita sa akin ni Aidan na patay na si Aria. Asa France ako that time, for business and nagkaproblema kaya ngangayon  lang ako nakapunta dito.

"Kayo yung kinilala ni Kisha na pamilya nung makalabas siya sa BeauInno?" tanong sa akin ni Owen pero halata ang lungkot sa boses niya

"Oo, kami nga. Napahiwalay siya sa amin nung nalaman niyang nakabuntis ang anak ko, pagkatapos nun wala na akong balita sa kanya. Kaya ganun na lang ang reaksyon ni Amelia kasi magdadalwang taon naming hindi nakikita si Kisha."

"Sorry for the word but your son is too stupid. He take care a child that he is not the father" mapait na ngiti nito.

"W-what do you mean?"

Matagal na kong walang contact sa anak ko. Pinagsisihan ko kung bakit hinayaan kong gawin ang mga kalokohan niya, kaya nagpakabusy ako sa trabaho at wala akong balita sa kanya.

Kinuwento sa akin ni Oliver yung nangyari kay Kisha. Simula nung nasa France ito at nalamang buntis ay lumayo si Kisha sa lahat ng makalapit sa kanya at ayaw niyang malaman na buntis ito. Hanggang sa pumunta itong Canada at dun nagstart ng new life. At sa nalaman ni Kisha na hindi si Kyle ang ama ng batang dinadala ni Kim ay nagpumulit itong umuwi sa Pilipinas para sabihin ang totoo kay Kyle ngunit hindi naniwala ang anak ko at mas naniwala kay Kim. At kinuwento din sa akin ni Oliver yung mga pinagdaanang hirap ni Kisha nung bumalik ito sa Canada. Sobrang nasaktan daw si Kisha nun at dumating sa punto na sa pagpapabaya ng sarili ni Kisha ay muntik ng malaglag ang bata. At dahil dun, Doon nagising si Kisha at tinulungan siyang bumango ng mga ito.

"O-oliver, sorry d ko alam, kung alam kung ganan ang nangyari ay wala akong mukhang ihaharap sayo ngayon. Mahigit dalawang taon akong balita sa anak ko at hindi rin ako nagtangkang kausapin ito dahil nagsisisi ako na hinayaan ko siyang gawin ang kalokohan niya kaya nagpakabusy ako sa trabaho para kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit na idinulot ng anak ko kay Kisha na tinuring naming parang anak" malungkot kong sabi

"Kahit papaano ay natupad yung pangako natin sa isa't isa. And I want to break our promise, masyadong nasaktan ang anak ko kay Kyle kaya ang anak ko na ang bahala kung ano ang gagawin niya" -Oliver

Hindi ako naka-imik dahil sa sinabi niya. Wala na talagang pag-asa ang dalwa.

"N-nasasaktan ako sa anak ko ngayon" sabi ni Oliver at tumulo ang luha nito

"Simula nung namatay ang Mom niya, wala pa siyang kain, hindi siya naalis sa tabi nito, wala pa rin siyang tulog at umaasa na mumulat pa ang Mom niya. Wala pang isang taon na nakakasama niya ang Mom niya, hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko, kung d ako umalis dito ay s-sana, sana nakasama niya ng matagal ang Mom niya" iyak na sabi ni Oliver

Tinapik ko ang balikat niya.

"Wala kang kasalanan, Oliver. Tao ka rin, nasasaktan" sabi ko at wala ng umimik ni isa sa amin.

Bumalik kami sa kabaong ni Aria at pinipilit naming pakainin muna si Kisha pero ayaw niya talaga. Ayaw kong iwan na ganito ang sitwasyon ni Kisha, kailangan kong maka-usap si Kyle, kailangan niyang malaman ang totoo.

Aalis na sana ako nung nakita ko si Steve na papalapit dito sa gawi namin. Lumapit si Oliver sa kanya.

"Steve, help your buddy, she needs you, wala pa yang Kain at tulog simula nung nawala ang Mom niya" malungkot na sabi ni Oliver

"I'm sorry, Tito, kung ngayon lang ako. I was in Korea and nahirapan akong kumuha ng flight pabalik. I'll go with her" sabi ni Steve at lumapit kay Kisha

"Kisha" tawag nito kay Kisha

Lumingon naman ito kay Steve at nagpatakan na muli ang luha nito.

Lumapit naman si Steve kay Kisha at niyakap ito.

Ilang minuto rin ay nagsalita si Steve.

"Kisha, kumain ka na, wala ka pa daw kinakain tatlong araw na. Sasamahan kitang kumain. Hindi kita iiwan" mahinahong sabi ni Steve

"Iniwan mo nga ako" malungkot na sabi ni Kisha

"Sorry, sorry but this time I will not leave your side. Kaya kumain na muna tayo" -Steve

Pumayag naman si Kisha at nakita ko dun ang karamihan na nagliwanag ang mga mukha ng pumayag na kakain si Kisha.

"Si Steve ang isa sa mga kasama niyang bumangon. Kaya nung oras na nawala si Aria ay tinawagan ko agad si Steve para ibalita ang nangyari. Ipapasundo ko sana siya sa airport kaso naginsist siya na wag na at unahin muna ang mga relatives Namin. At nung dumating siya, giginhawa na ang pakiramdam namin dahil alam naming makikinig agad ito sa sinabi nito" sabi sa akin ni Oliver at ngumiti siya ng tipid

Nag-paalam na muna kami ni Amelia na uuwi muna kami. At bukas ay babalik din.

Umuwi muna kami sa amin ni Amelia at nagpalit ng damit at niyaya itong pumunta sa condo ni Kyle.

Awang awa si Amelia kay Kisha at hindi niya maiwasang umiyak dahil sa sitwasyon ni Kisha.

Habang papunta sa condo ay tuwang tuwa si Amelia dahil makikita niya daw ulit ang apo nito. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Oliver ngunit hindi ko masabi ngayon kasi alam kong pipigilan niya akong sabihin kay Kyle ang nalaman ko kasi kilala niya akong magalit.

Alam kong nakakahalata na si Amelia na may problema ako. Ang pagiging tahimik ko. Wala akong sinabi nung makarating kami sa building ng anak ko.

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon