Chapter 29: Katotohanan

1 0 0
                                    

Kinabahan sina Klara ng marinig ang papalapit na pagbaba ng isang chopper. Nawala lamang ang kanilang kaba ng makita kung sino ang lulan ng chopper. Pero nagulat sila ng makitang kasama ng magkakapatid na Llamanzares ang mga anak ni Lady V!


"Bakit kasama niyo sila? Anong ginagawa ng mga iyan dito!?---- Klara

"Sandali Klara! Magpapaliwanag kami! Doon tayo sa kwarto at baka may makakita sa atin!---- Aaron

"Mga hayop kayo! Anong ginagawa niyo rito? Pinapunta ba kayo ng Mama niyong demonyo rito para ipapatay kami! Uunahan na namin kayo!--- Elizabeth


"Eliz! Huwaag! Bitawan mo iyan! Makinig muna kayo! Nandito sila para tumulong!--- Klyde

"Bakit Klyde? Nabilog na rin ba ng mga ito ang ulo mo? --- Eliz

"Eliz! Makinig ka muna pwede!--- Klyde


Mabuti at napigilan ni Klyde si Elizabeth nang akmang sasaksakin nito si Astrid. Galit na galit parin ito sa mga kademonyohan na ginawa ng mga ito sa kanila.


"May ipagtatapat sila sa inyo! Katotohanang matagal na dapat ninyong nalaman!---- Aaron


"Katotohanan? O panibagong kasinungalingan?!---- Elsa



"Totoo ang sinasabi ni Aaron! Naparito kami upang humingi ng tawad sa inyo. Hindi lang iyon gusto naming malaman ninyong kasama niyo kami para pagbayarin si Mom sa lahat ng kasalanan niya. Lalong lalo na sa pamilya niyo. ---- Elvrid



"Totoo ba ang sinasabi mo Maam Elvrid? Aaron? Anong ibig sabihin nito!?--- Klara



"Ipinagtapat na nina Elvrid sa amin ang tungkol sa tunay ninyong pagkatao kaya bigyan niyo sila ng oras na makapagpaliwanag!--- Klyde



"Tunay na pagkatao? Anong mga pinagsasasabi ng mga ito?!--- Elizabeth



"Eliz, hindi ninyo tunay na ama ang amang kinalakhan ninyo. Anak kayo ni Papa sa inyong Ina. Nang mamatay ang Papa ay ipinahanap kayo ng Mom upang maltratuhin at papirmahin sa mga papeles na nagpapatunay na isinasalin niyo sa kanya ang lahat ng kayamanang ipinamana sa inyo ng Papa! Bukod pa rito ang mga ipinapatay ni Mom na sinasabi sa inyong gustong pumatay sa inyo ay mga inutusan ni Papa para hanapin kayo at ibigay ang kayamanan na dapat sa inyo!---- Astrid



"Kasinungalingan! Isang malaking kasinungalingan! Huwag na ninyong idamay sina Inay at Itay . Patay na sila! Ipinapatay ng demonyo niyong Ina!---- Elizabeth



"Ikaw naman Klara. Ikaw ang kauna unahan at panganay na anak ng Papa. Bago kami isilang ay nagkaroon na siya ng anak sa isang babae sa labas ng bayan ng Villaverde. Iyon lamang ang impormasyong nabanggit sa amin ni Mom!--- Elvrid



"Ibig sabihin! Si Señor Gabriel Villaverde ay ang aking ama at kung totoo ang sinasabi ninyo ay mga kapatid ko sina Elizabeth at Elsa? Ganun ba? Mam Elvrid?!---- Klara



"Hindi lang sila Klara! Pati kami! Magkakapatid tayong lahat. Tayong anim! Kaming tatlo ay lumaki rin sa isang kasinungalingan. Hindi si Mom ang nagdala sa amin sa sinapupunan niya. Naghire sila ng surrogate mother na siyang magdadala sa amin noong kami'y mga nasa tiyan pa lamang. Kaya siguro nagawa ng Papa na lokohin ang Mom at humanap ng iba.--- Ingrid



Hindi makapaniwala sina Klara, Elizabeth at Elsa sa ipinagtapat ng mga anak ni Lady V. Nag iiyak silang lahat na nagyakapan.


"Ang saya ninyong panooring magkakapatid! Payakap nga sa inyong lahat!---- Aaron


La Tres BastardaWhere stories live. Discover now