Kim's POV
Agad namang lumapit sa akin yung Tita Lilian na tunay ko daw ina.
"Anak" sabi nito sa akin at niyakap ako
"Mom" dun na ko napahagulhol ng iyak
Tatanggapin niya pa kaya ako sa kabila ng nalaman niya?
Kung gaano ako kasamang babae, tatanggapin niya kaya ako?
"Owen, Amelia, at Kyle, alam ko ang nagawa ni Kim sa pamilya niyo kaya humihingi agad ako ng tawad. Lalo na kay Kyle, saksi ako sa paghihirap ni Kisha kaya hindi ganun kadali na magka-ayos kayo or baka hindi na kayo magka-ayos pa" malungkot na saad ni Mom Lilian
Kilala niya si Kisha?
Tiningnan ko si Kyle at halata kong nasasaktan siya.
Kyle, patawarin mo sana ako. Hindi ko sinasadya.
"It's too hard Lilian to forgive her. I trust her but she broke my trust to her and she did a very very big mistake" dismayadong sabi ni Tita Amelia sa akin
Hindi ako makapag-salita sa sinabi niya
"Kim, get all of your things at sa anak mo, wala ka ng karapatan na manatili pa rito" seryosong sabi ni Mom
Tumango na lang ako.
Nilagay ko sa maleta ko lahat ng gamit ko pagkatapos ay sinunod ko ang kay Kinsley na kasalukuyan nagcecellphone pa rin.
Pagkatapos ay tinawag ko ang anak ko at sabay kaming bumaba.
Kinuha ni Tito Aidan ang dalwang maleta kong dala. Habang ako naman ay binuhat ko ang anak ko.
"M-mum san tayow?" tanong sa akin ng anak ko
"Where going to your grandma's house" sabi ko dito at pilit na pinipigilang tumulo ang luha ko
"I know it's too hard to fix it but someday umaasa ako na mapapatawad niyo ang anak ko sa nagawa niya" sabi ni Mom Lilian at nag-sign siya na lumapit sa kanya
"We have to go" sabi ni Mom Lilian at umalis na kami sa condo ni Kyle
Alam kong nag-pipigil lang sila Tita Amelia ng galit sa akin dahil anak ako ng pinsan nila.
Sumakay agad kami sa kotse at ang anak ko ay nakatulog na pala sa balikat ko.
Paano ko sasabihin sa anak ko na masama ako?
Paano ko sasabihin sa anak ko na hindi niya tunay na tatay si Kyle?
Paano ko ipapaliwanag sa anak ko ang kamalian kong nagawa?
"Aidan, dun muna tayo tumuloy sa condo mo, hindi siya maaaring tumuloy kina Oliver dahil alam kong papalsin lang siya dun" -Mom Lilian
Tumango na lang si Tito Aidan at nagmaneho na. Si Kinsley naman ay inilagay ko ang ulo niya sa may lap ko.
Nakatingin lang ako sa bintana.
Masyado akong maka-sarili!
Ginago ko ang mga nagmamahal sa akin!
Niloko ko silang lahat!
Ansama sama ko!
Anselfish selfish ko!
Ansakim sakim ko!
"Anak, don't cry. Magiging maayos din ang lahat" malungkot na sabi ni Mom Lilian at halatang nasasaktan din ito
I hope so
Maya-maya ay nakarating na kami sa condo ni Tito Aidan.
Si Tito Aidan na ang bahala sa maleta namin at si Kinsley naman ay nagising na
"San tayow Mum?" -Kinsley
"Sa bahay ng Tito mo" nakangiti kong sabi
"Hi, Kinsley, I'm your Lola" nakangiting sabi ni Mom Lilian
"Lolah" masayang sabi nito at nagpakarga kay Mom Lilian.
Lumabas na kami ng kotse at pumasok sa condo ni Tito Aidan.
"Bumalik ka na Aidan kina Oliver. Ikaw muna ang bahala sa kanila" -Mom Lilian
"Sige, tawagin mo na lang ako pag may kailangan. May luto na rin dyang pagkain, paintin niyo na lang" sabi ni Tito Aidan at umalis na
"Maghain ka na anak, tawagan mo na lang kami pag kakain na" nakangiting sabi nito sa akin
"Sige po"
Hinanap ko ang kusina at pinainit ang kanin at afritadang baboy na luto. Habang hinihintay ko ito ay sinilip ko ang aking Ina at ang aking anak.
Masaya silang nag-lalaro. Kita ko din kay Mom na tuwang tuwa siya kay Kinsley.
Kung d sana ako gumawa ng kalokohan ay masaya sana ang lahat.
Bumalik ako sa niluluto ko. Pagkatapos ko itong painitin ay nag-hain na ako.
"Kakain na po tayo" alinlangan kong sabi
"Tara na, apo" masigla sabi ni Mom kay Kinsley
"Tum na ko" sabi nito at nakahawak pa sa tyan kaya natawa kami ni Mom
Kumain na kami at ingay ni Kinsley lang ang naparinig namin. Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan namin at nag-diretso sa sala.
Naabutan ko si Mom na karga karga si Kinsley. Tulog na pala ito. Dinala niya ito sa kwarto at inihiga doon.
"Tara sa sala" -Mom
Pumunta kaming sala at umupo.
"Kami ang kumupkop kay Kisha nung nagpunta siya sa Canada at kamakailan ay nalaman naming si Kisha pala ay anak ng pangalawang kong asawa" -Mom
"Nakita namin ang paghihirap ni Kisha, simula nung bumalik siya sa Canada dahil nagpunta siyang Pilipinas para sabihin ang totoo kaso simula nun naging misirable ang buhay niya at muntik pang mawala ang anak niya" malungkot na sabi ni Mom
Nagkwento pa siya sa akin tungkol sa mga pinagdaanan ni Kisha at hanggang ngayon na ilang buwan niya lang nakasama ang Mom niya pero binawian ito ng buhay.
Napahagulhol na lang ako ng iyak. Sobrang hirap ng pinagdaanan ni Kisha dahil sa akin. Inagawa ko pa sa kanya ang ama ng anak niya.
"G-gusto sana kitang ipakilala kina Willow at Liam k-kaso alam kong g-galit sila sa ginawa mo at nasasaktan ako kasi malaki ang possibility na h-hindi ka nila ituring na kapatid kasi nasaksihan din nila ang paghihirap ni Kisha" sabi ni Mom at nagcacrack na ang boses niya
Wala akong masabi dahil patuloy lang ako sa pag-iyak
What a small world. Kapatid ko si Willow at Liam
"A-antanga tanga ko"
"A-ansama sama ko"
"Gusto ko ding magalit sayo anak dahil sa ginawa mo parang anak ko na si Kisha. Marami kang sinirang pagsasamahan pero hindi ko kaya kasi alam kong nagmahal ka lang kaya nagawa mo yung bagay na yun. Maling mali ang ginawa mo pero hindi kita masisi dahil anak Kita at ayaw kitang nakikitang ganan" -Mom
"S-sasama po ako sa inyo sa araw ng libing ng Mom ni Kisha. Alam kong hindi dapat akong magpakita pa sa kanila pero gusto kong makiramay kahit na alam kong anlaki ng kasalanang nagawa ko sa kanya. Makikiramay lang po ako at hindi manggugulo" desidido kong sabi kay Mom
"Sige" -Mom
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...