Kisha's POV
Pagkaalis na pagkaalis ni Kim ay agad na nag-unahang pumatak ang aking luha.
Buntis si Kim at si Kyle ang ama.
Bakit si Kyle pa?
Sa dinami dami ng lalaki bakit si Kyle ka pa?
Tama si Kim, may gusto ako kay Kyle pero hindi naman ako selfish para angkinin ko si Kyle at hayaang lumaki ng walang ama ang bata.
Gusto kong mainis kay Kim kasi mas inaalala niya pa ang nararamdaman ko kaysa sa bata.
Agad kong pinunasan ang luha ko kasi baka makita pa ni Kyle na umiiyak ako.
Ginawa kong busy ang aking sarili para makalimutan yung sinabi sa kin ni Kim kani-kanina lang.
Nilinis ko ang buong bahay pagkatapos ay nagluto na ako.
Nang naghahain na ko ay eksakto namang baba ni Kyle.
"Good morning Kish" bati sa kin ni Kyle
"Good morning din"
"Kain na tayo" pinasigla ko ang boses ko para hindi mahalata ni Kyle na hindi ako okay.
Nagdasal muna kami bago kumain.
Nung matapos kaming kumain ay nagpaalam sa kin si Kyle na liligo muna siya habang ako naman ay huhugasan ko ang pinggang kinainan namin.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay siya namang baba ni Kyle.
"Ligo rin muna ako"
"Sige" -Kyle
Nanligo muna ako. Pagkatapos ay nagcellphone na lang ako sa kwarto.
Hindi ko alam kung ilang oras ako sa kwarto.
Maya maya ay bumukas ang pintuan
"Kish, dinner is ready" -Kyle
Luh?
Ala-sais na pala ng gabi. Hindi ko namalayan ang oras.
"Sorry, nakalimutan kong magluto, naadik ako masyado sa billiards" nahihiya kong sabi sa kanya
"Isa pang beses na malipasan ka ng gutom dahil sa kakacellphone mo ay sasamsamin ko sayo yan" -Kyle
"Ayy wag naman, hindi na mauulit"
"Siguraduhin mo lang, Kish" -Kyle
Bumaba na kami at pumuntang kusina para kumain
Nagdasal muna kami bago kumain. Maya maya ay parehas na kaming tapos kumain. Nagpaalam si Kyle na sa sala lang siya.
Ako naman ay hinugasan ko ang pinggan pagkatapos ay inopen ko ang ref at may nakita akong alak.
Agad ko namang kinuha iyon at tinawag si Kyle.
"KYLEEE, COME HEREEE" sigaw ko sa kanya
"Ohh, whyyy??" -Kyle
"Let's drink. Matagal ko ng gustong inumin tong alak na toh eh"
"Pero Kish, nakakalasing yan at you're not allowed to drink that" -Kyle
"Tara na lang sa bar, dun tayo uminom kung ayaw mong ipatikim sa kin toh"
"Tsk, Kish, please listen to me, itry mo na lahat inumin wag lang ang alak" -Kyle
Hindi ko siya pinakinggan bagkus nagsalin ako sa baso ng alak at uminom ng isang lagukan.
"PWEEEE!ANGGG PAITTT" sigaw ko naman
"Tsk, ayaw kasing makikinig." -Kyle
Kumuha ako ng isa pang baso at sinalinan iyon.
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...