Chapter 62

140 6 1
                                    

Kisha's POV

Tatlong buwan ang nagdaan ng walang Steve sa buhay ko. Nung gabing huling pag-uusap namin ay d ko pa ulit siya nakaka-usap. Lagi siyang hinahanap ni Kaelynn. Kinausap nila akong lahat at sinabi ko din yung sinabi ko kay Steve nung gabing yun and they understand my decision.

Magdadalwang taon ko ng kasama si Steve sa lahat ng bagay kaya sa ilang buwang nagdaan ay wala ako sa sarili ko. Hinahanap ko ang presensya niya. Hindi ako sanay ng wala siya at nasasaktan ako dahil nasaktan ko ang kaisa-isa bestfriend ko na nagustuhan ko rin. Kung d lang kumplikado ang sitwasyon natin ay papayag ako sayo.

Binalik namin agad si Mom sa hospital pagkatapos ng araw na yun. Andito ako sa hospital, ako lang kasama ni Mom. Si Willow kasi nagbabantay kay Kaelynn, si Liam naman ay mamaya paparito kasi may lakad sila ni Annika. Sila Dad naman ay pupunta dito sa hospital pagkatapos ng meeting nila. Hapon na ngayon.

"Give Steve a chance, anak" -Mom

"Mom, you know I want to, but it's too complicated for us and I don't want to lose a bestfriend like him. Mom" malungkot kong sabi kay Mom

"Mom. I miss my buddy. I miss Steve. I really miss him, Mom. Kung ang pagsagot ko sa kanya ng oo, ay magiging okay kami ay handa akong gawin yun. Huwag yung ganito na lubos ko siyang nasasaktan, Mom" at tuluyan ng pumatak ang luha ko.

"Eh d sagutin mo siya, I hurting when I am seeing you cry, anak" -Mom

"But, we both know Mom, na hindi kami pwede Mom, ayokong umasa siya, ayokong umasa ako Mom, na magiging masaya kami pang-habang buhay" -Mom

"You can't love Steve kasi nakatatak na dyan sa puso't isipan mo na d kayo pede. Parehas kayong may anak. Handa kang isakripisyo ang kasiyahan mo para sa anak mo na umaasa ka na makapiling ang kanyang tunay na ama. Kaya give Steve time to accept what you said to him kasi he's really hurt. And if he is okay na hanggang bestfriend lang kayo, kakausapin ka nun at babalik kayo sa dating kayo" sabi ni Mom na halatang nahihirapan at bigla na lang nangisay si Mom

"Mom, what happen, Mom" sabi ko at pinindot agad yung buzzer na emergency

I call Dad

"Dad, come here to the hospital, please, dad, now, please" sabi ko at binaba ang linya

Nagsidatingan naman ang mga doctor at nurse.

"M-mom, l-laban k-ka l-lang, please, Mom" napahagulhol kong sabi at pilit na lumalapit kay Mom kaso pinipigilan ako ng mga nurse

"Doc, do everything, please, Doc" sabi ko at napaluhod na sa kakaiyak

May kung ano ang ginagawa kay Mom ang mga Doctor.

"I-I l-love y-you N-Naila K-Kisha A-Ann A-rguelles, i-i l-love y-you s-so m-much, a-anak" sabi ni Mom ng nahihirapan pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa akin at doon binawian siya ng buhay

"3:33 pm, time of death" sabi ng Doctor

"I'm sorry, Ma'am, we make our best to survive her. 3:33 pm, time of death" sabi ng Doctor at umalis sila

Lumapit naman ako kay Mom.

"Mom, bakit mo ako iniwan? Mom kala ko ba lalaban ka para sa kin? Kala ko ba makakasama pa kita ng matagal? Kamakailan ko lang nalaman may magulang ako tapos wala ka na agad. Wala pang isang taon na kasama kita, Mom. Hindi ko pa kayang mawala ka sa akin, kunting panahon pa lang kita nakakasama Mom. Hindi ko kaya, na wala ka. Bakit ganun? Nawala ka na agad sa min. Ansaya saya pa natin eh, naranasan kong matulog ng kayakap ka, naranasan kong lumabas kasama ka, naranasan kong ipagluto mo ako, naranasan kong makapiling ka. Lahat ginawa mo para sa akin, pinaramdam mo sa akin, lahat na dapat ginagawa ng magulang sa anak pero kulang pa yun Mom, kulang pa. Mahal na mahal kita Mom at hindi ko alam kung paano haharapin ang buhay ko ng wala ka. Gigising ako ng wala ka. Mom, hindi ko kaya. Gumising ka, Mom, please. gumising ka" iyak na iyak kong sabi kay Mom

Dumating sila Dad kasama si Willow, Liam at Tita Lilian, ng hingal na hingal

"Dad, wala na si Mom, wala na siya, iniwan niya na ako, Dad, d ko kaya, gisingin niyo si Mom, Dad, please, wake up her, pleaseee" sabi ko kay Dad at niyakap ako ni Dad at naramdaman kong umiiyak na din siya pati ang mga kasama namin

"Ano ba kayo, wag kayong umiyak dyan, natutulog lang si Mom, nagpapahinga lang si Mom" iyak kong sabi at nagwawala na ako

Niyakap naman ako ng mahigpit ni Dad

"Anak, we will face it together. Kayanin mo para sa anak mo." sabi ni Dad

Hindi ako umimik, ang ginawa ko lang ay umiyak ng umiyak. Hindi ko namalayan na dumating na ako sa bahay namin. Ang anak ko lang ang kinakausap ko.

Ilang oras rin ay dumating na ang kabaong ni Mom kaya umiyak ako ng umiyak, nagwawala ako, pumapalahaw ako sa iyak.

Lumapit sa akin si Willow at kinuha si Kaelynn at si Dad naman ay lumapit sa akin para yakapin ako.

Nung ayos na ay agad akong lumapit sa kabaong ni Mom.

Hinawakan ko ang salamin ni Mom.

"Mom, ang himbing ng pagkakatulog mo, Mom, mulat ka na, magbobonding pa tayo ng apo mo, Mom, gumising ka na, kailangan kita Mom" sabi ko at walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko

Dumaan ang tatlong araw na hindi ako umaalis sa tabi ng kabaong ni Mom. Kung anong suot ko nung namatay siya sa hospital ay yun pa rin ang suot ko hanggang ngayon. Wala na akong pakialam kung mabaho na ako. Ang mahalaga sa akin ay makitang magmulat ng mata si Mom. Wala pa rin akong kinakain, hinang hina na ako pero wala akong pakialam ayaw kong umalis sa tabi ni Mom. Si Kaelynn naman ay si Willow ang nag-aasikaso at nag-aalaga dito.

Kaelynn, wala na ang Lola mo, paano na tayo?

Tumabi naman sa akin si Dad

"Anak, kumain ka na muna, ako muna bahala sa Mom mo" -Dad

Umiling lang ako

"Condolence, pare" sabi nung dumating pero nasa kabaong lang ni Mom ako nakatingin

"Condolence, Oliver" sabi nung babae

"Anak, this is your Tito Owen, ang bestfriend ko and his wife,Amelia" -Dad

Lumingon naman ako at nagulat ako na sina Tita Amelia at Tito Owen ang dumating.

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon