Chapter 11: Pagbabago

2 0 0
                                    


"Anong sabi ko sa iyo? Hindi ba't ayaw kong tinatawag akong Señora? Pumarito ka at ng magtanda ka!-----


"Huwag po Lady V, maawa po kayo. Hindi na po mauulit. Huwaaaggg po-----


"Talagang sisiguraduhin ko sayong hindi na mauulit dahil sa mga siling ipapakain ko sayo tiyak magtatanda ka na. Ha! Ha! Ha!----


"Kayo?? Anong itinitingin tingin ninyo? Gusto rin ba ninyong kumain ng sili? Hala magsibalik kayo sa trabaho! Umagang umaga sinisira na ninyo ang araw ko!---

Unang araw pa lamang ni Lady V sa mansyon ay nakatikim na agad ang kanilang kusinera ng kanyang kamandag. Sumagot lamang ito sa kanya ng , Opo Señora ay nanggaliiti na ito sa galit.

"Hello, Jesha! Gusto ko before 8 ay nandito na kayo sa Bahay. Kilala mo naman ako. Ayaw kong ako'y pinaghihintay! Napakarami kong gustong ipaayos at ipabago sa mansyong ito. Gusto kong magmukha itong Palacio. Not a typical palace you've seen in movies or what. ----


"Nemen, Lady V. Hindi naman ako bombels na interior designers noh? Opppsss! Sorry! On the way na kami ni Marz Sherry!---



Pagdating ng mga Interior Designers at Landscape Experts na hinire ni Lady V ay nagsimula na siyang ilatag sa mga ito ang nais niya. Unang una sa pinagawa niya sa mga ito ay pagpaplano ng isang magandang Grand Venue Hall at ang napili ng mga ito ay ang Veranda. Alam ni Lady V na napakahalaga ng ala ala ng Veranda para sa mga Villaverde kaya pabor na pabor sa kanya  ang pagpapasira at pagpapatagkal nito.



"Hindi ninyo maaaring ipasira o ipagalaw ang Veranda Lady V. Para narin ninyong binastos si Señor Gabriel niyan. Mahalaga para sa namayapang Donya Elenita  ang Verandang iyan---- Corazon




"Tumahimik ka nga diyan, pakialamerang matanda. Wala ng magagawa si Gabriel , nasa ibang bansa siya. At isa pa, para sa kapakanan ng mansyon ang iniisip ko. Ayaw ko namang dadatnan ng mga bago kong business partners and clients ang mansyon ng ganito ang ambiance. Gusto ko rin ng malawak na pagdarausan ng mga parties and events ko!---- Lady V


Wala ng nagawa ang mga tao sa bahay. Hindi rin nila magawang tumawag o magsumbong sa Señor Gabriel nila sapagkat napakahigpit ng kanilang amo. Nagdagdag rin ito ng mga bagong katulong.




Mga katulong na nakamatyag sa mga kasambahay ng mga Villaverde na oras oras ay nagsusumbong sa kanilang among si Lady V.



Kinabukasan ring iyon ay dumating ang mga materyales fuertes na gagamitin sa pagsasagawa ng Grand Venue Hall ng Mansyon. Tuluyan ng nasira ang Veranda.




"Gusto ko sa loob ng dalawang linggo ay matapos ang lahat ng iyan. At hindi na ako makapaghintay na idaos ang aking Welcome Party para sa sarili ko! Kung kinakailangang damihan ang trabahante , at kung kinakailangang walang matutulog ay walang matutulog. Nagkakaintindihan ba tayo?----




Pinuntahan na rin ni Lady V ang pagawaan ng Langis, sumunod ang pagawaan ng alak, ang pagawaan ng de lata at maging ang rancho!


"Sa lahat ng mga trabahante rito! Magtatakda ako ng mga bagong patakaran sa Hacienda at sa pagawaan. Gusto kong malaman ninyo na sa akin na ipinamamahala ni Gabriel ang buong Hacienda. Abala siya sa ibang bansa sa maraming bagay. Gusto ko ring malaman ninyo na mula ngayon ay ako lamang ang susundin ninyo, Maliwanag?----




La Tres BastardaWhere stories live. Discover now