Chapter 33

142 6 4
                                    

Dedicated to: malou1978

Kisha's POV

Nagulat ako kay Tito, ibig bang sabihin ay naparinig niya ang sinabi ko.

"Hon? D-did you hear what were talking?" Halata sa mukha ni Tita na may pag-aalinlangan sa mga mata nito ng tanungin siya ng asawa nito

"Narinig ko lahat hon" sabi ni Tito at halatang malungkot ang kanyang mga mata.

Lumapit naman sa pwesto sa amin si Tito.

"Kisha, sorry if I hurt you" seryosong sabi sa akin ni Tito

Agad naman akong umiling sa kanya

"No, Tito, wala ka pong kasalanan." Sabi ko kay Tito na nakangiti

"Naparinig mo sinabi ni Kisha, it's not your fault okay?" -Tita

Napabuntong hininga naman si Tito

"Hindi ko na nga natupad ang pangako namin ni Oliver sa aming mga anak tapos pati din kay Kisha" pagkabanggit ni Tito ng name ko ay bumaling siya sa akin

"Owen, Hon" sabi ni Tita kay Tito

"Amelia, Hon" panggagaya ni Tito sa tawag ni Tita sa kanya

Natawa naman ako.

"Bababa lang kami, magre-ready kami ng meryenda natin" sabi sa akin ni Tita

"Tulungan ko na po kayo" pagpepresinta ko kay Tita

"No need, ija, hindi dapat pinapagod ang aming prinsesa" -Tita

"Ehhh, Tita, wala na kong ginawa kundi magcellphone lang" sabi ko pa kay Tita na nakapout

Narinig ko namang natawa si Tito

"Kisha, just sit and relax. Papatawag ka na lang namin pag kakain na tayo" -Tito

Iimik pa sana ako kaso pinanlakihan ako ni Tita na sinasabing dito na lang muna ako.

No choice ako kaya hinayaan ko silang maka-alis sa kwarto ko. Sa kwarto pala ni Kyle.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Tita.

"Ang aming prinsesa"

Ang sarap pakinggan na kahit hindi nila ako kaano-ano ay sobrang bait nila sa akin at tinuring ako na parang tunay nilang anak.

Sa isang linggo ko dito ay ipinaramdam nila sa akin na para akong tunay nilang anak.

Naiinggit nga ako kay Kyle eh. May Mom at Dad siya. Buo ang kanilang pamilya. Kumpleto sila pero ako hindi ko man lang nakita o nakasama ang mga magulang ko. Lumaki ako sa BeauInno, pero nagnanais ako na sana makita at makilala ko ang parents ko. Sana, sana buhay pa sila.

"Gosh, Kisha, drama mo" Sabi ko sa sarili ko

Bago pa ako kainin ng lungkot ay bumababa ako at balak kong pumunta sa may garden.

Malapit na ako sa kusina pero naparinig ko sila Tita at Tito na nag-uusap.

"Hon, I feel guilty for Kisha. Kung hindi dahil sa pagkunsinti ko kay Kyle sa ginagawa niya ay hindi sana aabot sa ganito" malungkot na sabi ni Tito

"Don't thing like that, hon." -Tita

"Wala na ngang kinalakihang magulang si Kisha ay ganito pa ang isusukli natin sa kanya. Ngangayon na nga lang siya magka-gusto ay hindi pa sila pwede" -Tito

"Kahit ako rin naman. I'm a girl also, hindi man niya aminin sa atin ang tunay niyang nararamdaman ay alam kong sobra siyang nasasaktan. Ayaw ko mang umalis siya sa tabi natin pero I need to let her kasi puro si Kyle lang ang maiisip niya pag andito siya. Para na rin nating anak si Kisha and to the point na pupunta siyang France ng mag-isa ay parang gusto ko siyang pigilang umalis" sabi ni Tita

"Let's stop talking this, hon, all we can do is to support her on her decision kahit papaano ay makabawi tayo sa kanya" -Tito

"I hope so" -Tita

Nung hindi ko na sila naparinig umimik ay binilsan kong maglakad papunta sa garden.

Ringgggggg

Napatingin naman ako sa cellphone kong hawak

It's Kim

"Hi Kim, Musta na?"

"Hello Kisha, I'm very very fine" -Kim

"Good to hear that Ky"

"Kisha, dito na nga pala ako nakatira sa condo ni Kyle" -Kim

Aww

"Alam na niyang buntis ka?"

"Oo, nung araw na nakita kitang umalis na may dalang maleta ay yun yung araw na pina-alis ako ni Tita Olivia sa condo ni Steven. Wala akong ibang malalapitan kundi si Kyle kaya nagdiretso agad ako sa condo ni Kyle. At ang saya saya ko na tanggap niya kaming mag-ina." Napatahimik naman siya pagkatapos nung huli niyang sinabi

He's happy na without me

"Ky, s-sorry. I know you have feelings for him and nagpunta si Tita dito sa condo ni Kyle na nabanggit kay Kyle na fiancee ka daw niya. Kung hindi ako nabuntis ay sana masaya kayo ngayon. Kung pinigilan ko lang yung tukso ko ay sana hindi ito nangyari. I don't want to h-hurt you, Ky" sabi ni Kim sa malungkot na boses

"Hahaha, okay lang Kim, nangyari na. Maging masaya sana kayong pamilya at blessings yang bata. Alam ko rin namang m-magugustuhan ka ni Kyle. Hindi ka mahirap magustuhan"

"Thank you Kisha ha, dahil sayo mabibigyan ko ng buo at masayang pamilya ang anak ko." -Kim

"Welcome Ky"

"Sige, ibaba ko na toh. Nagugutom na kasi ako hehehe" -Kim

Hindi na ako sumagot at binabaan na lang siya.

Hindi man magandang tingnan ay wala akong pakielam

Kung hindi naman si Kim nagpadala sa tukso, eh d sana, hindi toh nangyayari sa akin

Siguro, peke lang yung saya na kausap ko si Kim para din kasing sinasabi niya sa akin na lumayo na ako at wag magpapakita sa kanila

Masaya sana kami ni Kyle pero hindi rin pala kasi hindi ko alam na may feelings sa akin si Kyle. Ako lang ata ang may nararamdaman sa amin. Mabuti na rin siguro ang nangyari kaysa umasa ako na may pag-asa kami ni Kyle.

"Kisha, you're here pala. Pinuntahan kita sa kwarto, wala ka naman" -Tita

"Bumaba po ako para magpahangin"

"Hmm, tara na magmeryenda na tayo" yakag sa akin ni Tita

"Ehh, Tita, kailan po akong pwedeng umalis p-papuntang France" nahihiya kong sabi kay Tita

Nakita ko namang nabigla siya

"The day after tomorrow" -Tita

"Talaga? Tita?"

Isang araw na at dalwang gabi na lang ako dito

"Oo naman" -Tita

Sabay kaming pumunta sa kitchen ni Tita at masigla akong kumain.

*****
A/N

#PayongZaidy

Do things what you want. Enjoy yourself. You deserve better.

Thank you kay malou1978 sa walang sawang pagvovote. You made my day❤️ And thank you kay zaphireat38 sa pag-add ng story na toh sa reading list niya

THANK YOU SO MUCH TO ALL OF MY READERS ❤️

Sorry sa mga wrong typo, grammar and etc

Again...

READ AT YOUR OWN RISK

BE OPEN-MINDED

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW

ENJOY READING!

SARANGHAE ❤️

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon