Chapter 64

179 9 14
                                    

Kyle's POV

Asa sala kaming tatlo, ako, si Kim at ang anak naming si Kinsley Ford Maverick nanonood ng cartoons ang anak namin. He's 2 years old na. Madalas bumibisita dito si Mom para laruin lang ang anak namin tapos si Dad naman busy daw sa work at d niya pa nakikita ang apo niya.

Magdadalwang taon ng magkasama kami ni Kim and I think I'm contented with my life.

Tok tok

Ako na ang nag-bukas ng pintuan kaso paniguradong si Mom yun. Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa nakita ko si Mom and Dad.

"Mom, D-Dad" tawag ko sa kanila pero hindi ako pinansin ni Dad at pumasok na siya sa loob.

"K-kala ko busy si Dad?"

"Ang asawa ng bestfriend niya ay namatay kaya umuwi siya dito para pumunta sa burol." Malungkot na sabi ni Mom

"Naka-punta siya dun pero yung apo niya d man lang naisip" na sabi ko ng wala sa oras

Pumunta na kami ni Mom sa sala.

"Bakit ko pupuntahan kung d ko naman talaga yan apo" sabi ni Dad at nakatingin kay Kinsley

Naparinig niya yung sinabi ko?

Tsk.

"Hon, ano bang sinasabi mo" -Mom

Nakita ko naman si Kim na naka-yuko lang.

"Amelia, don't state the obvious" seryosong sabi ni Dad

Hindi ko maintindihan si Dad, ngayon na nga lang siya nagpakita ganito pa trato niya.

"Kyle Dakshi Bethuel, nakuha mong mag-alaga ng hindi naman ikaw ang ama pero yung tunay mong anak, tinakwil mo" sarkastik na sabi ni Dad pero seryoso pa rin

Don't tell me, naniwala siya kay Kisha?

"Dad naman, kung andito kayo para lang dyan, makakaalis na kayo, nananahimik kami ng pamilya ko dito" medyo inis na sabi ko kay Dad

"K-kyle, Dad mo yan" -Kim

"Kung ayaw mong palayasin kita dito ngayon Kim, sabihin mo kay Kyle yung totoo na hindi siya ang ama ng batang yan" sabi ni Dad kay Kim

"Owen, ano ba!" Sabi ni Mom at lumapit kay Dad para hilahin itong palabas

"Umuwi na tayo, kung iyan lang ang pinunta mo" galit na sabi ni Mom kay Dad

"Hahayaan ko naman ang anak natin kay Kim kung wala silang anak ni Kisha. Hahayaan ko naman ang anak natin." -Dad

"Dad wala kaming anak ni Kisha" mahinahon kong sabi

Nakita ko naman si Kim na sinama sa taas si Kinsley para d marinig ang pag-uusapan namin.

"Naniwala ka naman sa kasinungalingan ni Kim. You know me son, hindi ako magkakaganito kung d ko alam ang totoo" -Dad

Ibig sabihin hindi ako ang ama ni Kinsley.

"Ija, can you say the truth?" Mahinahong sabi ni Dad

"K-kyle, s-sorry n-nagawa ko lang yun kasi mahal na mahal kita" napahagulhol ng iyak si Kim

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Sinabi mo lang yan Kim Kasi natatakot ka kay Dad"

"No, t-totoo yung sinabi nila Kisha at Steve sayo nung araw na yun, kaya nga aalis na ako d ba? Pero nabigla ako nung sa akin ka naniwala at sinabi mo sa aking Mahal mo ako" sabi ni Kim at umiiyak pa rin ito, lumapit namin si Kinsley dito at takang napatingin

Ang gago ko!

Antanga ko!

Napaupo na lang ako bigla.

"Hahayaan ko na kayong dalwa eh kaso nung nalaman ko yung mga pinagdaanan ni Kisha pagkatapos nung araw na yun at nalaman ko ang totoo ay bago mahuli ang lahat ay kailangan kong itama" mahinahong sabi ni Dad

Nakita ko naman si Mom na sinampal si Kim

"All this time, niloko mo lang ako Kim? All this time, tinanggap kita ng buong buo tapos ganito ang gagawin mo sa akin/amin. May puso ka pa ba?" Galit na sabi ni Mom

"T-tita, I'm sorry, Kyle, patawarin mo sana ako, d ko sinasadya" iyak na sabi ni Kim

Lumapit sa akin si Kim

"I'm sorry, I'm sorry" iyak na sabi ni Kim

"Wag mo kong lapitan, Kim. Baka ano pa ang magawa sayo"

"You can't do that, you love me, Kyle. You love me" -Kim

"No, infatuation lang yun. Isang malaking pagkakamali yun, nabulag mo lang ako"

"Kapiling ko ang d ko tunay na anak, BULLSHIT!" tumulo na pala ang luha ko

"D-dad, where's Kisha? I want to talk her. I want to see my child. Where is she, Dad? Please"

Nakita ko namang naawa sa akin si Dad.

"Hindi mo siya makikita, d ka makakalapit sa kanya, anak." -Dad

"Ok lang, Dad makita ko lang sila sa malayo, Dad"

"I will not say where she is. Find it by yourself" -Dad

"Dad? Please?" Sabi ko habang tumutulo pa rin ang luha ko

Kinuwento sa amin ni Dad yung lahat ng nangyari kay Kisha. Kinuwento niya ang lahat. Kinuwento niya rin na anak ng bestfriend niya si Kisha.

Pagkatapos na sabihin yun ni Dad ay nakita kong susugudin ni Mom sa Kin, galit na galit si Mom pero pinigilan siya ni Dad

"Amelia, stop! Wala ng magagawa yang galit mo" -Dad

Lalo akong napa-iyak sa sinabi ni Dad.

Nasuntok ko ang pader. Wala akong pakialam kung dumudugo na ito.

"ANG GAGO GAGO KO!"

Sising sisi ako sa nagawa ko. Hindi na niya ako mapapatawad
Galit na galit na siya sa akin.

"Kisha, sorry, sorry, d ko alam, patawarin mo sana ako" nanghihina kong sabi

"K-kyle, g-gamutin natin yan" sabi ni Kim

"Kingina, Kim. Gusto mo ba talagang masaktan hah? Gusto mo" galit na galit kong sabi dito

Anong gagawin ko? Antanga tanga ko. Antanga tanga ko para maniwala sayo Kim. Antanga tanga ko.

Maya-maya naman ay may pumasok. Hindi ko nalock ang pinto.

Si Tita Lilian at yung Tito Aidan na madalas pumunta dito kasi si Kim daw ang anak ng kakambal niya. Inexplain naman niya sa amin lahat kung paano nangyari yun.

"She's Kim, your child, kakambal ni Willow" sabi ni Tito Aidan kay Tita Lilian

Nakita kong nabigla si Tita Lilian at lahat kami doon.

Ginawa namang chance yun ni Tito Aidan para ipaliwanag sa amin at siya pala ang kakambal ni Tita Lilian.

Alam kong may kakambal si Tita Lilian kaso d namin siya nakikita kasi busy sa work and si Tito Aidan pala yun.

Pero wala akong pakialam dun, kasi ngayon? D ko alam ang gagawin ko, sising sisi ako. Mahigit dalwang taon kitang d nakasama kaya pihadong d na ikaw yung Kishang kilala ko.

Pero,please give me a chance para itama ang pagkakamali ko. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung wala na talaga akong pag-asa

Damn it!

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon