Kisha's POV
Sabi na pero buti na lang at komportable na siya sa akin ngayon.
"Try to speak din kasi Steve" natatawa kong sabi dito
"Nagsasalita naman ako ah, nagkukwento ako tapos bigla kang sasabat. Antaray taray mo pang mag-salita" -Steve
"Hahaha oo na lang. Let's go na, magtithree o'clock na rin." pagyayakag ko dito
"Tara, I hope, everything will be okay right now" nakangiti niyang sabi sa kin
"It should be, Steve" nakangiti ko ring sabi sa kanya
Sa byahe namin papunta sa condo ni Kyle ay panay kwentuhan lang kaming dalwa about sa nangyari sa akin.
Kisha, you need to be strong right now. Huwag ka na ulit magpapa-uto pa. Isa sa dahilan kung bakit ganto ngayon kasi ayaw kong magmukhang mahina sa paningin ng iba. Ayaw ko ng kakayanin lang nila ako kasi mabait ako.
Nasaktan ako ng sobra dahil inakala kong hindi na kami pede ng taong gusto ko, no crop that, ng taong mahal ko, yun pala napa-ikot lang pala ako. Lumayo ako kasi gusto ko silang makitang masaya at buo ang pamilya kahit na ikinadurog ko iyon.
Nagpakalayo ako sa lahat kasi isinakripisyo ko yung kasiyahan ko para lang maging masaya ang anak ni Kim pero d ko pala alam na walang saysay ang pagsasakripisyo ko kasi hindi naman si Kyle ang ama.
This time, I will tell everything but Im not sure if paniniwalaan ni Kyle ang sasabihan ko kasi ilang buwan niyang nakasama si Kim and malaki ang possibility na mahal na ni Kyle si Kim.
Dun pa lang sa baka mahal na ni Kyle si Kim ay nasasaktan na ako, paano pa kaya kung totoo yun?
"Andito na tayo, Kisha" sabi ni Steve at pinark sa hindi kalayuan sa building ang kotse nito
"Mauna ka, Steve, susunod ako sayo" sabi ko habang nakatanaw si Kim na nag-aantay.
Sumunod naman siya agad at hindi na tumanggi.
Maya maya ay sumunod ako kay Steve pero nag-suot ako ng shades at pumuwesto sa hindi makikita ni Kim pero mapaparinig ang pag-uusapan nila.
"Steve, ano ba! D ba sabi ko sayo na hayaan mo na kami ng magiging anak natin kay Kyle, mahal namin ang isa't isa, hayaan mong maging masaya kami" pagmamaka-awa ni Kim
Mahal nila ang isa't isa?
Masaya na sila?
Gusto kong sugudin si Kim at itanong sa kanya kung bakit nagawa niya sa akin toh. Kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa akin
"Pero alam mo na ako ang ama ng batang yan at gusto ko ay ako ang kilalaning niyang ama" may diing sabi ni Steve
"Hindi ikaw ang kikilalaning ama kundi si Kyle kasi kung hindi ipapalaglag ko talaga ang batang ito" nanggigil na sabi ni Kim
Natigilan naman si Steve sa sinabi nito
"Umalis ka na kasi kung hindi, totohanin ko ang sinabi ko" aalis na sana si Kim pero umeksena na ako
"Kaya mo na pa lang pumatay ng inosenteng bata" sabi ko at napaharap naman siya sa gawi ko
Tinitigan niya ako at inaalam kung sino ako.
Hindi niya ba ako nabobosesan?
"Miss, pede ba wag ka ng makielam dito, wala kang alam" -Kim
"May pakialam ako lalo na't may inosenteng mawawalay sa tunay niyang ama dahil sa kanyang ina na sakim sa kanyang anak" sabi ko at tinagtag ang shades ko
Nakita ko ang pag-kagulat niya.
"K-kisha" nauutal niyang sabi sa akin
"The only one" ngiti ko sa kanya
"I KNOW THE TRUTH" may diin kong sabi sa kanya
"Dun tayo mag-usap" nauunang sabi ni Kim sa kabilang tindahan kaya nakatalikod ako ngayon sa harap ng building ng condo
"Steve, sabi ko wala kang pagsasabihan, lalo mo akong binigyan ng dahilan para ipalaglag ang bata" nagagalit na sabi ni Kim
"Katulad mo, I'm so desperate na makuha ko ang anak ko. Anak ko lang naman ang kukunin ko sayo tapos hahayaan ko kayo ni Kyle na magmahalan habang buhay" -Steve
Binatukan ko naman si Steve
"Siraulo ka pala noh?" mataray kong sabi sa kanya
"Just kidding hehehe" sabi niya at nagkakamot ng batok
"I said to you that Kisha is pregnant anddd" -Steve
"What the fuck Steve, why did you tell her" naiinis kong sabi sa kanya
"I have no choice, Kisha." seryosong sabi ni Steve
"Yun naman pala Kim eh, you already now na buntis ako pero wala ka pa rin pakialam. Lumayo ako kasi gusto kong maging masaya kayo, na maging buo ang pamilya ng anak niyo. Isinakripisyo ko ang kasiyahan ko para sa inyo ng anak mo. Tapos malalaman ko lang na ginago mo ako? Na niloko mo lang ako? What the fuck, Kim, tapos ngayon? Mas pinipili mong maging sakim ka? Ano? Dahil sa pagmamahal mo kay Kyle? Putanginess namang pagmamahal mo na yan, para sa sarili mong kasiyahan ay ilalayo mo ang anak mo sa tunay niyang ama" inis kong sabi pero andun pa rin ang arte at taray sa boses ko
"Kisha, nu ba yan, ok na ang sinabi mo eh kaso maarte pa rin pagkakasabi mo? Unbelievable" hindi makapaniwalang sabi ni Steve
Inirapan ko na lang siya
"Wag tayo dito mag-usap" sabi sa akin ni Kim at hinawakan ako sa braso
"Ano ba! Don't touch me" inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nabigla na lang ako ng bigla siyang umupo sa harapan ko
"HEY YOU, BUNTIS YAN, BAKIT MO TINULAK" Kyle
Nung makarating na siya sa pwesto namin ay agad siyang lumapit kay Kim at tinayo ito.
"Are you okay? Wala bang masakit sayo?" -Kyle
Bukas pa sana kita kakausapin Kyle pero ayan ka nasa harap ko.
"Hindi ko alam na ang pag-alis lang ng kamay mong nakahawak sa braso ko ay sasalampak ka dyan sa sahig" sarcastic kong sabi.
"K-kisha" hindi makapaniwalang sabi ni Kyle
*****
A/N#PayongZaidy
Don't let the others na abusuhin ang kabaitan mo. Wag niyong hayaan na sasamantalahin ang kabaitan niyo. Wag niyong hayaan na maging ganun sila sayo, wag kang mabait sa lahat ng oras kasi sa huli ikaw yung higit na masasaktan. Ok lang na ipagtanggol mo ang sarili mo sa mga abusado sayo. Walang mali dun.
Thank you again sa walang sawang votes nina malou1978; AnnaRizzaParaisoOlea❤️
THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️
Ps: Vacant na ulit ang dedication natin
Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc
Again...
READ AT YOUR OWN RISK
BE OPEN-MINDED
DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW
ENJOY READING!
SARANGHAE ❤️
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
LosoweSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...