Chapter 41

135 7 4
                                    

Willow's POV

Willow Quinn Peyton. Ang nag-iisang dyosa ng mga Peyton hahahaha. No more describe about myself kasi kakatamad hahaha.

Andito na kami sa airport. Babalik na kaming France. Si Tita lang ang nag-hatid sa amin. May work kasi si Tito and ayokong ihatid kami ni Kyle.

Isang linggo din kaming nag-stay sa Philippines. More on gala ako and shopping tapos nakikipag-bonding ako kay Tita kasi mamimiss ko din si Tita. Ang Mom ko nga pala ay nasa Canada, we own a restaurant there, a very successful restaurant kaya bakit pa ako magtatrabaho d ba? Natapos kong course ay fashion designer kaya pag asa mood na ako ay I'll start na magtayo ng sarili kong company.

Habang ini-intay ang flight namin ay walang sawa si Tita sa pagpapa-alaala sa mga bagay bagay. Si Kuya na ang bahalang makinig kasi I'm excited na makikita ko na ulit si Kisha.
Sinabi rin ni Tita na wag daw naming pababayaan si Kisha and many many more.

Nag-paalam na kami kay Tita kasi aalis na kami and nangako na babalik kami at pag nangyari yun ay kasama namin si Kisha.

Ilang oras rin ang naging byahe namin. Ang sumalubong sa amin ay si Tita Violet.

"WAHHHHH, KAPAGODDDDD" sabi ko pagka-sakay sa kotse

"Napapagod ka pala" Kuya

"MALAMANG TAO AKO EH"

"Akala ko, hayop ka" -Kuya

"Animal ka kuya, animal ka"

"Sa gwapo kong toh, animal?" D makapaniwalang sabi ni Kuya

"EXCITED KA LANG MAKITA SI KISHA"

"Mas excited kong si Annika ay makikita ko na" malungkot na sabi ni Kuya

Napatahimik naman ako dun.

Saksi ako sa pag-mamahalan ng dalwa. Pero hindi kami close ni Annika, d ko feel eh.

Mahal na mahal ni Kuya si Annika. Pero napapansin ko sa kanya na nagugustuhan niya na si Kisha, kaya sana magpa-tuloy tuloy yan para maging happy na ulit si Kuya.

Siguraduhin lang ng Annika na yan na may maganda siyang dahilan kung bakit niya iniwan ang kuya ko, kundi sasabunutan ko talaga ang babaitang iyon.

"Tita Violet kina Kisha kami didiretso"

"Mag-pahinga kaya muna kayo" -Tita Violet

"Pede kaming mag-pahinga kina Kisha"

Nagkibit-balikat na lang si Tita Violet. Nangamusta rin siya kung kamusta ang stay namin sa Pilipinas.

Excited na kong makita si Kishaaaaaaa. She's so super bait, she's not plastik, she's so honest and dahil ayaw ko siyang masaktan muli ay minulat ko siya sa mundong ito. Nung kinuwento niya sa akin ang nangyari sa kanya, gusto kong umuwi sa Pinas at pag-umbugin ang dalwang K na yun.  But I salute her kasi sobrang sakit nun sa part niya pero look at her,she's really happy. Nung una, pansin ko na she's not okay at naiilang pa siya sa amin, panay tanong siya ng tanong kung ano to, ano yun pero habang tumatagal nasasabayan na niya kami sa lahat ng bagay. Hindi na siya mauuto ng mga impakta at impaktong tao.

Nasa tapat na kami ng bahay na tinitirhan ni Kisha.

Bumababa agad ako sa kotse at agad na nagdoorbell ng nagdoorbell pag ka harap ko sa bahay na tinitirhan niya.

Antagal magbukas ah

Nagdoor bell ulit ako ng paulit-ulit.

Maya maya ay nagbukas ito. Si Steve ang nagbukas. Dito nga pala siya nag-iistay.

"Where's Kisha?"

"Baka asa kwarto niya, kakagising ko lang ngayon" -Steve

Hindi ko na siya sinagot at agad na nag-diretso sa kwarto ni Kisha.

Hindi siya nagising sa doorbell ko?

"KISHHHAAAAAAAAA" sigaw ko pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya

Pero wala siya dun, maayos ang kama niya. Pumasok ako ng tuluyan sa kwarto niya. Binuksan ko ang banyo at pagka-bukas ko ng closet ay wala ang kanyang mga damit.

Nataranta agad ako. Pinuntahan ko agad si Steve na nasa kusina at andun si Kuya.

"Wala si Kisha sa kwarto niya. Wala din dun ang mga gamit niya!"

Nagulat na tumingin sa akin si Steve ganun din si Kuya

"Sigurado ka?" -Steve

"Oo"

"Paano nangyari yun? Magka-usap pa kami kagabi at sinigurado ko na natutulog na siya dun" -Steve

"Hanapin muna natin sa buong bahay, Willow tanungin mo kay Tita Violet kung nakita niya si Kisha" Liam

Agad akong sumunod sa utos ni Kuya. Pagkakita ko kay Tita Violet ay tinanong ko agad ito at d niya daw alam kaya tumulong siya sa paghahanap sa amin kay Kisha.

Kisha, asan ka na?

Bumalik ulit ako sa kwarto niya. Binuksan ko lahat ang mabubuksan ko pero sa closet ay may nakita akong papel kaya out of curiosity ay binuklat ko ito.

"Sulat ni Kisha"

"Pag nabasa niyo na toh ay siguro naka-alis na ako. Ayaw ko sanang umalis pero I need to. Nahihiya ako kay Tita Amelia, hindi nila ako kaano-ano pero patuloy pa rin sila sa pagsuporta sa akin. Pride ko ang pinairal ko, maaari. Pero ginawa ko lang yun kasi gusto kong mamuhay ng mag-isa. Gusto kong suportahan ang aking sarili at ayaw kong umasa sa iba. Gusto kong magtagumpay gamit ang aking sariling pagsisikap at paghihirap. Wag kayong mag-alala, maayos ang kalagayan ko ngayon, safe na safe ako. Willow Quinn, wag kang magagalit sa akin ha? Sana maintindihan mo ako, mamimiss kita, mamimiss ko ang lahat sayo, ayaw kong mapalayo sayo, nasanay akong andyan ka lagi para sa akin na kasama ko sa lahat pero kailangan kong gawin toh para sa sarili ko. Sorry ha? Alam ko kung gaano ako kaimportante sayo kaya wag kang iiyak sa pag-alis ko ha, Alam mo namang ayaw kong makita na umiiyak ka. Alam kong wala ng makakapantay sa akin dyan sa kaibigan mo haahahaha well pero tandaan mo na hindi kita makakalimutan at ako mismo ang magpapakita sayo pag ayos na Ang lahat. Wag kang sad ha? Kuya Liam, alagaan mo si Willow ha tapos si Annika, magkakaayos din kayo nun, wag kang mawalan ng pag-asa. Tita Violet, salamat sa pagiging mabuti sa akin. Masaya akong nakilala ko kayo pero d ko kasi maiwasang malungkot sa nangyari sa kin, minsan ko na nga lang nakita ang mundong toh ay nasaktan pa ako ng sobra. Ayaw kong magpanggap na ok lang ako kaya lalayo muna ako sa inyo at pagnakaharap ko na ulit kayo ay siguraduhin kong ok na ok na ako. Wag niyo akong hahanapin, ayos lang ako."

"Ang nag-iisang Kisha sa buhay niyo, Mahal na Mahal ko kayong lahat at malaki ang utang na loob ko sa inyong lahat, salamat at paalam"

*****
A/N

#PayongZaidy

Thank God for everything, Thank God for giving us life to live, always thank HIM because of HIM, where here in this world❤️

Thank you again sa walang sawang votes nina malou1978; AnnaRizzaParaisoOlea; rosesaclote❤

THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️

Ps: Vacant na ulit ang dedication natin

Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc

Again...

READ AT YOUR OWN RISK

BE OPEN-MINDED

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW

ENJOY READING!

SARANGHAE ❤️

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon