Broken hearted tong Miss A. niyo ngayon pero nag-update ulit ako ngayon kasi malou1978 made me happy with her comment kaya I dedicated this chapter for you again. Thank you very much❤️
Kisha's POV
Ito na yung araw na hinihintay ko. Pupunta akong France. Papunta na kami sa airport ngayon. At andaming paalala sa akin ni Tita at Tito. Sinabi din nila sa akin na susunduin daw ako ni Tita Violet, yung kapitbahay nila Tita dun sa titirahan kong bahay.
"Excited ka ata, ija?" tanong sa akin ni Tita na may bahid na lungkot
"Oo naman po. It's my first time to go in France and to stay there. Wala po kayong dapat ipag-alala sa akin, magiging okay lang po ako dun, medyo sanay na po akong maka-adopt sa new environment"nakangiti kong sabi sa kanila para hindi na sila malungkot sa pag-alis ko
"This week rin sana ay binalik namin ng Tito mo na sama kayo ni Kyle sa France, para mag-travel" nabigla naman ako nung sinabi yun ni Tita
Actually, hindi ko naisip si Kyle, kahapon sa sobrang excited ko na pupunta akong France ay naging abala ako maghapon although na nagcecellphone lang ako tapos ilang oras ring inayos ang mga gamit na dadalhin ko.
Bawal na ba talaga tayo Kyle?
Huli na ba talaga ang lahat sa atin?
Hindi na ba pedeng maging masaya tayo? Tayong dalwa
Minsan na nga lang ako magka-gusto tapos sobrang sakit pa ang natanggap ko
"S-sorry ija" -Tita
"It's okay lang, Tita, by the way d-did h-he know that I'll going to France?" alinlangin kong tanong kay Tita
"Hindi namin sinabi sa kanya" -Tita
"Wag niyo na lang pong sabihin sa kanya kung nasaan ako, kahit na pilitin niya po kayong tanungin"
"Kahit hindi mo sabihin sa amin yan ay hindi namin sasabihin sa kanya besides hindi pa naman ulit kami nakakapag-usap at masyadong busy sa babaeng yun. Ewan ko na lang dito kung naka-usap na niya" turo ni Tita kay Tito
"Nope, I'm not going to talk him, that's the last thing I can do" seryosong sabi ni Tito
Nalungkot naman ako dahil sa akin ay nagka-ganun sila kay Kyle
"Alam ko rin naman pong hindi niyo matitiis si Kyle kaya I know you'll talk to him and m-magugustuhan niyo rin po si Kim para kay Kyle" nakangiti kong sabi sa kanila
"Ikaw lang ang gusto ko sa anak ko Kisha, simula nung hindi na nagparamdam sa akin ang bestfriend ko." -Tito
Sana ako na lang nga
"Nung isang araw niyo pa pong nababanggit yung friend niyo, I think it's Tito Oliver?" curious kong tanong kay Tito
"It's a long story" sabi ni Tito sabay buntong hininga
Namimiss siguro ni Tito yung kaibigan niya
"I'll make it short. Your Tito Owen and Tito Oliver were bestfriends. And then one day, they promised to each other na ang kanilang mga anak ang dapat magkatuluyan kaso bigla na lang naglaho si Oliver and hindi namin nabalitaan kung nasan ang anak niya" malungkot na sabi ni Tita
Nalungkot naman ako para kay Tito.
"And the second time around, gusto ko ng tumino ang anak ko kaya we got you from BeauInno and magiging mag-asawa na sana kayo kaso Kyle got pregnant with other girl" malungkot na sabi ni Tito
Kailan ba ako magiging okay?
Kailan ko ba tatanggapin na may nagmamay-ari na sa kanyang iba?
Kailan ko ba matatanggap na hindi talaga kami pwede?
Atat na atat na akong makalimutan siya. Kasi ayaw ko ng masaktan. Nakakapagod. Nakakapanghina.
"Tito and Tita, just be happy with Kyle" yun na lang ang nasabi ko
Napabuntong hininga na lang silang dalwa
Ringgg
Tumingin naman sila sa akin na nagtatanong
"It's Steve po" Sabi ko sa kanila at sinagot ang tawag nung tinanguan nila ako
"Napatawag ka?"
"Where are you?" Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin
"Somewhere" tipid kong sagot
"Where's that somewhere Kisha?" -Steve
"Don't worry, I'm fine, no need to worry about me" yun na lang ang nasagot ko
"Kisha" nagpupumilit pa rin siya
"Steve, ibaba ko na toh, may gagawin pa kasi ako, bye" Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at ibinababa iyon
"Why didn't you tell him, where you going?" Takang tanong ni Tita
"Mahirap na Tita at bestfriend rin po siya ni Kyle"
Hindi na sumagot pa si Tita.
Naging tahimik na ang byahe namin papuntang sa airport. Pagkarating din sa airport ay pinaalalahan ako nila Tita at Tito na wag pababayaan ang sarili, laging mag-iingat at marami pang iba.
"Tita Violet is there for you always. Don't hesitate to ask her i you need something" -Tita
"Okay, Tita"
Tinatawag na ang flight papuntang France.
Nagpaalam na ako sa kanila. Naging emosyonal si Tita at hindi na ako lumingon pa kasi baka mapaiyak na rin ako.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa Pilipinas ay masisiguro kong kaya ko ng harapin si Kyle ng wala na akong nararamdaman para sa kanya. At masaya ko silang titingnan na masaya silang pamilya.
Pero, mahirap kasi hindi ko alam kung paano ako magsisimulang kalimutan siya. Hindi ko alam kung gusto ko nga bang kalimutan siya.
Gusto ko siya, gustong gusto baka nga mahal ko na nga?
Gosh, Kisha, stop thinking about him. Paano ka makakamove-on kung lagi siya ang iisipin mo?
Gising GISING Kisha
Ilang oras din ang byahe namin papuntang France at wala akong ibang nakikita kundi puro ulap. And that clouds, make me smile.
Ang ganda ganda kaya.Ang tagal ng byahe namin kaya tumulog muna ako. Nagising naman ako nung sinabi na lalanding na ang eroplanong sinasakyan namin.
Maya maya rin ay isa-isa na kaming nagbabaan. Andaming tao, nakanguso ako habang iniisip yun. Paano ko makikita si Tita Violet? Pinakita sa akin ni Tita ang picture ni Tita Violet pero mahihirapan ata akong maghanap sa dami ng tao dito.
Ilang minutes rin ay may lumapit sa aking babae
"There you are, I found you" it's Tita Violet
"Hello po, buti na lang po at nakita niyo ko, naliliyo na nga po ako sa paikot ikot ng paningin ko dito"
Natawa naman sa akin si Tita Violet
*****
A/N#PayongZaidy
Broken hearted man kayo, wag niyong hayaan na makain kayo ng lungkot at sakit. You don't deserve to be hurt with someone na walang ibang ginawa kundi paulit-ulit kang sinaktan. You deserve someone better.
(Self, makinig ka rin sa mga pinagsasabi mo HAHAHA)
THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️
Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc
Again...
READ AT YOUR OWN RISK
BE OPEN-MINDED
DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW
ENJOY READING!
SARANGHAE ❤️
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...