Steve's POV
Ilang oras din ang naging byahe. May jetlag pa ako pero kailangan kong pumunta kina Tita Amelia. Andito na ako sa airport sa Pilipinas, kababa pa lang namin ng eroplano. Natatanaw ko na ang aking Mommy na sumama sa pag-sundo sa driver namin.
Nakangiti kong sinalubong ng yakap si Mommy
"Miss me, mommy?" biro ko dito
"Sobra anak, let's go na at alam kong pagod ka na" -Mommy
"Punta po muna tayo kina Tita Amelia." sabi ko habang naglalakad kami papuntang parking lot
"Mag-pahinga ka muna, anak, bukas ka na lang pumunta. Kala ko ba si Kyle ay nasa condo?" -Mommy
"I need to go in Tita Amelia's house. May ibibigay lang akong importante and besides d naman si Kyle ang pupuntahan ko"
"Sige, saglit lang tayo, okay?" -Mommy
"Will see"
Pagkarating namin sa kotse ay agad kaming sumakay. Pumikit muna ako kasi alam kong dadaldalin ako ni Mommy kung kamusta pagbabakasyon ko sa France.
Nagpunta akong France kasi ilang linggo akong binabangungot sa nangyari sa akin nun sa bar na may naka-sex akong d ko kilala. Gabi-gabi akong nananaginip, hindi ako patahimikin ng panaginip ko kaya nag-punta akong France para ibigay yung cctv footage ko sa aking bar nung gabing may naka-sex ako. Ibinigay ko sa friend ko kasi expert siya pagdating sa pagkilala sa identity ng isang tao at pag-alam ng itsura ng babae. Alam kong mahihirapan siya kasi medyo madilim pero I gave him a lot of time para madiscover kung sino yun. I want to know who's that girl and I want to make sure na hindi ko siya nabuntis.
Yung unang araw ko sa France ay yun yung day na imemeet ko ang kaibigan ko sa restaurant eksakto namang nameet ko si Kisha that time and we bring her to the hospital. When I'm waiting na magising si Kisha ay pumunta muli akong restaurant at ibinigay sa kanya ang CCTV footage at nag-paalam agad ako sa kanya.
Pagkabalik ko sa hospital ay maya maya ay gising na si Kisha and she's pregnant. I know na si Kyle ang ama. Nagsisisi tuloy ako kasi ako pa mismo ang nagbibigay kay Kyle na nakakasex niya. Hindi ko alam ang itsura ng mga babae na sine-sex ni Kyle kasi siya nga yung pinapapunta ko pag binablind date ako ng Mommy ko.
Imbes na sa hotel ako mag-stay ay sa bahay nila Tita Amelia ako nagstay at eksakto namang uwi ng dalwang magkapatid sa Pilipinas. I have the time na makabonding si Kisha and grabeee hindi ko inasahan ang pagbabago niya, ibang iba siya sa Kisha na nakilala ko. Naging madaldal at mataray na din ito. Sinabi niya din sa kin na wag kong sasabihin na buntis siya, ako at siya lang daw ang nakaka-alam. Nakokonsensya tuloy ako kasi alam kong kasalanan ko yung nangyayari sa kanila ni Kyle. Tapos, gumising na lang ako kinabukasan na wala na siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nag-aalala ako sobra sa kanya, isang linggo rin kaming naghanap sa kanya at nakita ko si Willow kung paano nagalit kina Kyle, sila ang sinisisi nito. Nagalit rin ako kay Kyle kasi d ba niya naisip na pedeng mabuntis si Kisha sa ginawa nila at hinayaan na umalis ito at hindi man lang sila nag-usap ng maayos. Pero mas nagalit ako sa sarili ko kasi kundi dahil sa akin ay hindi mangyayari ito. Buntis pa naman si Kisha, maaring nagbago siya pero mahirap magpalaki ng anak na mag-isa lang siya at wala siyang kilala doon sa France kaya d ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya.
"Anak, where here na" -Mommy
Sa lalim ng iniisip ko ay d ko alam na andito na kami kina Tita Amelia
Bumaba na ako ng kotse at naramdaman ko ding bumaba na si Mom.
Pumunta agad kami kina Tita Amelia at eksakto na nasa garden siya.
"Hiii Titaaa" bati ko sa kanya pagka-lapit ko
"Ohh, hi Steve, Olivia, what's brought you here?" -Tita Amelia
"Kakagaling niya lang France tapos sabi niya dito daw kami dumiretso kasi may ibibigay daw sayo" -Mommy
"It's a letter, Tita" sabi ko at ibinigay sa kanya ang letter
"Ohhh really, tara sa loob at magmiryenda muna kayo bago umalis" -Tita Amelia
"Hmm, where did it come from, the letter?" -Mommy
"A friend of mine, Mommy"
Sumunod naman kami ni Mommy at umupo sa salas.
"Manang, mag-ready ka ng miryenda nila" -Tita
"Upo kayo"
"So, what's our plan tomorrow?" Mommy
"Shopping ulit tayo" -Tita
"Hahaha sige. By the way, where's Owen?" -Mommy
"Asa Canada, business meeting. I'll read this letter" excited na sabi ni Tita
Maeexcite ka pa kaya Tita pag nabasa mo ang loob nyan?
Araw araw silang magkasama. Nagshoshopping kung saan saan, mamalayan na lang namin na out of the country na silang dalwa.
Habang binabasa ni Tita Amelia ang letter ay dumating si Manang at inihain ang meryenda. Agad naman akong kumuha kasi gutom na ako eh HAHAHA.
"OOHHH myy gosshhh, Amelia, why are you crying?" sabi ni Mommy at lumapit kay Tita Amelia para aluhin ito
"Actually Tita, last week pa yan, sa inyong house sa France ako tumuloy kasi bawas gastusin din" sinubukan kong magbiro
"And then nung mAkabalik po sila Willow ay yun yung time na umalis po si Kisha. Masaya pa kaming nag-usap nung gabing yun at inihatid ko pa siya sa kwarto niya to make sure na tutulog na siya. Isang linggo rin po kaming naghanap sa France pero no sign kay Kisha and naalala po namin yung sinabi niya sa letter na wag daw po namin siyang hanapin kasi maayos naman daw po ang lahat niya" malungkot kong saad kay Tita
Umiyak ng umiyak pa rin si Tita at yakap siya ni Mommy
"W-we need to find her. Hindi siya sanay sa mundong ito, mapapahamak siya, nooo noooo" naiiyak na sabi ni Tita
"She changed a lot Tita, hindi na siya yung Kisha na kilala niyo"
Umiiyak pa rin si Tita and napatingin siya sa may pintuan. Kumalas siya sa yakap ni Mommy at agad sinampal si Kyle at Kim.
*****
A/N#PayongZaidy
Wag agad magdedesisyon pag galit kayo at pag sobrang saya niyo kasi sa bandang huli, pagsisihan mo ang desisyon na ginawa mo.
THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️
Ps: Vacant na ulit ang dedication natin
Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc
Again...
READ AT YOUR OWN RISK
BE OPEN-MINDED
DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW
ENJOY READING!
SARANGHAE ❤️
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...