We are now heading to Manila. The trip was not boring because of Levi and Karrie. Naglolokohan at kung ano-ano pa ang ginagawa. Pagkalipas ng ilang oras ay tulog na ang iba samantalang ang iba naman ay nagsa-soundtrip.
Lumingon ako sa pinakalikod ng van para tignan si Kuya ng makita ko s'yang naka-head set at nakatanaw sa labas ng bintana na para bang malalim ang iniisip.
He's been like that for some time now.
"Noah, hanap ka ng makakainan. It's already lunch." Sabay tingin sa relo ko. Kaninang alas dyes pa kami ng umagang bumiyahe kaya naman ilang oras na rin simula no'n.
"Alright. Mc Do na lang tayo," aniya ng makita ang Mc Do signage.
"Okay," saad ko.
"Oy, mga inutil lunch muna tayo!" sigaw ni Noah dahilan para makatanggap s'ya ng mga mura dahil sa sinabi n'ya. Napailing akong umayos ng upo dahil sa kagaguhan nila.
"Gago! Ikaw ang inutil!" si Neil na kinatawa ng lahat maliban kay Kuya na parang walang pakialam.
After lunch we began traveling again and did some stop overs dahil iihi daw ang iba at bibili ng mga pagkain.
"Sa'n tayo magi-stay kapag?" tanong ko kay Noah na s'yang nagda-drive. Napag-usapan naming mag-hotel pero mas maganda sana kung may tutuluyan na lamang kami.
"We can stay on our house, maraming guestroom and I already told Papa about these," aniya at tutok pa rin s'ya sa pagda-drive kaya hindi ko na s'ya inistorbo pa.
"Babe, water please..." utos niya kaya agad ko namang kinuha ang isang mineral water sa dash board at binuksan 'yon tsaka inabot sa kanya. Ng makitang may papasalubong kaming sasakyan ay ako na mismo ang naghawak at kumuha ng straw at pinainom s'ya roon.
"Hoy! Tama na nga 'yan! Mabangga lang tayo rito Noah naku, uunahan mo pa si Yrra na makita si San Pedro," halakhak na sabi ni Neil na kinatawa naming lahat.
We never failed to have a serious time when we are together.
"Tado!" tanging sambit ni Noah.
Buong byahe ay puro asaran lang ang naganap at 'tsaka lamang tatahimik kapag tulog ang iba.
"Karrie pansinin mo na kasi si Neil," pang-aasar ni Levi na humahalakhak sa likod habang si Karrie at Neil ay 'di maipinta ang mga mukha dahil sa narinig. "'Di mo lang alam, nagpapansin 'yan," dagdag niya pa.
"Apakabobo mo Levi!" natatawang ani Noah na nakikisabay na rin kaya naman napangisi ako.
"Wow!hiyang-hiya naman kay loverboy!" balik asar ni Levi
"Gago! Apakabayot nito," si Neil at binato ng kornik sa mukha si Levi. Hindi ko naman mapigilang mapangisi na lamang.
"Hoy, makabato 'to sa mukha ko 'kala mo gwapo, eh mukha namang gago!" si Levi kaya 'di ko na mapigilang mapatawa sa sinabi niya.
He's really a joker.
"Awit p're, ako mukhang gago? E, ikaw mukhang sanggano!" bwelta naman ni Neil na mas lalong humalakhak dahil sa 'di maipintang reaksyon ni Levi.
Crazy butts indeed!
"Aba't sumosobra ata bunganga nito a!" At si Levi naman ang namato ng kornik sa mukha ni Neil
"Oy, magasgasan mukha ko, ito pa naman kinahumalingan ni Karrie sa akin,"
Murahan at kantyawan ang naghari sa buong byahe lalo na ng tignan ko si Karrie na namumula sa kinauupuan.
"Ang kapal ng mukha mo Neil!" Si Karrie na hindi makatingin kaya sinundot-sundot pa s'ya ni Maycah sa tagiliran.
"Isa Maycah! Arthur 'tong bebe mo nga patahimikin mo!"
BINABASA MO ANG
Version [COMPLETED]
Teen FictionYou are your own biggest project. It is the battle of self-improvement. Battle with your own wit and strength. Battle between decisions and sacrifices. A dark version of herself that wandered in different aspect of life. Tried putting up with the wo...