Chapter 32

147 5 2
                                    

Dedicated to: NnayramGatao

Kisha's POV

Mag-iisang linggo na ako dito sa bahay ng parents ni Kyle. Sa kwarto ni Kyle ako pinatuloy ni Tita. Andito ako sa kwarto, nagcecellphone lang. Ayaw kasi akong patulungin ni Tita sa mga gawaing bahay. Bababa lang ako pag kakain na kami tapos kunting kwentuhan lang kina Tita at Tito tapos aakyat na ulit ako sa kwarto.

Nagpaalam sa akin si Tita na pupuntahan niya daw sa condo si Kyle, kasama ang driver niya tapos si Tito naman ay nasa opisina.

Kamusta kaya si Kyle?

Nasa condo lang kaya siya?

Tsk, stop thinking him, Kisha. Wake up, may mapapangasawa na siya. Wala kasing nagdaang araw na naiisip ko si Kyle. Kumakain ba siya sa tamang oras? Puyat ba siya lagi sa kakalaro?

Sa lalim ng pag-iisip ko ay biglang may kumatok sa pinto.

"Bukas po yan"

Ahh, si Tita pala, nakabalik na pala siya.

"Bakit po, Tita?"

Lumapit siya sa akin tapos umupo sa may kama ko.

"Do you like my son, ija?" -Tita

Nabigla naman ako sa tanong niya. Hindi ako makasagot. Nakakahiyang aminin na itong maid na tulad ko ay magkakagusto sa isang Kyle Dakshi Bethuel Dy.

"Silence means yes" nakangiting sabi ni Tita pero parang may bahid na lungkot ang kanyang mga mata

"T-tita, sorry po, hindi ko po kasi napigilan, hindi po mahirap gustuhin ang anak niyo pero ginawa ko naman po ang lahat para pigilan na lumala ang nararamdaman ko sa kanya kasi hindi po kami bagay, masyado po siyang mataas sa akin, sobrang hirap nyang abutin" sabi ko kay Tita pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso

"You're not his maide Kisha, you're his fiancee" -Tita

You're his fiancee

You're his fiancee

You're his fiancee

You're his fiancee

You're his fiancee

Papaano?

Taka akong tumingin kay Tita

Imposible, maid lang ako

"Pinaki-usapan ko si Hildz na sabihin sayo na kapalaran mong maging maid. Pero yung totoo, pagkatungtong niyo ng 23 years old ay makakaalis kayo sa BeauInno pero paglabas niyo dun ay may mapapangasawa na kayo. Ganun yung naging patakaran sa company na yun kasi yun yung napagkasunduan ng mga stock holders at ng Tita Hildz mo at bilang pasasalamat nila sa mga nagsponsor na tulad namin ay naisip nila na when the age of 23 ay lalabas na kayo sa BeauInno House Company pero may fiancee na kayo. Nung una, tinary nila kung magkatuluyan ba kayo or hindi and as far as I know ay lahat ng nakakatungtong na tulad niyo as a age of 23 ay nagkamabutihan naman sila in the end. Depende na rin yun sa parents ng magiging fiancee kung ano ang gagawin nila para magka-inlovan kayo. Tutal, I know my son and his habit at umisip kami ng paraan ng Tito mo para hindi ka niya masaktan sa kahit na anong paraan. Iyon nga yung pagiging maid mo para makilala niyo ang isa't isa. Pero this is the first time na nangyari na hindi pala kayo magkakatuluyan" malungkot na sabi ni Tita

Nabigla naman ako nung pinunasan niya ang pisngi ko. May mga luha na palang tumutulo dun.

"I'm so sorry Kisha, I don't know na this will happen. Kung sabihin ko rin nung una pa lang na magfiancee kayo ay hindi rin kayo magkakatuluyan sa huli kasi nakabuntis na pala si Kyle bago ka dumating sa buhay niya" napaiyak si Tita sa sinabi niya

Alam na ni Tita na nakabuntis si Kyle. Alam niya din kaya na si Kim ang nabuntis nito?

"Alam mo ba kung bakit hinahayaan lang siya ng Dad niya sa mga mali niyang nagawa?" -Tita

"B-bakit po?"

"Gusto niya kasing marealize ni Kyle na mali yung ginagawa niya. Gusto niya kasing si Kyle mismo ang maka-discover sa mali niyang ginagawa. Gusto niya kasing magtino ang anak namin sa pamamagitan ng sarili niya at hindi dahil sa amin. Once na malaman niya yung nangyari sa inyo ay alam kong sisisihin niya ang sarili niya at alam ko ring mahihiya siyang harapin ka kasi kung hindi niya hinayaan ang ginagawa ni Kyle ay hindi kayo aabot sa ganito. Natatakot akong sisihin ng asawa ko ang sarili niya sa nangyayari sa inyo ngayon. We like you for Kyle, to be his fiancee. I'm so sorry Kisha" sabi ni Tita at patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

"Ok lang yun, Tita, stop crying, makakamove-on rin po ako, ako pa ba?" pambibiro ko sa kanya

"Alam kong sobrang nasasaktan ka lalo na't si Kim pa ang nabuntis ng anak ko" -Tita

Alam na ni Tita

"Maaari po pero yung feelings naman nawawala, naglalaho. Mahirap man pero that's the best way I can do para po sa kanila. Gusto ko rin pong maging masaya silang pamilya"

"Hindi agad kadali yun, Kisha, ikaw ang gusto ng anak ko at hindi si Kim. It takes a lot of time na makakalimutan ka niya" -Tita

"Magagawa niya rin po akong kalimutan may dadating na blessings sa kanila at hindi rin naman po mahirap gustuhin si Kim lalo na't sa maikling panahon ay naging close sila"

Sakit na hindi na kayo pede ng taong gusto mo

"Gusto ko nga po sanang makalayo na dito. Andito po ako oh, nasa kwarto ng taong gusto ko." pagtatapat ko kay Tita

"Sa France ko magstay, may bahay kami dun" biglang sabi sa akin ni Tita

"Tita, sabi niyo, magbabakasyon lang ako sa France"

"Pero pede kang tumira dun, yun lang ang magagawa namin para kahit papaano ay maibsan mo yung sakit na nararamdaman mo ngayon" -Tita

"Tita, hindi ko na tatanggihan ang offer niyo. Tama na yung mag-iisang linggong pagmumukmok ko dito. Time naman para ienjoy ang sarili ko at kalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon k-kasi Tita, sobrang sakit eh. I really like Kyle. Nasasaktan po ako sa katotohanang hindi kami pwede. It's not your fault, Tita kasi kapalaran siguro ito ni God para sa amin"

"Kisha, sorry" T-tito

*****
A/N

#PayongZaidy

If broken hearted kayo dyan, kung nasasaktan kayo dyan, let yourself cry in ONE NIGHT, iiyak niyo lahat pero pagkatapos nung gabi na yun, yun yung una at huling gabi na iiyak kayo sa taong minahal niyo pero sinaktan lang kayo. May mas better pa sa inyo at nasaktan man kayo pero lagi kayong may nakukuhang aral dun at nagmamature kayo sa tuwing nasasaktan kayo.

Thank you kina malou1978 at diazmycss sa pagvovote simula Prologue hanggang sa Chapters na inaupdate ko. And kay villegaspalean sa pag-add ng story na toh sa reading list niya.

THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️

Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc

Again...

READ AT YOUR OWN RISK

BE OPEN-MINDED

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW

ENJOY READING!

SARANGHAE ❤️

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon