Chapter 2: Angkan ng Villaverde

11 0 0
                                    

May lahing Espanyol ang ninuno ng mga Villaverde.

Sadyang mahihilig sa pag gawa ng alak lalo na ang alak na nagmula sa puno ng niyog.

Si Don Sebastian Villaverde ang nag iisang nabubuhay na anak ng namayapang si Don Ventura Villaverde.

Tulad ni Don Ventura, naaabot rin ni Don Sebastian ang higit pa sa isandaang taon at nakakamanghang napakalakas pa.

Kaya ang usap usapan ng mga tao'y may anting anting ang mga Villaverde kung kaya't napakahaba ng buhay na nakalaan para sa kanila.

Sa kabila ng pagiging mayaman ng mga Villaverde ay hindi sila maramot sa kung anong meron sila.

Si Don Sebastian at Donya Elenita ay bukas palad sa lahat ng mga taong naninirahan sa kanilang hacienda, maging sa buong bayan. Dinaig pa nila ang Alkalde ng buong bayan at pati na ang Gobernador ng lalawigan ay mahihiya rin sa tulong na naibibigay nila saga tao.

Napakabait ng Mag-Asawang Villaverde, binuksan din nila ang Hacienda para sa mga politikong humihingi ng tulong para suportahan ang mga nangangailangan sa oras ng kagipitan.

"Bakit hindi ninyo man lang sinibukang kumandidato bilang Alkalde ng bayan ng Villaverde, Don Sebastian" , tanong ni Mayor Dante Castillejo.

"Alkalde, mas mabuti ng tumulong at maglingkod ng walang posisyon. At isa pa, wala akong alam sa mga pagpapalakad ng batas sa bayan. Ha! Ha! Ha! Kaya nga ikaw ang napili kong suportahan at ang angkan ninyo sa loob ng mahabang taon! At Alkalde, napakalaki rin ng pagmamahal at tiwala sa inyo ng tao kaya't nananatili kayo sa puwesto!" anang Don.

"Don Sebastian, at ito'y dahil din sa kabutihang loob na ipinapakita ninyo sa buong Bayan ng Villaverde. Utang ko sa inyo, ng buong angkan ko at ng partido ko ang natatamasa naming karangyaan...

"Na marapat din nating ibalik sa kanila lalo na sa mga nangangailangan. Basta Alkalde, sa lahat ng oras bukas ang Hacienda para sa mga taong nais humingi ng tulong. Maliit man iyan o malaki basta't legal at para sa kabutihan.!

" Makakaasa po kayo Don Sebastian, Donya Elenita ! Uuna na po ako at marami pa akong aasikasuhin sa Munisipyo! , paalam ng Alkalde.

"Ina, Ama, maari po ba akong pumunta sa pagawaan ng langis ?" paalam ng isang batang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Oh Gabriel, gising ka na pala. Talagang napapadalas ang pag gawi mo sa pagawaan ng langis" ani Donya Elenita.

"Hayaan mo na si Gabriel, balang araw ay siya rin naman ang magpapatakbo ng lahat ng negosyo natin. Ayaw mo noon, bata pa ay may pakialam na siya sa ating mga pagawaan. Sige anak, basta't mag iingat ka. Huwag kang pasaway sa mga bantay mo. ", sambit ni Don Sebastian.


"Ikaw talaga Sebastian, masyado mong nilalayaw iyang si Gabriel. At napakabata niya pa para sa mga negosyo. Isa pa malakas pa naman tayo lalong lalo ka na hindi halata sayo ang edad na Singkwenta! Ha! Ha! Ha! --- Donya Elenita.

"Ikaw Elenita hah, pati edad ko pinakikialaman mo na naman! Ha! Ha! Ha! Naisip ko lang Elenita bakit kaya hindi natin sundan si Gabriel upang pagtanda niya'y may makasama siya.--- Don Sebastian.


"Gustuhin ko man Sebastian subalit alam mo ang kalagayan ko. Hindi na ako pwedeng magdalantao pa! Maari ko iyong ikamatay. Ngunit kong iyon ang ninanais mo'y gagawin ko ang lahat para sa pinakamamahal ko!--- Donya Elenita

"Shhhhhhh.... Mahalaga kayo pareho sa akin ni Gabriel. Hindi ko makakaya kung may mawawala isa man sa inyo.----- Don Gabriel


"Ako rin man, Sebastian. Hay naku!!! Ano ba itong usapan natin.Halika na nga at kanina pang nakahanda ang pagkain. Ano ba naman kaya iyang si Alkalde ay hindi muna nag almusal sayang pa naman ang ipinahanda kong mga almusal. ---- Donya Elenita.


La Tres BastardaWhere stories live. Discover now