Hindi makapaniwala si Senyang na muli siyang dadalawin ni Gabriel. Batid ni Senyang na ang pakay ni Gabriel ay makapagpasalamat ng personal sa kanyang ama dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya. Subalit paano ipapaliwanag ni Senyang kay Gabriel ang mga pangyayari.
"Oh Senyang Kumusta ka na? Buntis ka na pala? Nasaan si Mang Gaspar? Si Pitoy? At ang asawa mo? Ang ama ng batang iyan?---- Gabriel
"Señor Gabriel maupo ka muna! Kumusta ka na?--- Senyang
"Eto ganun pa rin! Natutuwa ako Senyang at magkakaanak ka na rin!----
" Na rin??? Bakit? Buntis rin ba ang asawa mo Señor Gabriel?----
"Magaling Señor Gabriel at nagawa mo pang magpakita sa bahay ko at kay Senyang matapos mo siyang mabuntis---- Mang Gaspar
"Itay, maghunos dili kayo. Nakakahiya kay Señor Gabriel----
"Mahiya? At tayo pa ba ang dapat mahiya? Hoy! Señor Gabriel! Kahit mayaman ka at mahirap kami hindi ninyo dapat kami tinatrato ng ganito. Matapos kitang tulungang iligtas ang buhay mo ay ito ang gagawin mo sa anak ko? Gagawin mong disgrasyada? Paano mo pananagutan ang buhay sa sinapupunan niya?-----
Sindak na sindak si Gabriel sa kanyang nasaksihan. Pagpasok pa lamang ng bahay ni Senyang ay iba na ang kanyang pakiramdam. At ng makita niyang malaki na ang tiyan ni Senyang at nalamang nagdadalantao ay lalo rin niya itong ikinagulat. Subalit ang labis na ikinabigla niya ay ang mga tinuran ni Mang Gaspar na sa siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ni Senyang. Na nagbunga ang kanilang isang gabing pagsisiping.
Hindi makapagsalita si Gabriel sa natuklasan. Gulong gulo ang isip niya. Hindi niya alam kung paano lulutasin ang problema. Hindi niya maaaring ipalaglag ang bata. Hindi rin naman niya maaaring pakasalan si Senyang at mas lalo niyang hindi pwedeng ipagpalit ang tatlo niyang anak sa sinapupunan ni Belinda. Iisa lang nasa isip niya. Hindi ito maaaring malaman ni El Veyra.
Hindi alam ni Gabriel kung paano magsasalita sa harap ni Senyang at ni Mang Gaspar. Pinilit niyang maging mahinahon at magalang sa harap ng mga ito.
"Aaminin ko pong may nangyari sa amin ni Senyang subalit hindi ko akalaing magbubunga ito. Ngunit hindi ko po maaaring pakasalan ang anak ninyo dahil kasal ako sa asawa ko at kamiy magkakaroon na rin ng anak. Nakahanda naman po akong tustusan ang kanyang pangangailangan. Hanggang paglaki niya. Handa rin akong ibigay ang aking pangalan sa kanya. Subalit hindi ko po makakayang ibigay ang kasal kay Senyang. Sa iyo Senyang----
"Batid kong sa simula ay mag asawa ka na Señor Gabriel. Kagustuhan ko rin naman ang nangyari. Nagpadala ako sa labis na pagtingin at pagmamahal ko sa iyo. Kaya kong buhayin ang magiging anak natin. At ayaw ko rin namang makasira ng pamilya lalo na ang pamilya mo. Ako na ang bahalang magpalaki sa bata at magpaliwanag sa kanya balang araw.!-----
"Pero Senyang, paano ang bata? Hindi habambuhay ay maitatago mo sa kanya ang lahat. Maghahanap ng isang ama iyan at walang hindi ako ang ipakikilala mo. ----
"Bahala na Señor Gabriel. Ngayon pa lamang ay pinuputol ko na ang ugnayan ko sa iyo. Makikita mo rin naman ang bata, ang anak natin pagdating ng araw. Kapag magiging maayos pa ang takbo ng lahat!-----
Umalis na lumulutang ang isip ni Gabriel. Hindi niya alam kung tutungo siya mansyon o kay Belinda para bisitahin ito. Halos magkapanabay lamang ang buwan ng pagbubuntis ni Senyang at Belinda. Pitong buwan na ang nasa sinapupunan ni Senyang samantalang anim naman kay Belinda. Hindi lubos akalain ni Gabriel na magiging ama siya ng maraming sanggol at ang masaklap lamang nito ay may magkaibang ina.