Chapter 66

158 5 3
                                    

Steve's POV

Simula nung dumating ako dito sa mansyon nila Kisha ay hindi ako umaalis sa tabi ni Kisha. Hindi ko kayang iwan ang kalagayan niya.

Pumunta din dito sila Mom and Dad para maki-ramay. Tumutulong din sila sa pagaasikaso sa bisita kasi kaibigan pala ni Tito Oliver si Dad.

Dito rin sila nag-iistay. Si Kaelynn naman ay si Willow muna ang nag-aasikaso kasi baka magka-trauma si Kaelynn pag nakita nito ang kalagayan ng Ina.

Ngayon ang libing ni Tita. At ilang minuto na rin ay pupunta na kami sa sementeryong paglilibingan ni Tita. Sa Eternal Gardens.

Dahil masyadong malayo iyon ay walang makakapaglakad sa amin. Kami ni Kisha ang nakasakay sa unahan kung saan nakalagay ang kabaong ni Tita.

Si Tito Oliver sana kaso wag daw akong umalis sa tabi dito.

Nakasandal sa balikat ko si Kisha. Nakatingin lang siya ng diretso sa daan. Wala siyang imik.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan at dahil sa malungkot na tugtog ay nakita kong unti-unting tumutulo ang luha ni Kisha.

Agad ko itong niyakap at sumandal siya sa may dibdib ko.

Hinahawakan ko ang buhok niya.

Walang advice akong maaaring sabihin sa kanya kasi sobrang sakit mawalan ng magulang lalo na't sa case ni Kisha na ilang buwan niya pa lang ito nakakasama.

Hinyaan ko lang siyang umiyak ng umiyak at ramdam ko ring basa na ang damit ko. Wala siyang tigil sa pag-iyak. Nasasaktan akong nakikita ko siyang ganito. Nawal yung Kisha na kilala ko nung una dahil nag-grow na siya. Nung nasaktan si Kisha dahil hindi naniwala sa amin si Kyle ay saksi ako sa paghihirap niya at nagbago ulit si Kisha. At ngayong nawalan siya ng magulang ay baka maging cold si Kisha. Yun ang kinakatakot ko. Ang mawala yung Kisha na kilala ko. At yung Kisha na minamahal ko.

Lumayo ako kay Kisha ng tatlong buwan kasi sobra akong nasaktan. Naiintindihan ko siya pero masakit isipin na hindi kami pwede. Parehas kaming may nararamdaman para sa isa't isa pero dahil kumplikado ang sitwasyon ay wala kaming pag-asang dalawa. At nung nabalitaan kong Wala ni si Tita ay agad akong nagpabook ng flight pauwi sa Pilipinas kaso nahirapan ako at inabot pa ko ng tatlong araw.

Nung makita ko si Kisha ay sobra akong nasasaktan para sa kanya. Masakit makita ang taong mahal mo na sobrang nasasaktan. Ilang araw ko siyang nakitang walang ganang kumain, laging tulala at wala sa sarili at walang tulog pero sobrang pasasalamat sa akin si Tito Oliver kasi kahit papaano ay kumakain si Kisha ng kaunti at nakakatulog ito.

Alam kong nasasaktan si Tito Oliver para sa anak nito, makitang ganun ang kalagayan ng anak niya pero alam ko ring sobrang nasasaktan si Tito sa pagkawala ng ex-wife nito.

Naramdaman kong umiiyak ulit si Kisha.

"Kisha, inom ka muna ng tubig" mahinahon kong sabi dito

Uminom naman agad siya pagkatapos ay sinubuan ko siya ng tinapay na dala dala namin.

Kaunti lang kasi kinain nito kanina.

Pagkatapos nitong kumain ng tinapay ay yumakap ulit ito sa akin at umiyak ulit.

Kung may nagagawa lang ako para kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo nagawa ko na sana.

Ayaw kitang makitang ganan.

Maya-maya ay nakarating na kami sa sementeryo. Agad naman akong bumaba at inalalayan si Kishang bumaba.

Nang nailabas ng tuluyan ang kabaong ni Tita ay agad lumapit si Kisha para hawakan ito. Naka-alalay naman ako sa kanya.

Nang maipatong ang kabaong ni Tita ay agad kaming umupo sa unahan dahil magmimisa ang pari.

"M-mum, iyak ka ba?" tanong ni Kaelynn

"No, baby, I'm not crying" sabi ni Kisha ng may pekeng ngiti sa labi

"Wag ko Mmum" sa sinabi yun ni Kaelynn ay tuluyang napahagulhol si Kisha ng iyak

Kinuha naman muna ni Willow si Kaelynn at inilayo ito. Mugtong mugto din ang mata ni Willow.

Yinakap ko naman siya sa akin

"Everything will be okay, Kisha. We won't live by your side"

Nagsimula ng magmisa ang pari. Isang oras din ang misa at patuloy lang sa pag-iyak si Kisha.

Benindesisyonan ng pari ang kabaong ni Tita na nakabukas at iniaabot kay Tito Oliver. Ganun din ang ibang kamag-anak nila at ang huli ay inabot nila ito kay Kisha.

Hahayaan ko na sana siyang pumuntang mag-isa pero tumingin ito sa akin na nagsasabing samahan ko siya.

Inalalayan ko siya. Pagkatapos ay yumakap siya sa kabaong ng Mom niya

"M-mom, w-wake up please" -Kisha

"M-mom, don't leave me please" -Kisha

"M-mom, gumising ka, wag kang magbiro ng ganan, Mom, d ko kaya Mom" iyak na iyak na sabi ni Kisha.

Hindi ko rin maiwasang maiyak at karamihan sa amin dun ay umiiyak na rin dahil sa mga sinasabi ni Kisha.

Lumapit naman agad ako sa kanya at niyakap siya.

"S-steve, buhay pa si Mom, d ba? Buhay pa siya! Bakit siya nakahiga dyan? Bakit hindi siya nagmumulat ng mata?" iyak na sabi ni Kisha

Inalalayan ko siyang pumunta sa upuan namin dahil may sasabihin pa ang pari at the last thing ay unti unti ng binababa ang kabaong ni Tita

"MOMMMMMMM, NOOOOOO" sigaw ni Kisha

Lumapit ito sa kabaong at pilit na pinipigilan ang pagbaba sa kabaong ni Tita. Napa-luhod na ito at nakatingin sa kabaong ng Mom niya na tuluyan ng naibaba.

Asa likod lang ako at unti-unti na ring hinahagis ang mga bulaklak na dala ng mga ito at alam kong labag sa kalooban ni Kisha ay inihagis niya din ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya.

Unti-unti ng tinatakluban ng lupa ang kabaong ni Tita at lalong lumakas ang iyak ng mga nakikipaglibing dito. Nang tuluyan ng natakluban ito ay unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao.

Lumingon ako sa likod.

Ang mga naiwan na lang ay ako, si Kisha, ang Dad ni Kisha, Willow, Liam, parents ko, Tito Aidan, si Kaelynn, si Tita Lilian with Kim?
at parents ni Kyle with Kyle?

Anong ginagawa ng dalwang yan dito?

Bakit nagpakita pa sila?

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon