"Sinong nagluto nito? Sinooooo?---- Lady V
"Ah ! Eh ! Lady V, si Elsa po!---- Yaya Huleng
"Elsaaa! Pumarito ka! Lalasunin mo ba ako? Anong inilahok mo sa Morcon? Impertinyente! Hayop ka ! Ubusin mo ang lahat ng ito! Tatanga- tanga ka!---- Lady V
"Lady V, tama na po! Huwag po Maam parang awa niyo na po! --- Elsa
"Ngangaaaa! Sige ubusin mong lahat yan! Huleng iabot mo sakin iyong kumukulong sinigang diyan sa kitchen , biliiiisss! Tingnan natin kung makapagreklamo ka pa!---- Lady V
Rinig na rinig nina Elizabeth at Klara na nagkakagulo sa loob ng bahay. Nasa Forbidden Garden sina Elizabeth at Klara ng mga sandaling iyon. Tumakas lang sila upang ipakita ni Klara ang hardin kay Elizabeth dahilan sa abala ang lahat sa pagkain.
Kitang kita ni Elizabeth kung paano ipagsupakan ni Lady sa kanyang kapatid ang mga pagkain. Awang awa rin siya sa kapatid ng makita kung paano ibuhos ni Lady V ang kumukulong sabaw sa bibig ng kapatid.
"Huwaaaag! Lady V! Maawa ka sa kapatid ko! Huhuhuhu! Para mo ng awa!--- Elizabeth
"Lady V, maawa po kayo kay Elsa!--- Klara
"At anong ginagawa niyo rito? Hindi ba't pinalilinis ko sayo Klara ang buong Grand Venue Hall at ikaw Elizabeth ang pool! Malilintikan kayong lahat sa akin!---- Lady V
"Ma, itigil mo na yan! Nakakawalang gana! Aalis na ako! --- Elvrid
"So freaking maids! Mga bobo!--- Astrid
"Mukhang sa LV Jewels na naman ako mag aalmusal! Umalis nga kayo sa harapan ko! Baka mas matindi pa ang abutin ninyo sa akin!--- Ingrid
Hindi pa nasiyahin si Lady V sa ginawa kay Elsa. Kinaladkad pa niya ito papuntang lababo at tuluyang ipinagngudnguran ang mukha rito.
Walang nagawa si Elizabeth at Klara kundi ang manikluhod at umiyak kay El Veyra.
"Sa susunod. Ayusin nyo ang trabaho niyo! Alam naman ninyo ang ayaw ko sa lahat e yung tatanga tanga. ---- Lady V
Inakay nina Klara at Elizabeth si Elsa patungo sa kanilang silid sa likod ng palacio. Ginamot nila ang mga natamong sugat nito.
"Sa susunod kasi huwag masyadong magpabida. Hindi naman pala maalam magluto ng Morcon. Tse--- Yaya Huleng
"Tama na Yaya Huleng! Hindi kayo nakakatulong! Kumusta na pakiramdam mo, Elsa?---- Elizabeth
"Huwag mo akong intindihin Ate! Kaya ko ang sarili ko! Bumalik na kayo sa trabaho niyo! Di bale! Sa dami ng isinupak sakin ni Lady V e nabusog ako! Ha! Ha! Ha!--- Elsa
"At nagawa mo pa talagang magbiro sa lagay na iyan! Maiwan ko na kayong magkapatid. Malawak pa lalampasuhin ko sa GVH.--- Klara
Pinuntahan ni Lady V si Klara sa GVH upang tingnan ang trabaho nito. Hindi nito napansing madulas ang sahig kaya nangadulas ito.
"Klaraaaaa..... Impertinyente! --- Lady V