Chapter 54

144 6 0
                                    

Kisha's POV

Dumaan ang mga araw na wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak, nakatulala lang ako. Hindi umaalis sa tabi ko sila Willow at patuloy na pinapagaan ang nararamdaman ko. Kunti lang din akong kumain kaya nung isang araw ay nawalan ako ng malay at nagising ako nung nasa hospital ako, panay sermon sa akin sila Tita at Tito, at dalwang magkapatid. At dun ko din nalaman pag nagpabaya ulit ako ng sarili ko ay mawawala ang anak ko.

Kaya nung araw na yun ay natauhan ako. Inilagaan ang sarili ko. Nagpakabusy ako sa pagluluto at bonding bonding sa dalwang magkapatid. Simula nung araw na yun ay pinilit ko ang sarili kong wag ng iiyak at unti-unting tagtagin ang sakit na nararamdaman ko.

End of Flasback

Masakit pa rin hanggang ngayon pero unti unti kong nakakalimutan ang sakit dahil sa mga taong kasama ko ngayon.

Si Steve nga pala ay umuwi sa Pilipinas kahapon lang. Isang linggo na pagdating ko sa Canada ay saka sumunod si Steve at dito din nanirahan kasama namin para bantayan at alagaan ako at kahapon lang siya umuwi sa Pilipinas.

"Tulala ka na naman dyan, ang anak mo wala na sa paningin mo" biglang sabi ni Liam

Nataranta naman ako at hinanap ang anak ko.

"Kaelynn, anak" tawag ko

"Ayun oh nasa likod ni Kuya" turo ni Willow kay Liam

At yun nakita ko ang anak ko na nakakapit sa tuhod nito.

"Siraulo ka Liam kahit kailan" inis kong sabi sa kanya

Binelatan niya lang ako at inirapan ko na lang siya

"Epekto ng walang Annika sa buhay niya" asar ni Willow at lumapit sa pwesto namin at binuhat so Kaelynn

"HAHAHA, broken hearted ang pota" biro ko dito

Napuno ng asaraan ang garden na yun buong araw.

I'm perfectly happy eventhough sobrang nasaktan ako sa nakaraan ko.

Asa loob kami ngayon at nilalaro namin ang aking anak ng biglang tinawag ako ni Manang.

"Ma'am Kisha may naghahanap po sa inyo" -Manang

"Sino po yun?" Mataray na sabi ni Willow

"Kaedadan ng Tito Oliver niyo, Aidan ang name" -Manang

"Papasukin niyo dito, Manang" -Liam

Maya-maya rin ay pumasok na yung sinasabi ni Manang.

"Magandang araw ho, nais ko lang maka-usap si Kisha" Kuya Aidan

"Anong kailangan mo sa kanya? Si Kyle ba nagpahanap sayo kay Kisha?" -Willow

"Willow, mas matanda yan sayo, matuto kang gumalang" sermon ng Kuya niya

"Hindi si Kyle ang nagpapahanap sa kanya ija, ang mga Arguelles" -Kuya Aidan

Kita ko naman ang pagtataka sa mga mukha nila.

"Maiwan niyo muna kami ni Kuya" sabi ko sa kanila at sumunod naman at umakyat sa taas kasama ang anak ko

"I'm a lawyer and investigator ng mga Arguelles, ija" -Kuya Aidan

"Ano pong kailangan niyo sa akin? At sino pong Arguelles?"

"Mga tunay mong magulang, ija" Nakangiting sabi sa akin ni Kuya Aidan

"Pero ang pagkaka-alam ko po ay sabi sa kin ni Tita Hildz ay may isang katulong daw ang nagdala sa kin sa BeauInno at Kisha daw ang binigay sa kin na name. Wala daw sapat na pera ang parents ko para buhayin ako."

"Ija, yung katulong na yun ay walang sapat na pera para buhayin ka, pero ang mga magulang mo ay meron kaso nga lang may naging problema kayo sa pamilya niyo kaya sa nag-aalaga sa iyo ikaw napunta" -Kuya Aidan

"Ano pong problema?" taka kong tanong

"Wala ako sa posisyon para sabihin yan, it's better na sa ina mo itanong yan" -Kuya Aidan

"Ija, gusto kong sumama ka sa akin pabalik sa Pilipinas. Kailangan ka ng mama mo ija" mahinahong sabi ni Kuya Aidan

"24 taon na akong nabubuhay na wala akong kinilalang magulang at naintindihan ko yung wala silang sapat na pera para buhayin ko pero hindi pala yun ang tunay na dahilan. Nagawa nilang hindi magpakita sa akin ng maraming taon tapos ngayon lang nila ako hinahanap kung kelan para sa akin ay patay na ang mga magulang ko" seryoso kong sabi

Nakita ko naman ang pagkalungkot kay Kuya Aidan

"Ija, gusto kong sabihin sayo ngayon kung ano ang pinagdaanan ng mga magulang mo kaso wala akong karapatan na sabihin kasi dapat kayong pamilya ang nag-uusap" mahinahon niyang sabi

"Pamilya huh? Kahit na malaking problema yun ay hindi nila ako magagawang ipamigay sa iba kung talagang mahal nila ako bilang anak nila" may diin kong sabi sa kanya

"Kung gusto mong malaman ang tunay na dahilan ay sumama ka sa akin sa Pilipinas at tanungin mo ang mama mo bago pa maging huli ang lahat" makahulugang sabi ni Kuya Aidan

Naparinig ko naman ang pagdating ng sasakyan. Siguro sila Tita Lilian na yun.

"Hindi ko na kailangang malaman pa. Lumaki ako ng walang kinikilalang magulang kaya hanggang dulo wala akong kikilalaning magulang"

"BABYYY KAELLYN. I have a pasalubong for you" sabi ni Tita Lilian pagkapasok sa loob ng bahay

Agad naman kaming nakita ni Tita.

"Aidan?" gulat na sabi ni Tita

"Lilian" napatayong sabi ni Kuya Aidan

Agad namang lumapit si Tita Lilian kay Kuya Aidan at niyakap ito at napa-iyak siya.

Magkakilala sila?

"Antagal ko ng walang balita sayo, bal. Bakit ngayon lang?" naiyak pa ring sabi ni Tita Lilian

"I'm so sorry, Lilian. Kailangan na kailangan ako ng mga Arguelles at busy ako sa work dagdag pa na hinahanap ko ang anak nila. Kaya nawala ako ng oras macontact kayo" -Kuya Aidan

"Arguelles?" -Tita Lilian

Bago makasagot si Tita ay naunahan siya ni Tito.

"Aidan" tawag ni Tito Oliver kay Kuya Aidan

"Oliver" -Kuya Aidan

"What are you doing here?" hindi makapaniwala si Tito Oliver sa presensya niya

"I'm here because of your daughter" -Kuya Aidan

"Huh? Daughter? I thought my daughter is with Aria?" takang tanong ni Tito Oliver kay Kuya Aidan

"It's a long story but I will tell you everything. What are you doing here with my twin sister's house?" takang tanong ni Kuya Aidan

"You mean? She's the one whom you are talking to me na kambal mo?" -Tito Oliver

Tumango naman si Kuya Aidan

"She's my wife" -Tito Oliver

Nakita ko naman ang pagkabigla kay Kuya Aidan

"How about Miguel? Your husband?" tanong ni Kuya Aidan kay Tita Lilian

"20 years na siyang patay" malungkot na sabi ni Tita Lilian

My Innocent Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon