Chapter 25: Ganti

1 0 0
                                    

"Sir Aaron, may tawag po kayo! Klara daw po.----- Lea




Dali-daling iniwan ni Aaron ang kanyang ginagawa sa opisina at agad na sinagot ang tawag mula kay Klara.



"Oh Klara?! Napatawag ka?! Kumusta na!?--- Aaron


"Aaron! Maaari bang makahingi ng pabor!? Maaari ba tayong mag-usap? Importanteng bagay lamang ito.---- Klara



"Ah sige, Klara! Kailan mo ba gusto? Pero? Akala ko ba hindi ka makakalabas diyan sa mansyon?!---- Aaron



"Madalas wala ang mag iina dito sa mansyon. Tatawagan na lamang uli kita kapag libre akong makatalas sandali. Maraming Salamat!---- Klara



Naglakas loob na si Klarang gumamit ng telepono. Sinamantala niyang walang nakakita sa kanya. Buo na ang kanyang loob na makatakas sa mansyon kasama ang kambal na sina Elizabeth at Elsa.



Si Aaron lamang ang maaari niyang pagkatiwalaan at hingan ng tulong. Natitiyak niyang anumang sandali ay mayroong nagbabadyang panganib sa kanila sa mansyon.



"Lady V. We have a surprise for you! Nasa LV Sanitizing Area !--- Nympha


"Siguraduhin niyong masosorpresa ako sa bagay na iyan!--- Lady V


Nagmamadaling umalis sa LV Casino Royale si El Veyra at tinungo ang sinabing lugar ng kanyang mga LV Angels.



"Mga hayop kayo! Bitawan niyo ako! Pakawalan niyo ako. Sino ba kayo? Ano bang kasalanan ko sa inyo!?---- Glacy


"Sa amin wala! Pero sa amo namin meron! Ha! Ha! Ha! Oh nariyan na pala siya!---- Stella



"Tagkalan niyo siya piring! Nariyan na si Lady V!---- Glaira


"So ikaw pala ang tuta ni Veronica! Ang lakas naman ng loob mong banggain ako!--- Lady V



"Hindi ko alam na mahilig ka rin sa aso, El Veyra. Maraming maraming aso. Kaya pala nangangamoy dog food. --- Glacy



"Kami ba ang tinutukoy mo! Hayop ka! --- Elena


Isang malakas na sampal ang inabot ni Glacy mula kay Elena.



"Ha! Ha! Ha! Masyado kang mainit Elena. Pero alangan namang palad mo lang ang dumampi sa mukha nitong tuta ni Veronica. Angels, it's your turn. Papayag ba kayong tawaging aso ng babaeng ito!---- Lady V



Isa isang pinagsasampal ng mga LV Angels ni El Veyra ang kawawang si Glacy. Ito ang dinampot ng mga LV Angels ng wala silang makitang may kinalaman sa pangongopya sa mukha ni El Veyra ng gabing nangyari ang malaki at maingay na iskandalo sa party ni Veronica.





"Mga hayop kayo! Siguraduhin niyo lang na papatayin niyo ako dahil kung hindi ako ang papatay sa inyo!---- Glacy



"Oh! Ang tapang! Iyan ang gusto ko yung parang tigre kung magalit! Di ba Angels! Ha! Ha! Ha! Hindi ako pumapatay ng walang thrill! ---- Lady V


"Ano bang gusto mong mangyari El Veyra? May gusto ka bang malaman mula sa akin?! Tungkol ba sa pag e iskandalo mo sa party ni Doña Veronica?! Oo! El Veyra! Ako ang may pakana noon! Ano masaya ka na?!--- Glacy





"Ah? Talaga ba!? Nakakagulat naman! Ha! Ha! Ha! Ang bilis mo naman mg confess! Nagmamadali ka bang makita si Kamatayan! Hayop ka! Sinong kasabwat mo? Sino!? Bukod sa demonyo mong amo!?---- Lady V





La Tres BastardaWhere stories live. Discover now