Dedicated to: AnnaRizzaParaisoOlea
Kisha's POV
Isang linggo na ako dito sa France at puro si Willow at Liam ang kasama ko. Naggagala gala kami kung saan-saan at panay kain naman kami. Kada maibigan kong pagkain ay bumibili din ako. Kahit wala naman akong ginagawa ay napapagod ako at bago kami gumala at pagkatapos gumala ay puro tulog ako. Madalas din akong makaramdam ng pagkahilo at madalas din akong nagsusuka.
Hindi ko naman alam kung bakit.
Minsan lang ako tumawag kina Tita at Tito kasi sabi ko naman sa kanila na wala dapat silang alalahanin at safe lang ako dito.Andito ako sa bahay ngayon, nakabihis na, hinihintay ko na lang ang dalawa at kami'y mamamasyal na ulit.
Sa isang linggo kong kasama ang dalwa ay naiingit ako sa kanila kasi kahit puro bangayan ang dalwa, makikita mo naman kung gaano sila ka-care ang isa't isa. Si Willow Quinn ay napakadaldal, lagi na lang may kwento, hindi nauubusan ng topic tapos karamihan ay panay panira pa kay Liam hahaha tapos may pagka-manyak pa si Willow kaya inaaalala ko ang kainosentehan ko kasi pakiramdam ko ay mawawala ito. Si Liam naman ay mabait, may pagkamadaldal rin at kung ano-ano rin ang sinasabi kay Willow kaya minsan pinapanood ko na lang silang magpalitan ng salita eh. Kaya kahit anong timik ko ay siya namang daldal ng dalawang ito kaya nagiging maingay na rin ako pag kasama sila. Ang parents naman nila ay nasa Canada, may restaurant sila doon.
Si Tita Violet naman ay bibihira kong makita kasi busy siya sa work niya.
Tsk, eto na naman ako nakaramdam ng hilo. Nakakainis lagi na lang. Hindi naman ako nalilipasan ng gutom at healthy naman ang katawan ko pero bakit nahihilo pa rin ako.
Beeeppp
Beeeppp
Beeeppp
Si Willow ang bumisina na, hindi na naman makapaghintay ang babaeng yun. Nakakagala kami kung saan-saan kasi may kotse ang dalwang ito pero kay Liam ang ginagamit namin.
Kinuha ko na ang gamit na dadalhin at lumabas. Kinandado ko ang pinto at sinaraduhan ang gate
"Hindi makapaghintay, Willow Quinn" medyo mataray kong sabi
at sumakay sa kotseYan, pati katarayan, nakuha ko na sa kanya
"Hindi ka na nasanay" sabat naman ni Liam
"Nye nye nye, parehas lang kayong broken hearted. Try niyo kayang kayong dalwa ang magdate baka magworth it" biglang sabi ni Willow
Parehas naman kaming nabigla ni Liam. Nagkatinginan kaming dalwa at natawa na lang.
Hahahaha, yun kasi laging sinasabi niya pag napapagtulungan namin siya ni Liam.
Nakaramdam na naman ako ng hilo.
Sa byahe namin ay panay daldalan lang kaming tatlo, minsan kami ni Willow ang magkakampi, minsan naman si Liam ang kakampi ko tapos madalas pinagtutulungan nila akong dalwa.
Naglalakad na kami papunta sa restuarant na kakainan namin.
Papasok na sana kami sa loob kaso bigla na lang akong napakapit sa taong nasa unahan ko at bigla na lang akong nawalan ng malay. Naramdaman ko na lang na may nakasalo sa akin.
Unti-unti kong binubuksan ang mata ko, nakahiga ako at alam kong nasa hospital ako.
Naramdaman ko namang may lumapit sa akin.
"Kisha, are you okay?" sabi ni Willow at halatang nag-aalala sa akin
Tumango naman ako
"Bakit hindi ka nagsabi sa amin na masama pala ang lasa mo, eh d sana next time natin itinuloy ang gala natin" sabi ni Kyle at ayun yung kanyang boses na Kuyang nag-aalala
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...