Chapter 45

143 6 2
                                    

Kisha's POV

Maraming segundo, minuto, oras, araw, buwan ang nagdaan simula ng umalis ako sa bahay nina Tita Amelia sa France.

Alam kong nag-aalala sila sa akin pero kailangan kong lumayo sa kanila. Ayaw kong malaman nila na buntis ako at higit na ayaw kong malaman ni Kyle na buntis ako, I know Willow, madaldal yun. Maraming tumatanggap sa kin pero kay Kim ay wala na kundi si Kyle lang kaya hahayaan ko siya kay Kyle at maging masaya sila.

SOBRANG sakit na magkaka-anak din kami ni Kyle pero hindi ko magawang sabihin sa kanya kase may nauna ng pamilya si Kyle.

Gusto ko ring buo ang pamilya ko kaso hindi ko yun maibibigay sa anak ko. Umalis din ako sa France kasi sa twing nakikita ko sila Willow ay lagi kong naalala si Kyle at gusto kong sabihin sa kanya na buntis din ako pero wala akong lakas loob kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya at hindi niya matanggap ang batang dinadala ko.

Pinag-isipan ko ang paglayo kina Willow. Ilang buwan din akong nasanay na sila lagi ang kasama ko kaya hindi ako masyadong sanay na wala sila sa tabi.

Panay text at tawag sila sa akin. Pero ni isa sa tawag ay hindi ko sinasagot at ni isa sa text nila ay hindi ko tinitingnan.

"Kisha, alis na muna kami" Nakangiting sabi sa akin ni Tita Lilian

Nga pala, sa Canada ako nag-punta. May malaki akong perang naipon, kasi d ba? Maid ako ni Kyle at patuloy pa rin siya sa pagsahod sa akin at hindi ko naman nagastos ang pera na yun, miski piso kaya malaki laki ang perang naipon ko at dinagdagan pa yun ni Tita Amelia.

Naging mahirap ang pagkuha ng passport ko patungong Canada. Pero mabuti naman at nakalapag ako ng maayos dito sa Canada.

Agad akong nag-tungo sa malapit sa restaurant dito kasi kakapagod ang byahe at kailangan ko ring alagaan ang sarili ko kasi may bata akong dinadala sa sinapupunan ko.

Pagkapasok ko sa restaurant ay tinginan sa akin ang mga tao, ikaw ba naman na medyo malaki na ang tyan mo pero may malaking maletang dala.

Pagkakita ko ng upuan ay agad akong umupo. May lumapit naman agad waiter at inorder ko yung nirecommend niyang masarap na pagkain. Wala naman kasi akong alam sa mga pagkain dito sa restaurant.

Pagka-dala naman ng waiter ay agad akong kumain. Tapos maya maya rin ay nakatulog ako. Nagising lang ako nung ginising ako ni Tita Lilian. Kinuwento ko sa kanya nakakarating ko lang dito sa Canada at nasabi kong buntis ako tapos pinatuloy niya ako dito sa bahay nila.

"Kisha, sabi ko aalis na kami" -Tita Lilian

"Ayy, may naisip lang po ako, sige po, ingat po kayo" nakangiti kong sabi

"Pahinga ka lang dyan, Kisha ha. Andyan naman ang maid namin at sabihin mo sa kanya ang gusto mo" sabi ng kakarating lang ni Tito Oliver

"Opo"

Pagkatapos nun ay umalis na sila. Pupunta na sila sa restaurant na pag-aari nila. Chef silang pareho.

Ang cute nga ng love story nila, si Tita kasi may anak siya kambal na babae at isang lalaki kaso namatay yung isa sa kambal at nasa France yung dalwa niyang anak tapos ang asawa niya namatay dahil sa stroke tapos si Tito naman ay niloko ng asawa niya kaya pumunta siya dito sa Canada para magsimula ulit. Walang wala si Tito nung pumunta daw siya dito, pamasahe lang ang dala niya nung pumunta dito. At tutal nagugutom na siya ay sa restaurant ni Tita siya nagdiretso tapos pagkatapos niyang kumain ay dun niya naalala na wala siyang pera. Kaya Sabi ni Tito na babayaran na lang niya sa pagtatrabaho sa restaurant at magaling siyang magluto. Doon nagsimula ang love story nila at napalago nila ang restaurant ni Tita kaso nga lang hindi pa daw alam ng dalwang anak ni Tita ang tungkol kay Tito kasi hindi niya sure kung ok lang sa anak niya.

Tapos nung ako ang pinagkukwento nila ay hindi ko agad makwento sa kanila ang nangyari sa akin kasi naalala ko ang sinabi sa akin ni Willow na wag daw ako magtitiwala basta basta. Nakapagkwento lang ako sa kanila dahil kinuwento nila sa akin ang love story nila at background nila na kakaunti lang ang nakakaalam kaya kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin.

Tapos sabi nila na sila daw ang tatayong magulang sa akin at gagabayan nila ako sa pagbubuntis kasi ilang buwan na rin ay aanak na ako.

Dumaan ang mga araw na andito lang ako sa bahay nila Tita Lilian. Panay asikaso sila sa akin na kakagaling lang nila sa trabaho at alam kong pagod na sila ay may time pa rin sila sa akin. Sinasamahan din nila ako sa mga check-up ko. Hindi nila ako pinapapabayaan. 

Sobrang thankful ko kay God kasi alam ko na saksi Siya sa pag-hihirap n nararanasan ko. Kung gaano ako nasasaktan sa nangyayari sa akin. Kamakailan lang ay naisip ko na kakayanin ko kayang mamuhay ng mag-isa? Kakayanin ko kayang palakihin ang anak ko ng maayos? Napapaisip pa lang ako na walang tutulong sa akin ay napapaiyak na lang ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko pero sobrang bait sa akin ni Lord at nakilala ko sila Tita Lilian at Tito Oliver na tumulong sa akin sa lahat at hindi nila ako pinapabayaan.

Araw araw akong nagpapasalamat sa kanila kasi kundi dahil sa kanila ay hindi ko alam kung papaano ako babangon sa pagkakalugmok ko.

Nangako ako sa sarili ko na pagkatapos kong manganak ay tutulong ako kila Tita sa restaurant nila. Tutulong ako na mas lalong mapalago nila yun kasi after all chef rin naman ako.

Sobrang laki ng utang na loob ko kina Tita Lilian at lalong lalo na kay Tita Amelia. Kapag naging maayos na ang lahat at kapag handa na akong ipakilala sa kanila ang anak ko ay hindi ako magdadalwang isip na puntahan sila at ipaalam ang katotohanan na magkaka-anak ako.

Baby, kapit ka lang, kaya natin toh, wala ka mang kalalakhihang Ama ay ipaparamdam ko sayo araw araw kung gaano kita kamahal.

*****
A/N

#PayongZaidy

Marami man tayong pinagdadaanan, marami mang problemang dumating pero hindi ito hadlang sa atin bagkus ito pa ang dahilan upang magpatuloy tayo sa buhay at mas maging matatag lagi sa tulong ng ating Panginoong MayKapal.

Thank you again sa walang sawang votes nina malou1978; AnnaRizzaParaisoOlea

THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️

Ps: Vacant na ulit ang dedication natin

Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc

Again...

READ AT YOUR OWN RISK

BE OPEN-MINDED

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW

ENJOY READING!

SARANGHAE ❤️

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon