Kisha's POV
One year later,
Nasa labas ako ng bahay nila Tita Lilian at pinapasikatan ko ng araw ang anak ko, she's already one year old kid. Her name is Kaelynn Reagan Brielle Dy.
Dy ang ginawa kong apelyido ng anak ko kasi yun ang surname ng daddy niya, kahit yun lang ay maibigay ko sa anak ko. Muntik ng mawala sa akin ang anak ko dahil sa kapabayaan ko.Flashback
"I hope you will not regret it in the end." Sabi ko at umalis na ako
Maya-maya rin ay kasunod ko na si Steve. Naging tahimik ang byahe namin papunta sa condo niya.
Pagkapasok ko sa condo niya ay
agad akong umupo sa sala at pumikit.Namalayan ko na lang na tuluyang nagpatakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Kingina Kyle, sobrang sakit na dalawa na kaming mahalaga sa buhay mo ang nagsasabi sayo ng totoo pero nagawa mong paniwalaan ang mga kasinungalingan ni Kim. Mahal na mahal mo siya noh?
"Kisha, try ulit natin bukas baka mapaniwala natin siya. Sabihin natin kina Tita Amelia" -Steve
Hindi ko siya magawang sagutin kasi patuloy sa pagpatak ang luha ko at nasasaktan ako ng sobra sa ginawa ni Kyle.
Kyle, pati anak mo? Sinasabi mong gawa-gawaan ko lang.
"Steve, sobrang sakit. I don't know what to do"
Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako, hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak.
"Bakit ganun? Totoo naman ang sinasabi natin kay Kyle pero bakit hindi niya tayo pinaniwalaan?"
"Mas pinaniwalaan niya ang kasinungalingan ni Kim, ganun niya ba kamahal ito? Para balewalain ang katotohanan?"
"Asan na yung Kyle na wala pa man akong sasabihin ay naniniwala na siya sa akin?"
"Asan na yung Kyle na ayaw na ayaw akong masaktan pero heto siya at sinasaktan ako ngayon?"
"Asan na yung Kyle na minahal ko? Asan na yung Kyle na ayaw akong umiiyak pero pina-paiyak niya ako ngayon? Asan na yung Kyle na kilalang kilala ako kung sino ako? Kaya nga ako nagmadaling umuwi dito kasi akala ko magiging maayos na ang lahat. Akala ko magiging masaya na kami ni Kyle. Akala ko maniniwala siya sa sasabihin ko. Akala ko maniniwala siyang mag-kakaanak na kami pero akala lang pala"
"Kisha, I don't know what to say, but I'm here for you. Don't cry na masama yan sa baby mo. Nawala man sayo si Kyle wag mong hayaan na mawala yang anak mo" sabi ni Steve at inaalo pa rin ako para tumahan pero umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan ay pinigilan ko ang sarili kong umiyak, dumaan ang ilang araw na nagsaya lang ako. Ayaw kong umiyak masama aa baby at andyan si Steve na kasama ko sa bawat alis ko. And umuwi ako sa Canada ng ako lang. Hinatid ako ni Steve sa may airport at susunod daw siya sa akin, aayusin niya lang ang mga papeles niya. Marami pa siyang habilin sa akin pero ningitian ko na lang siya.
At sa muli kong pag-alis ay kakalimutan kita Kyle, kakalimutan ko ang nararamdaman ko sayo. At hindi ko hahayaang malapitan mo ang anak ko. Nagmaka-awa ako sayo na maniwala ka sa sinabi ko pero mas pinaniwalaan mo ang mga kasinungalingan ni Kim. Sana wag kang magsisi na wala ka ng babalikan sa akin pag natauhan ka na.
Ilang oras din ang naging byahe ko at pagkalapag ko sa airport ay pumara ako ng taxi at nagdiretso sa bahay nila Tita Lilian. Hindi na ko nagpakaon pa at alam kong busy sa kanila.
Ilang minuto rin ang naging byahe ko bago makarating sa bahay nila Tita Lilian.
Nakita naman ako ng isang maid at binati ako.
"Buti naman at nakabalik ka ng maayos, andyan sa sala sila Ma'am at Sir at dumating ang dalwang anak ni Ma'am" -Maid
"Sige, salamat" nakangiti kong sabi sa kaniya
Pagkapasok ko sa sala ay nakita agad ako ni Tita Lilian
"Kisha, finally you're back. Bakit hindi ka man nagsabi sa amin at napakaon ka namin" lapit sa akin ni Tita Lilian at agad akong niyakap
"Alam ko po kasing madami kayong ginagawa"
"I want you to meet my daughter and son." Sabi ni Tita Lilian
Nung nakita ko kung sino ay bigla na lang pumatak ang mga luha kong ilang araw kong inipon.
"Willow, Liam" pagkasabi ko nun ay napahagulhol ako ng iyak at tumakbong lumapit kay Willow at niyakap siya
Naramdaman ko naman na ginantihan niya ako ng yakap.
"Kisha, whats happen?" nag-aalalang sabi ni Tita Lilian
Pero hindi ko magawang sumagot kay Tita Lilian.
"Hindi na kayo nagka-ayos ni Kyle?" sabi ulit ni Tita
"Mom, ano po bang nangyari?" Tanong ni Liam
"Umuwi si Kisha sa Pilipinas kasi tinext daw siya ng kaibigan niyang si Steve na hindi si Kyle ang ama ng batang dinadala ng bestfriend ni Kisha. Kaya nagpumulit siya ng umuwi sa Pilipinas kahit na delikado ang lagay niya dahil buntis siya" -Tita Lilian
Inalalayan naman akong umupo ni Willow sa sofa.
"Kisha you're pregnant?" Tanong sa akin ni Willow
At tango lang ang nasagot ko dahil wala pa ring tigil ang pagpatak ng luha ko.
"Kisha please tell us what happen, please" Sabi ni Willow at inilayo ako sa kanya
Pinunasan ko ang luha ko at doon nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari nung mineet namin si Kim. At habang nagkukuwento ako ay panay pa rin sa pagtulo ang luha ko at ikinuwento ko rin sa kanila kung bakit ako lumayo sa kanilang dalwa ni Liam.
Pagkatapos kong magkwento ay niyakap uli ako ni Willow.
"PUTANGINANG KYLE YAN, APAKABOBO, NASA HARAP NA ANG EBIDENSYA PERO NAGBUBULAG-BULAGAN SIYA" galit na sabi ni Willow
"Don't worry, Kisha, we'll take care of you, kaya, please stop crying, hindi maganda yan sa baby mo. Hindi namin hahayaang makalapit sayo ang pinsan naming iyon" sabi ni Liam at halata din ang galit niya.
"Wait, can you tell me? How did you know Kisha, naguguluhan ako" -Tita Lilian
Si Willow na ang nag-salita. Kinuwento niya yung mga napag-usapan namin tungkol kung bakit ako nagpunta sa France.
"We did to tell it to Amelia" Sabi ni Tita Lilian pagkatapos magkwento ni Willow
Agad naman akong umiling.
"No need na Tita, masabi man kay Tita Amelia ay wala rin pong saysay, tutal sarado ang isip niya sa katotohanan"
"And hindi ko hahayaan na sa kabila ng ginawa nung sex addict na yun ay don na siya sa kanyang babaeng sinungaling" gigil na sabi ni Willow
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...