Kararating lamang ni Don Sebastian sa pamamasyal mula sa kanyang mga pagawaan. Maghapon siyang nag uli at ininspeksyon ang pagawaan ng langis at alak. Doon umiikot ang buhay ng matanda. Kahit siya ay umabot na ng isang siglo ay hindi niya ito pinapansin. Pilit siyang nagpapalakas sa harap ng mga kanyang ka negosyo at trabahante.
Hindi naman ipinaalam ni Gabriel sa Ama na ngayong araw ang balik niya ng Pilipinas. Nais niyang sorpresahin ang Ama at ang buong Villaverde. Sa loob ng higit dalawampung taon na pamamalagi sa Espanya ay naninibago siya sa dinaraanan niyang lugar.
Napakalaki na ng ipinagbago ng Bayan ng Villaverde. Napakarami ng establisyemento sa lugar. Mga Amusement Park, Resorts, Hotel at kung ano ano pang magagara at kaakit akit na pasyalan. Namangha rin siya sapagkat dinarayo na nga pala talaga ito ng mga turista at bakasyunista.
Sakay ng kanyang High Class Black Tiger Lamborghini na kasama niyang lulan sa kanyang private plane ay siya mismo ang nagmaneho nito. Alam niyang sa airport pa lang ay pinagmamasdan at pinagtitinginan na siya ng mga tao. Manghang mangha sila sa ibinababang mamahaling sasakyan. Halos lahat ay naiintriga kung sino ang may ari noon. Sa palagay ni Gabriel sa mga sandaling iyon ay siya pa lamang may ganung uri ng sasakyan sa Pilipinas.
Habang binabagtas niya ang kahabaan ng daan patungo sa kanyang sariling bayan ay naglalaro sa isip niya kung anong magiging reaksyon ng Ama at ng mga taong madadatnan sa Mansion.
Limang Oras rin ang inabot ng viaje ni Gabriel. Natagalan ang viaje niya sapagkat nawili siya sa daan. Naengganyo siyang pagmasdan ang mga palayan. Ang mga malalawak na taniman. Ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Ang mga batang masasayang naglalaro sa ilalim ng sikat ng araw.
Bigla niyang naalala ang mga araw na siya ay masayang nakikipaglaro sa mga kapwa bata. Inggit na inggit siya sa mga ito. Dahil sa Espanya ay hindi siya nakakapaglaro ng ganito. Tutok sa pag aaral at sa karangyaan umiikot ang mundo ng mga tao.
Mabuti na lamang at may Renante at Sergio siyang nakakalaro sa tuwing naisin niya. Hindi rin naiwasang magbalik sa kanyang alaala ang pagkakaroon ng kapatid na hindi nagkaroon ng katuparan kaylanman.
Naunang dumating sa mansyon si Don Sebastian. Nakahanda na ang hapunan ng siya ay pumasok. Tulad ng nakagawian, magpapatimpla lamang siya ng tsokolate at ang mga kasama lang sa bahay ang uubos ng mga nakahandang ito.
Pagdating ng sasakyan ni Gabriel sa harap ng kanilang mansyon ay hindi agad makapaniwala ang gwardiyang nagbabantay doon. Manghang mangha siya sa sasakyang pumarada sa tapat ng Mansyon na nakaakmang papasok sa kalakhan ng bakuran.
"Magandang hapon po, ano po ang inyong kailangan Sir?---- Gwardiya
"Magandang hapon din po! Ako po ito si Gabriel! Ang nag iisang anak ni Ama---- Gabriel
"Señor Gabriel???? Kayo na po ba iyan???? Naku paumanhin po hindi ko kayo nakilala! Ako po ito si Reynaldo! Ang inyong kababata! Anak ni Tatay Erning !--- Gwardiya
"Reynaldo? Ikaw na ba iyan? Ang kalaro ko sa pagawaan ng langis na nahulog sa puno ng mangga noong naglalaro tayo ng taguan? Naku Reynaldo! Kumusta ka na? Buksan mo na muna ang tarangkahan ng ako ay makapasok. Marami tayong pag uusapan. Teka? Nariyan ba si Ama?---- Gabriel
"Opo Señor Gabriel nariyan siya! Tamang tama kararating lang niya! Tiyak naroon iyon sa taas. Sa paborito niyang puwesto. Nanonood na naman ng paglubog ng Haring Araw sa Kanluran----- Reynaldo