Tulad ng inaasahan, hindi na kasing saya at galak ang paskong nararanasan ng lahat sa loob ng Mansion ng Villaverde. Halos isang buwan na rin ng pumanaw ang Donya Elenita. Siya kasi ang punong abala sa tuwing sasapit ang kapaskuhan."Naku kung buhay lamang ang Donya Elenita ay tiyak sariwang mga Poinsettia ang nakapalibot sa buong bahay. --- Yaya Erlinda
"Tama ka riyan Erlinda! Kaya kailangang bukas na bukas rin ay mamili ka na ng Poinsettia. Lahat ng klase ay bilhin mo. At huwag kalilimutang gawing maganda lagi ang Veranda at ang Hardin . Iyon ang bilin ng Don Sebastian.--- Yaya Corazon
"Huwag nating hayaang maging malungkot ang Pasko natin sapagkat hindi iyon kagustuhan ni Donya Elenita--- Yaya Ligaya
"Bukas ay bisperas na ng pasko. Ano kayang mga ipahahanda ni Don Sebastian? Tulad pa rin kaya ng dati? Mga iba't ibang klase ng Hamon de bola, lechon de leche at marami pang iba!---- Yaya Belen
"Oo Yaya Belen! Tulad pa rin ng dati! Parating ang mga Pinsan ko Mula sa Espanya at Italya. Dito raw napili nilang magpasko sapagkat hindi sila nakauwi noong namatay ang Donya ninyo. Siguruhin ninyong hindi mawawala sa hapag ng Noche Buena ang nakagawiang handa natin! Sa Veranda muli ang salo salo!---- Don Sebastian
Ang paparating na kapaskuhan ay ibang iba sa paskong nararanasan ngayon sa loob ng mansyon. Napakalungkot nito kumpara dati.
Mag isa lamang sa kwarto si Señor Gabriel bagamat tanggap na niyang wala na ang Ina ay nalulungkot pa rin ito sa tuwing maaalala ang ganitong uri ng okasyon na wala palaging kasama si Donya Elenita.
Mismong Araw ng Bisperas ng Pasko nagsidatingan ang dalawang Pinsan ni Don Sebastian.
Si Señora Tranquilla at Kanyang Asawa na si Señor Zalasar De Morga pati na ang dalawang anak nitong lalaki na halos kahalubaybay ni Gabriel, sina Señorito Renante at Señorito Sergio. Ang Mag anak na De Morga ay naninirahan sa España.
Sumunod na dumating sa Mansyon ang isa pa niyang pinsan na si Señor Celestino Aragon pati ang may bahay nitong si Señora Marianna at dalawa ring anak na sina Señorita Marcella at Señorito Juancho.
Malapit rin sa puso ng namayapang Donya ang dalawang pinsan ni Don Sebastian. Hindi nila maiwasang maluha ng magtungo sila sa Hardin at bisitahin ang puntod ni Donya Elenita.
"Sayang Ate, hindi ka namin naabutan. Malalaki na ang mga pamangkin mo ohh. Huwag kang mag-alala may makakalaro na si Gabriel mo. Hindi namin siya pababayaan---- Señora Tranquilla
Nang araw na iyon ay ipinasyal ni Don Sebastian ang kanyang mga Pinsan at pamilya nito sa buong Hacienda. Sinariwa nilang lahat ang mga alaala sa bawat bahagi ng Lupain. Ikinuwento nila sa mga bata ang kanilang paglalaro sa napakalawak na lupain ng Villaverde.
Tuwang tuwa naman si Don Sebastian sapagkat iba ang nakikita niya kay Gabriel. Bumalik na ang dating sigla nito. Nakikipaglaro na sa kapwa niya bata.
"Halos isang buwan ng hindi tumatawa at nakikipaglaro iyang si Gabriel. Salamat at nakikita ko na muli ang sigla sa kanyang mga mukha. Sana ay tuloy tuloy na ang kanyang pagiging masaya!--- Don Sebastian
"Sabik sa kapatid iyang si Gabriel, pinsan, kaya ganyan siya. Paano kaya kung isama namin siya sa ibang bansa at doon na mag -aral? Total ikaw naman ay abala sa pagpapatakbo ng Negosyo----- Señor Celerino
"Iyan rin ang naiisip ko pinsan. Kahit noong buhay pa si Elenita ay lagi akong wala sa mansion. Buong araw ay nasa Hacienda at naglilibot ako sa bayan . Hindi ko pinababayaan ang takbo nang pagawaan ng langis at alak, maging ang iba pang negosyo. ----