Chapter 59

134 6 0
                                    

Kisha's POV

Tumigil muna si Mom sa pagkukwento kasi kumukuha siya ng lakas para ipagpatuloy pa ulit ang pagkukwento.

"Nalaman ko na lang na pinirmahan mo yun. Siya ang nag-ayos para sa kasal namin at nung mga panahong yun ay nanganak na ako and I'm very happy by that." ngiting sabi sa akin ni Mom

"Pero pina-ikot ni Lucas ang isipan ko, sabi niya ay kayamanan lang namin ang gusto mo kaya binuntis mo ako para sa anak ko mapunta at dahil sa sinabi niya ay nagalit ako sa anak ko at ibinigay ko sa katulong." nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at nagpatakan na muli ang luha niya.

"I spend time for Lucas, magkatabi kaming matulog but nothing happen between us and inayos namin ang kasal namin pero nung araw bago kami ikinasal ay nagising ako nung madaling araw at may kausap si Lucas sa may verenda." seryosong sabi ni Mom

"I heard what he's saying, kung ano ang sinabi niyang masasama sayo ay siya pala yun at hindi ikaw. Binayadan niya ang investigator ko para sabihin na d ka makita." Halata ang pagsisisi sa kanyang boses

"Kayamanan niya ang gusto ko, magpapakasal siya sa kin para makuha niya ang lahat ng ari-arian ko at simula nung araw na yun ay pinagsisihan ko ang ginawa ko sayo at sa anak ko." naiiyak na namang sabi ni Mom

"Sobrang sakit para sa akin kasi minahal ko talaga siya ng sobra" napahagulhol na sabi ni Mom

Niyakap naman siya ni Dad para aluin ito.

"I call Aidan, you know na d kami magkasundo kasi para sa kin ay kinaibigan ka lang niya dahil mayaman ka and sinabi ko sa kanya na hanapin si Kisha at sinabi ko rin na maggawa siya ng kasulatan na kay Kisha mapupunta ang lahat ng ari-arian ako." patuloy sa pagkukwentong sabi ni Dad

"Pinahanap kita sa ibang imbestigador kasi alam kong mahihirapan si Aidan pag dalwa ko kayong pinahanap. Dumating yung araw ng kasal namin ay d ako sumipot kasi nahimatay ako nung araw na yun at dun ko nalaman na may leukemia ako, stage 2." iyak na iyak na kwento ni Dad

"Imbes na maawa siya sa akin ay nagalit siya sa kin. Kaya sabi ko ay hiwalay na kami pero inamo niya ako na huwag. Dahil nga, minahal ko siya ay I stayed in the hospital one month and umuwi ako at nadatnan ko si Lucas na may surprise sa akin at niyaya akong magpakasal pero sinabi ko sa kanya that time na ayaw ko at sinabi ko sa kanya ang naparinig ko at sa anak ko nakapangalan ang ari-arian ko." ramdam ko ang sakit sa pagkukwento ni Mom

Pinagsisihan ko tuloy yung mga sinabi ko kay Tito Aidan nung araw na kinausap niya ako tungkol sa tunay kong magulang.

"Bago siya umalis ay iniwan niya ako at sinabing "Wala na siyang dahilan para manatili pa dito" pagkatapos nun ay wala akong balita sa kanya. And then, nalaman ko na lang na nasa Canada ka na at may asawa na."
iyak na iyak na sabi ni Mom

"Nanlumo ako nung sobra. At pinagsisihan lahat ang mga bagay na ginawa ko sayo. Pero masaya ako kasi nakatagpo ka ng babaeng mamahalin ka ng buong buo, d tulad ko na mas naniwala ako sa iba kaysa sa taong minahal ko." pinunasan ni Mom ang luha niya at humiwalay sa yakap ni Dad

"Kamakailan ko ding nalaman na nalulong sa droga si Lucas. At kamakailan ko ding nalaman na may sakit ang mga magulang. Kaya nung nalaman ko yun ay pinagamot ko ang magulang niya kaso huli na ang lahat kasi namatay na ang magulang niya kasunod nun ay pagkamatay niya" iyak na sabi ni Mom

"Kung sinabi niya lang sa akin na kailangan niya ng tulong ay sana natulungan ko siya at d niya nasira ang pamilyang meron tayo" sabi ni Mom at pinunasan ang luha niya.

"Tanggap ko na, tanggap ko ng hindi ka na babalik sa akin, masaya na ako para sa iyo at palala ng palala ang sakit ko at stage 4 na ngayon kaya sabi ko bago ako mawala ay makita ko lang ang anak ko" sabi ni Mom at tumingin sa akin

Inilapit naman niya sa akin ang kamay niya at pinunasan ang luha ko na d ko alam na tumutulo na pala.

"Mapatawad niyo sana ako" -Mom

"Aaaminin ko nasaktan ako sa ginawa mo sa akin. At hindi ko alam kung paano muli babangon. Mahal na Mahal kita noon at hindi ko inaasahan na mangyayari yun sa atin, na hahantong tayo sa ganun pero dumating si Lilian sa buhay ko at tinulungan niya akong bumangon.  Kasama kita nung binata pa lang ako kaya kahit na iba na ang Mahal ko ngayon ay wala ng papantay sa pagmamahal ko sayo" seryosong sabi ni Dad

"Aria, I already forgive you eventhough you didn't ask for forgiveness. Pero magpagaling ka, hindi ka namin iiwan" seryosong sabi ni Dad

"I'm really happy for you. Can you call Lilian to come here?" sabi ni Mom kay Dad

Tumango naman si Dad at pumasok sa loob.

"Mom, kapit lang wag kang bibitaw. Magbobonding pa tayo kasama ng apo mo"

"Gagawin ko ang lahat, anak para sa inyo"

Dumating naman si Tita Lilian at si Dad

"Lilian, gusto ko sana na dito kayo titira ng mga anak mo. At sana ay dito na kayo magstay sa Pilipinas" nakangiting sabi ni Mom

Nakita ko naman ang pagkabigla ni Tita Lilian

"Gagawin ko yun, kung lalaban ka sa sakit mo, andito kami at hindi ka namin papabayayaan" sabi ni Tita Lilian

"Huwag mong iiwan si Oliver ha? Wag mo siyang sasaktan gaya ng ginawa ko. Mahal ka ni Oliver kaya sana wag kang magsasawa na mahalin siya" nakangiti pa ring sabi ni Mom

"I will not leave him and I will love him more day by day" sabi ni Tita Lilian at ngumiti kay Dad

"Kaya ikaw Aria, magpalakas ka at magpagaling para makita mo ang paglaki ng apo natin"sermon ni Dad

Natawa naman ang baby ko sa sinabi ni Dad kaya natawa naman kami.

Naging masaya ang araw naming lahat ng araw na ito.

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon