Steve's POV
"Amelia, wala silang kasalanan" -Tito Owen
"Anong wala? Kung hinayaan nila tayo na makasama ni Kyle ang anak niya kahit ilang minuto, hindi sana mangyayari ito" galit na sabi ni Tita Amelia
"Paalsin mo sila dito, Owen" seryosong sabi ni Tita Amelia
"Walang kasalanan si Mommy at si Tito Oliver dito, Tita Amelia" seryosong sabi ni Willow
"Wala akong pakialam, ayaw kong makita ang mga pag-mumukha niyo dito" seryosong sabi ni Tita Amelia
"Sige, aalis kami pero pakinggan mo muna ang sasabihin namin" seryosong sabi ni Willow pero halata ang galit sa mga mata
Natahimik si Tita Amelia.
Kaninang umaga lang nalaman namin na naaksidente si Kyle. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta dito sa hospital. Gustong sumama ni Kisha pero hindi kami pumayag gawa ng anak niya. Hindi dapat malaman ni Kaelynn ang kalagayan ng ama niya kasi baka matrauma ito lalo na't ganito ang itsura ni Kyle.
Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko. Kung pinayagan lang sana namin si Kyle hindi sana aabot sa ganito.
"Tita, alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi namin mapayagan ang sex addict kong pinsan na makita at makasama si Kaelynn" mataray na sabi ni Willow kaya naka-abot siya ng sampal kay Tita Amelia
"How dare you!" galit na sabi ni Tita
Nahawakan ni Willow ang pisngi niya.
"Hindi naman po ata ako papayag na sampalin niyo ang kapatid ko na nagsasabi lang ng katotohanan" seryosong sabi ni Liam
"Liam is right, wala kayong karapatang saktan si Willow" sabat ko sa usapan nila
"Steve? Pati ikaw? I thought bestfriend mo si Kyle?" -Tita Amelia
"Noon yun, Tita" malamig na sabi ko dito at nagulat si Tita Amelia sa inasta ko
"Uuwi na lang kami baka magkagulo pa dito" -Tita Lilian
"Una na lang kami, Owen" -Tito Oliver
"Wait lang, may sasabihin pa kami eh" sarcastic na sabi ni Willow at tumingin sa akin na nagpapahiwatig na ako ang magsabi
"Hindi namin pinayagan si Kyle kasi ayaw naming maulit at makita kung gaano ka-misirable ang buhay ni Kisha noon, actually higit pa sa pinagdadaaan ng anak niyo"
"Mahirap makita yung kaibigan mong winawasak paunti-unti ang sarili niya. Ilang beses namin siyang pinipilit kumain kaso ni isang subo, hindi niya magawa. Ilang buwan siyang ganun. What do you expect, Tita? Sobrang hina niya, sobrang putla niya, hindi niya magawang tumayo. Buti na lang, dumating si Steve kasi nakakakain ito kahit papaano" sabi ni Willow at tumingin sa akin na nagsasabing ako ang magpatuloy
" Ayaw na niyang mabuhay noon, kaya nakita namin siyang naglalaslas pero buti napigilan namin. Nagpalagay si Tito Oliver ng CCTV sa kwarto ni Kisha at laging kaming naka-bantay sa TV kung saan nakakonekta ang CCTV footage. Tinangka niyang magbikti, tinangka niyang tumalon kasi asa second floor ang kwarto niya at mataas taas yun. Tinangka niyang lasunin ang sarili niya. Tinangka Niya iyon ng paulit-ulit. Kailangan pa namin siyang turukan para kumalma siya, para makatulog siya. Buti na lang my CCTV dun kasi kung hindi baka patay na si Kisha at ang anak niya ngayon. Hanggang sa sobrang hina na ng katawan niya ay agad namin siyang dinala sa hospital at dahil dun sa nangyari sa kanya, namulat siya sa katangahan niya"
malungkot na sinabi ko sa kanila at nakita ko na gulat na gulat sila"Kaya, Tita, Paano namin hahayaan ang anak niyo dahil sa nangyari? Paano namin hahayaan ang anak niyong dahilan ng sobrang paghihirap ng kaibigan namin? Paano namin hahayaan ang anak niyo na dahilan kung bakit nasira ang buhay ni Kisha? Paano namin hahayaan ang anak niyong dahilan ng gusto ni Kishang mamatay na lang kasi mas naniwala siya sa kasinungaling ni Kim? Paano namin hahayaan ang anak niyong Makita at makasama ang anak niya kung siya mismo ang dahilan kung bakit muntik na siyang mawala dito sa mundo? Paano namin siya hahayaan kung ganun? Durog na durog kami nung mga panahong yun. Hinang hina kami ng mga panahong yun. Wala kaming magawa kundi ang umiyak ng tahimik kasi kailangan malakas kami sa harap ni Kisha" sabi ni Willow at tuluyan na siyang umiyak
"Hindi niyo kami masisisi kung bakit ganun na lang kami kagalit sa pinsan namin. Hindi niyo kami masisisi kung bakit hindi namin siya hinayaan sa gusto niya. Hindi niyo kami masisisi kung bakit ayaw na ayaw naming makausap niyo si Kisha na yung Kishang misirable noon at sobrang naging misirable sa pagkawala ng Mom niya at dadagdag pa yung sasabihin niyo sa kanya. Tutol na tutol kami sa desisyon niya kahapon kasi takot kaming makitang bumalik yung Kisha na ganun" malungkot na sabi ni Liam at anytime iiyak na rin siya.
"Kaya, sana wag niyong isisi sa amin na kami ang may kasalanan kung bakit ganan si Kyle, kasi sa totoo lang walang wala Yan sa kalagayan ni Kisha noon" sabi ko at pinilit na huwag maiyak sa harapan nila
Kasi sa tuwing naalala ko yung nangyari kay Kisha ay hindi ko maiwasang maiyak.
"Kung gaano kagalit ang mga anak ko at si Steve ay galit na galit rin ako kay Kyle sa ginawa niya. Dalwang importante sa buhay niya ang nagsabi mismo sa harap niya ng totoo. Okay lang Sana Kung si Kisha lang pero kasama si Steve, yung kaibigan na ilang taon na niyang kasama kaya d ko masisisi si Steve kung bakit pinutol na niya ang pagkakaibigan nila kasi sobrang laking tanga ng pamangkin ko noon. Parang anak ko na si Kisha at tuwing maalala yung kalagayan ni Kisha noon ay parang nawawala yung awa ko kay Kyle ngayon" seryosong sabi ni Tita pero halata ang lungkot sa boses nito
"Lahat sila na saksihan ang nangyari kay Kisha. Kaya kung gaano kasakit sa kanila yung nangyari kay Kisha noon ay sobrang sakit nun sa akin lalo na't nung nalaman kong anak ko si Kisha. Kung gaano sila kagalit ay mas lalong galit na galit ako. Gusto kong ilayo si Kisha at ang apo ko kay Kyle para hindi na maulit ang nangyari noon kaso nung nakasama namin si Aria ay may sinabi siya sa akin na naging dahilan para ipush si Kisha na makita at makasama ni Kyle ang anak nila. At ilang beses ding nababanggit ni Kaelynn na she wants to meet her father. Kaya, nung okay na ang anak ko, I tried to talk her nung umaga and she doesn't want to talk about it kaya hinayaan ko na lang siya. Pero laking gulat ko ng kagabihan ay pumayag siya, not because of herself, but because of there daughter. Kaya hindi niyo kami masisisi kung bakit ganun kami at kahapon lang ang desisyon ni Kisha." malungkot na sabi ni Tito
Sumensyas siya sa aming lahat na aalis na kami pero nag-salita si Willow.
"Dalhin na rin natin tong mga prutas tutal hindi tay welcome dito, ay ganun din siguro yung prutas na dala natin" sarcastic na sabi nito
Binatukan siya ni Liam sa kalokohan ng kapatid niya.
Iiling-iling kaming umalis sa hospital. At ngawa pa ng ngawa si Willow habang papaalis kami.
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
AcakSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...