Kyle's POV
Nung araw na pagka-alis na pagka-alis ni Kim sa condo ko. Ay dun sinabi sa akin ni Dad lahat ng tungkol sa nalalaman niya.
Pagkaparinig ko nung mga kinuwento ni Dad.
Hinang hina ako sa mga nalaman ko.
Bakit ko ba nagawa toh sayo Kish?
Bakit ba kita pinahirapan?
Bakit ba hindi ako naniwala sayo noon?
Wala akong ibang ginawa kundi suntukin ang pader at iumpog ang ulo ko sa pader
Kulang na kulang pa yun sa pagdudusang ginawa ko kay Kish.
Ilang araw na dito nag-iistay ang parents ko sa condo ko. Ilang araw na ding wala akong kinakain at walang tulog.
Patuloy sa pag-patak ang mga luha ko.
Tangina, nais ni Kisha na mabuo kami pero anong ginawa ko?
Sinaktan ko siya.
May kumatok sa pinto at pumasok si Dad.
"Gusto mo bang sumama sa min ngayon? Ngayon ang libing ng Mom ni Kisha" mahinahong sabi ni Dad
Tumango lang ako
"Kumain ka muna at ayusin ang sarili mo. Pagkatapos ay aalis na tayo" -Dad
Bumaba na muna ako para kumain kahit na wala akong ganang kumain ay pinilit ko.
I just want to see Kish and my daughter.
Pagkatapos kumain ay nanligo na agad ako at inayos ang sarili. I bring my shades kasi halata ang pagmumugto ng mata ko. Nag-suot ako ng cap kasi once na makita ako nila Steve, alam kong hindi nila hahayaang makita ko ang mag-ina ko.
Papunta na kami sa bahay nila Kisha.
Ilang minuto bago kami makadating doon ay may sinabi sa kin sila Dad
"Anak, ihanda mo ang sarili mo sa makikita mo" seryosong sabi ni Dad
Hindi na ako bumaba ng kotse at hinintay na umalis na kami.
Alam kong galit sa akin sila Mom and Dad dahil sa ginawa ko kaya thankful ako na sa kabila ng nagawa ko ay andyan pa rin sila sa akin para pagaanin ang loob ko.
Maya-maya ay bumalik na sila Mom and Dad kasi aalis na daw.
Tahimik ang byahe namin at dahil sa malungkot na tugtog ay umiiyak si Mom at hindi ko rin maiwasang umiyak.
Sa totoo lang wala akong karapatan na pumunta dito sa kabila ng ginawa ko kay Kisha. Wala akong karapatan.
Alam kong kasusuklaman ako ni Kisha. Alam kong hindi niya gugustuhing makita ako. Alam kong ipagtatabuyan niya ako pero wala na akong pakialam ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko lang sila.
Mga isang oras rin ay nakarating na kami. Ill remove my cap. Pumunta sila Mom malapit sa unahan at nagpaiwan ako dito sa likod.
Nung kinuha ang kabaong sa sasakyan ay nakita ko ang babaeng mahal ko na lumapit sa kabaong ng Mom niya.
Kisha
Namayat si Kisha, halata din sa kanya ang panghihina nito. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang lapitan kaso andun si Steve at inaalalayan siya.
Wala akong karapatang lapitan si Kisha dahil naging dahilan din ako kung bakit naging miserable ang buhay niya noon.
Ipinatong ang kabaong at inalalayan ni Steve na umupo si Kisha. May lumapit na batang maliit dito.
Ang anak ko.
Anak, pagaanin mo loob ng Mom mo.
Patawarin mo si Daddy sa ginawa ko sa Mom mo. Patawarin mo ako. Pinagsisihan ko na mga nagawa ko, anak. Sana, sana dumating pa rin tayo sa puntong kilalanin mo akong ama mo.
Kinuha ni Willow ang anak ko at nagpunta sa dulo upang ilayo ito sa Mom niya.
Balak ko sana silang sundan ngunit sumunod si Liam at pumasok sila sa kotse.
Mga isang oras ding nagmisa ang pari at pagkatapos ay nakita ko si Kisha ang huling inabutan ng holy water. Aalis na sana siya kaso lumingon siya kay Steve at magpapasama ito.
Dapat ako yun.
Dapat ako yung umaalalay sa kanya.
Dapat ako yung nasa tabi niya.
Dapat ako yung nagpapagaan ng loob niya.
Dapat ako yung kasama niya sa lahat.
Dapat ako yung kailangan niya at hindi si Steve.
Ito ba yung sinasabi nila Dad na kailangan kong maghanda kasi si Steve na ang kailangan ni Kisha at hindi ako?
Umaasa si Kisha na buhay pa ang Mom niya kaya dahil dun ay umiyak na din ang karamihan dito at isa na ako dun.
Kisha, wala na ang Mom mo.
Mahirap tanggapin pero kayanin mo para sa anak natin.
Inalalayan ulit siya ni Steve pabalik sa upuan kasi may sinabi pa ang pari at nung binababa na ang kabaong at lumapit si Kisha at pinipigilan ito.
Gusto kong lumapit at pagaanin ang loob mo kaso andyan nga pala si Steve para pagaanin ang loob mo.
Maya maya ay naghagisan sila ng bulaklak. At nakabalik na pala sila Willow at Liam kasama ang anak kong natutulog sa balikat ni Liam, naghagis din sila ng bulaklak at inabutan ni Steve si Kisha at kita kong ayaw ni Kisha na ihulog ito pero hinulog niya Rin.
Unti-unti ng tinatabunan ang kabaong at unti unti ng nag-aalisan ang mga tao.
Sana ako yung kayakap mo Kisha.
Sana ako yung kailangan mo at hindi siya.
Sana ako yung nasa tabi mo at hindi siya.
Sana ako yun!
Lumapit sila Mom and Dad sa akin.
"Anak, let's go, sa kotse na tayo maghintay" -Mom
Napalingon sa gawi ko si Steve at alam kong nakita niya ako at nagtataka siya kung bakit.
Aalis na sana kami ni Mom kaso napalingon kami sa gawi ni Willow na lalapit sa pwesto ni Kim?
Andito si Kim?
Siguro, anak nga pala siya ni Tita Lilian
"HOW DARE YOU NA PUMUNTA KA PA DITO" sigaw ni Willow at sinampal si Kim
"Willow Quinn" -Tita Lilian
"Bakit mo siya kasama, Mom? Bakit mo kasama ang babaeng yan na halos sirain ang buhay ng kaibigan namin" galit na galit na sabi ni Willow
Nakita kong napalingon si Steve pero si Kisha ay sa puntod ng Mom niya nakatingin.
"Willow, siya yung kambal mo" mahinahong sabi ni Tita Lilian
Nakita kong nabigla si Willow at karamihan dun na hindi pa nakaka-alam.
Ngumisi ng sarcastic si Willow
"Ohh, it's you? Sana nga lang namatay ka na. Muntik ng mamatay si Kisha sa kasinungalingan mo tapos andito ka ngayon!" sabi ni Willow at napa-upo na lang at humagulhol ng iyak.
Inaalala niya siguro yung mga araw kung kailan naging miserable si Kisha.
BINABASA MO ANG
My Innocent Maid (EDITING)
RandomSimula ng mawala ang parents ni Kisha ay napunta siya sa isang company, kung saan, nagkaroon ng maayos na pamumuhay and she is very very innocent, she doesn't experience to see the real world. But when she will become 23 years old, she's like others...