Kisha's POV
Ilang linggo ang nagdaan na nasa bahay lang ako ni Tita Lilian. Halos maka-close ko na ang mga katulong dito.
Wala na kong hihilingin pa. Nagcecellphone ako nung sunod sunod ang tawag ni Steve sa akin.
Si Willow, Liam, Tita Violet at Tita Amelia ay panay ang text at tawag sa akin, ganun din si Steve sa akin.
Binitiwan ko ang cellphone ko at panay ang vibrate nito. Nung wala na ay kinuha ko ulit ang cellphone ko at inignore ang tawag ni Steve. Maya maya naman ay panay text na si Steve sa akin. Sa kakatagtag ko ay nabuksan ko ang isang message ni Steve at nabigla ako sa text niya
"Kisha, ako ang ama ng dinadalang bata ni Kim at hindi si Kyle. I'm his fiancee, kamakailan ko lang nalaman. I'll explain to you everything just respond to my calls and texts." basa ko sa text ni Steve
Iyon na ang pumasok sa isip ko hanggang sa makarating sila Tita Lilian at habang kumakain kami nagsalita ako
"Tita, Tito, uuwi po akong Pilipinas" kita ko ang pagkabigla sa kanilang mga mukha
"Ija, hindi pwede, delikado at buntis ka" Tita Lilian
"Pero, Tita, I need too, para sa anak ko, para sa ama ng anak ko. Hindi si Kyle ang ama ng dinadala ng bestfriend ko, Tita"
Pinaliwang ko sa kanila ang sinabi sa akin ni Kyle, dumaan ang ilang linggo na ayaw pa rin nila akong payagan pero nagpumulit talaga ako at kahit busy sila ay sila ang nag-hatid sa akin sa airport. Madami silang inihabilin sa akin ni Tito, hindi ko na masyadong inintindi pa kasi excited na kong malaman nila ang totoo.
Ilang oras din ang naging byahe pero pagkalapag ko sa airport ay agad kong tinext si Steve.
Ayaw ko munang ipaalam sa kanila na naka-uwi na ako lalo na't walang kasigaruduhan na maniniwala si Kyle na hindi siya ang ama ng bata.
Ilang oras din ay natanaw ko na si Steve.
"Myyy goshhh, you're so tagal" sabi ko sa kanya pagka-lapit ko sa kanya
Buntis ako pero hindi pa siya masyadong halata ngayon.
Nabigla pa siya sa akin nung nakita niya ako.
"Kisha, seriously? Nagtext ka sa akin na andito ka sa airport at pinagmadali mo kong pumunta dito" inis na sabi niya sa akin
"Whatever, let's go, I'm tired and I want to sleep"
Kinuha niya sa akin ang maleta at naunang maglakad sa akin at sinundan ko naman siya. Nilagay niya sa likod ng kotse niya ang maleta ko tapos agad naman akong sumakay sa harapan.
Sumakay din siya at pinaandar ang kotse niya.
"Kina Tita Amelia ba kita ihahatid?" -Steve
"Nope, sa condo mo na lang, ayaw kong ipaalam na dumating na ako dito hangga't hindi pa ayos ang lahat" sabi ko at pumikit na lang
Hindi na din siya nagsalita. Maya maya ay nagising din ako, tumingin naman ako sa paligid, gabi na pala at nakahinto naman ang kotse at nakita ko si Steve na natutulog kaya ginising ko ito.
"Hoy, Steve, wake up, wake up" sabi ko dito at inaalog siya
"Hoy! Ano ba!" sigaw ko sa kanyang tainga
"What the heck, Kisha" inis na sabi nito sa akin
"Kanina pa kitang ginigising pero d ka magising kaya I've no choice kundi sigawan ka dyan" sabi ko at tinuro ang tainga niya
"Mag-iisang oras na tayo dito sa kotse, gigisingin sana kita kaso
baka magalit ka sa akin" inis niyang sabi sa akin"Is that so? Hmm, but I don't care. Let's go na sa condo mo so that I can rest na talaga" sabi ko sa kanya at bumaba na sa kotse
"What the heck" naiinis na sabi ni Steve
Pero hindi ko na pinansin at hinintay ko siyang mauna sa akin at sumunod naman ako.
"Where's your room? Yung hindi naging room ng fiancee mo ha." tanong ko pagkapasok sa condo niya
"EX-FIANCEE, sa may kanan" -sabi ni Steve at itinuro kung saan
Dumiretso agad ako sa itinuro niya at pagkapasok ay humiga na agad ako.
"Hindi man lang naisipang magpalit muna ng suot" sabi ni Steve
"Hmm naantok na talaga ako Steve and by the way, thank you"
Hindi ko siya narinig na magsalita bagkus ay naramdaman ko na lamang na hubadin niya ang rubber shoes ko. Napangiti naman ako.
"Thank you, Steve" sabi ko at tuluyan ng nilamon ng antok
Nagising ako sa sinag ng araw.
Hindi pa sana ako babangon kaso nakaramdam ako ng gutom kaya I do my morning routines at lumabas ng kwarto at dumiretso naman ako sa kusina.
Pagkadating ko sa kusina ay naghanap ako ng maluluto.
"Puno ang laman ng ref ah"
Kaya nag-luto na agad ako. Maya maya rin ay natapos na akong magluto at nakita ko naman si Steve.
"Steve, your just in time. Come and join me" sabi ko habang naghahain ng pangdalawahan
"Wag na baka kulang pa yan sayo" -Steve
"Okay sige, sabi mo eh" sabi ko at nagsimulang mag-sandok na ng makakain ko
"Are you sure your Kisha?" -Steve
"I'm Kisha Elli, your friend"
"Ikaw pala yan kala ko hindi eh." hindi makapaniwalang sabi ni Steve
Pero umupo siya sa harap ko at nagsimula na ring kumain.
Kumain kami ng tahimik at walang pansinan.
Ilang minuto rin ay natapos na kaming kumain
"Mas lalo atang gumaling ka sa pagluluto" puri nito sa akin
"Malamang dun ako magaling eh"
Nakita ko naman ang pagkabigla niya sa sinagot ko.
Inirapan ko na lang siya.
"Kisha naman ehhhh" pag-iinarte nito
"What?"
"Asan na yung Kisha na friend ko?" -Steve
"Eto ako, okay?" sabi ko sa kanya at ngumiti
"Text mo ang fiancee mo sabihin mo mamili siya kung makikipag-kita siya sa harap ng building ng condo na tinitirhan niya o sa harap ng condo na tinitirhan niya, 3 pm"
"EX nga sabi, Baka hindi siya pumayag" -Steve
"Trust me, papayag yun and besides, I know na wala siyang choice kundi mamili sa pagpipilian mo at ganung oras ay tulog si Kyle, I don't know kung hanggang ngayon ay ganun pa rin"
"Naaalala ang ginagawa ni Kyle pero sa akin, hindi?" sabi niya at iiling iling na tumayo at kukunin ata cellphone niya
*****
A/N#PayongZaidy
Wag niyong hintayin na mapagod at magbago sa inyo ang isang tao kasi darating ang araw na mamimiss mo kung paano ka niya tinatrato. At hanggang alaala at babalikan mo na lang ang memories na kasama mo siya.
Thank you again sa walang sawang votes nina malou1978; AnnaRizzaParaisoOlea❤️
THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️
Ps: Vacant na ulit ang dedication natin
Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc
Again...
READ AT YOUR OWN RISK
BE OPEN-MINDED
DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW
ENJOY READING!
SARANGHAE ❤️
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...