Chapter 7: Fencing

2 0 0
                                    


Mabilis na lumakad ang panahon simbilis ng pagbabago sa buhay ng munting paslit na si Gabriel. Mabilis siyang nakapag adjust sa buhay niya sa Espanya. Maganda ang ipinakitang pakikisama at pakikitungo niya sa kanyang mga kinalakihang pamilya at ganun din naman sila kay Gabriel dahil malaki rin ang utang na loob nila sa mga magulang nito.


Sa pamamalagi ni Gabriel sa Espanya sa loob ng napakahabang panahon ay makikitang isa na siyang ganap na mayaman at maipagmamalaking tao sa sinilangan niyang bayan. Napakahusay niya sa iba't ibang larangan maging sa pakikisalamuha sa tao. Subalit kahit siya ay lumaki sa Espanya hindi nawala sa kanya ang ugali at katangian ang pagiging mabait at mapagpakumbaba. Hindi nawala sa kanya ang manang ugali sa kanyang nasirang Ina.

Laging pabalik ng Pilipinas ang mga paa ni Gabriel subalit ni minsan ay hindi ito natuloy. Si Don Sebastian ang madalas bumisita kay Gabriel sa Espanya. Subalit ito ay nahinto nang nakakaramdam na ng panghihina ang matanda dahilan na rin sa katandaan. Nalungkot si Gabriel sa naging kalagayan ng Ama kaya't minabuti na niyang umuwi ng Pilipinas.


"Hindi ka pa maaaring umuwi ng Pilipinas, Gabriel. Hindi mo pa natatapos ang isang kurso mo. Magagalit lamang sa iyo si Kuya Sebastian----- Auntie Tranquilla



"Pero Mama Quilla, kailangan ako ni Ama sa Pilipinas. Wala nang mag aalaga sa kanya. ---- Gabriel


"Gabriel, nakausap ko si Kuya Sebastian. Wala siyang sakit na dinaramdam. Sadya lamang na dahil sa edad niyang isandaan ay nanghihina siya. Tinawagan ko rin ang mga kasama sa bahay, si Yaya Corazon. Sinabi nilang maayos naman ang karamdaman ni Ama mo.Kaya wala kang dapat ikabahala. Dalawang taon na lamang naman ay matatapos na ang ikatlong kurso mo rito sa Espanya-----


"Ano pa nga bang magagawa ko, Mama Quilla!? Mabilis lang naman ang dalawang taon. Sa Pilipinas ko rin naman pakikinabangan ang lahat ng pinagpapaguran ko rito sa Espanya
Mahina na si Ama kaya kailangang sa mansyon nalang siya. Ako na ang magpapalakad ng buong Hacienda at pagawaan ng mga produkto sa Pilipinas.----





Tatlong kurso ang kinuha ni Gabriel sa Espanya. At dalawa sa mga ito ay tapos na.


Nakuha na niya ang pagiging Vetmed, ang doktor ng mga hayop. Dahil para sa kanya ay bihira lamang ang ganito sa Pilipinas at walang Beterenaryong eksperto sa kanilang Hacienda, patuloy na rin namang lumalago ang kanilang bakahan, kambingan at tupahan.



Magkapanabay na kinuha ni Gabriel ang kursong May kinalaman sa pagtitimpla ng alak partikular na sa serbesa at brandy. Gusto niyang matutuhang gumawa ng alak na magmumula sa kanilang produktong mga punongkahoy. Dangan nga lamang at hindi tumutubo sa Hacienda ang ubas kaya't hindi niya pinagtuunan ng pansin ang paggawa ng mga wines at champagne. Batid niya rin pating mas malaki ang kikitain ng hacienda kung makapagpo produce at makakapag export sila ng kakaibang alak.



At ang huling kurso na kinukuha niya ay Automotive Engineering. Sadyang mahilig sa mga sasakyan itong si Gabriel at katunayan ay may lima siyang sasakyan sa Espanya at ang tatlo sa mga ito ay ipinauna na niya sa Pilipinas dahil nasasabik na siyang umuwi rito. Nais niya ring maging mabilis ang takbo ng gawain sa hacienda kaya pinag aaralan niya kung paano at anong mga uri ng teknolohiya at makinarya ang kailangan sa hacienda.



Kahit nasa ibang bansa ay hindi nakakalimutang kumustahin ni Gabriel ang kalagayan ng mga pagawaan nila sa Pilipinas. Napakaraming plano ni Gabriel para sa mga ito. Kaya't maging ang mga tauhan nila sa Pilipinas ay nasasabik na ring makita ang kanilang Señor Gabriel.




"Kuya Gabriel, may Fencing Tournament daw mamaya sa Plaza Isabel. May isang mahusay na dayuhang galing Amerika na nais makipaglaro sa mahusay na manlalaro ng Fencing dito sa Espanya. Alam naman nating ikaw ang mahusay sa larangang ito----- Sergio



La Tres BastardaWhere stories live. Discover now