Dumagundong ang cheer ng mga taga Vet Med ng manalo sila kontra Agri.
"Next game na tayo. Warm up na tayo guys!" imporma ni Maxime sa amin. Tumayo naman ang kagrupo ko para sa drill. Hindi ko alam kung bakit ako tinatamad dahil hindi ako sumunod.
"Mariano ano na?" sigaw n'ya sa akin na kinairap ko na lamang. May sugat ako tapos pag da-divin ako? Well, hindi n'ya nga naman alam.
Buhay naman o!
"Kayo na lang!" At pinapakiramdaman ang kondisyon ng katawan ko. Katatahi lamang ng sugat ko kaya kung maaari ay ayaw ko munang maglaro.
"Anong 'kayo na lang'?" iritang sabi niya sa akin.
"Hindi naman ako first six. 'Tsaka tinatamad ako," rason ko na kinairap n'ya lang sa akin. Pinagmasdan ko si Marquez na halatang wala sa wisyo sa pagdi-drill, she's grieving so bad.
I felt a little guilt dahil ganyan din ako noong namatayan ako, but the hatred is still strong. Hindi ko kayang kaawaan pa siya ng matindi dahil kulang pa ang pinaramdam nila sa akin. I know that this is going to be the death of me. Hell will welcome me because of my doings. I am not saints and I am no longer a humane. I'm just a being because of this body.
I killed Roy Marquez for my brother and best friend. And I'm willing to do the same thing...to make all of my friends, safe.
"Okay na 'yung line up natin. Marquez, Almasan, Herrera, Salazar, Villoso and Padua," anunsyo ni Maxime. I sighed on my seat and watched my team mates gathering their confidence. Nagtataka ang mga ka-team ko ng makita akong nakaupo lang sa bench.
"Hindi si Mariano ang setter natin?" maingat na tanong ni Karrie kay Maxime sabay sulyap sa akin.
"Bench muna s'ya, 'di nag drill eh!" irita niyang sabi kaya napairap na lang ako.
Iginala ko ang buong tingin ko sa gym ng makita ang basketball team malapit sa gilid ko at ang isang taong 'yun ay mariin lang na nakatingin sa akin
Hanggang sulyap ka na lang gago! Tukoy ko kay Alder na katabi si Levi. He's wearing his number 5 maroon jersey and a black Nike sports shoes tapos sa magkabilahang tuhod ay ang supporter n'ya. His cold deep set eyes narrowed on me. I couldn't care more cuz I badly don't want to care about him.
"ENGINEERING VERSUS FORESTRY!" sigaw ng MC at sigawan lang ang namayani sa loob ng gym, unti-unti na ring napupuno ang gym para lang manood sa laro namin. Tila ang laban namin ang inaabangan ng lahat ng andito.
Yeah for sure, we have the best player when it comes to volleyball.
"Here's the drinks and snack," tukoy ni Gov sa mga dala nilang Gatorade at biscuits kaya tumulong na akong ipagilid 'yun sa tabi ng upuan namin.
"Hindi ka maglalaro?" tanong niya sa akin dahil nakasoot pa ako ng hoodie ko.
"Second set ako ipapasok," saad ko na lang ng hindi s'ya tinitignan
"Ah okay, ikaw pa naman ang hinihintay naming maglaro. Good luck!" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya. This guy is hitting on me, huh?
"Yeah," 'yun lang at 'di na ako nag-abalang tumingin sa gawi n'ya.
I can't seem to get on his vibe. Call me snob but I don't really like talking to people who have their hidden agenda. I don't entertain such moves.
Napakamot pa s'ya ng ulo bago umalis sa gilid ko.
Nag-umpisa na ang first set at maganda ang laban, as usual the Almasan and Marquez combo is our advantage to them.
Malakas ang kabilang grupo sa blocking kaya naman maingat din ang grupo namin sa bawat palo ng bola. Marquez would always drop the ball na s'yang nagpapagulo sa kabilang grupo kaya naman sa first set ay nanalo kami. Change court na at tinanggal ko na ang hoodie ko, aware of Alder's eyes staring at me ipinagsawalang bahala ko ang tingin na 'yun dahil panigurado ay susungitan ko lang s'ya 'pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
Version [COMPLETED]
JugendliteraturYou are your own biggest project. It is the battle of self-improvement. Battle with your own wit and strength. Battle between decisions and sacrifices. A dark version of herself that wandered in different aspect of life. Tried putting up with the wo...