Chapter 1: Bayan ng Villaverde

14 0 0
                                    

Hindi maikakaila ang yaman at ganda Ng Bayan Ng Villaverde. Sagana sa iba't ibang uri ng bungangkahoy, bulaklak at iba pang uri Ng halaman.

Halos lahat Ng mga halamang makikita rito ay nagagawang i-export ng mga namamahala at napagkakakitaan.

Sikat ang Bayan ng Villaverde sa produksyon ng alak at langis na nagmumula sa niyog at iba pang bungangkahoy.

Mahuhusay ang mga ekspertong nagtatrabaho dito at ang mga trabahante ay disiplinado, mabilis sa pag gawa at hindi nagsasayang ng oras.


Napapalibutan ng ilan pang malalaki at mayaman ring bayan ang Bayan ng Villaverde subalit kakaiba ang Bayang ito sapagkat natatangi ang katangian nito na hindi makikita sa ibang karatig bayan.


Mula sa namumuno sa bayan , sa mga negosyante at maging sa pamumuhay ng mga tao.

Ang mga karatig bayan ay pinangingilagan ang Bayan ng Villaverde , mahigpit ang makapagpasok ng produkto at lalo na ang mga taong nais makapasok sa bayang ito ay tila nahihirapan o mas pinipili na lang na huwag nang pumunta rito lalo na't wala namang mahalagang gagawin.


Sa Bayan ng Villaverde rin matatagpuan ang malalaking establisyemento tulad ng mga casino, bar, hotel, Supermarket at ang pinakamalaking bagsakan ng produktong pang agrikultura kaya hindi maikakaila ang yaman ng bayang ito. Matatagpuan rin dito ang iba't ibang resort mapadagat man o swimming pools. Marami ring adventures ang pwedeng maisagawa sa mga naglalakihang resorts ang landform dito.


Ito ang dahilan kung bakit maraming turista ang nagnanais na makapasok at makapasyal rito. Napakarami ring mga Negosyante ang nais na magtayo ng mga establisyemento dahil marami ngang parokyano ang nagagawi rito.



Subalit tulad ng ibang bayan at lugar ay may natatago rin itong kwento. Ayon sa sabi sabi'y "SA TUWING TUTUNTONG KA SA LUPAING ITO AY IPAGPALAGAY MO NA ANG KALAHATI NG KATAWAN MO'Y NASA HUKAY NA".

Ngunit sa panahong ito ay nanatili na lamang itong isang kwentong-bayan o kwento ng mga matatanda. Lalo na sa mga kabataang tulad ngayon hindi na pinaniniwalaan ito at para sa kanila ito ay panakot na lamang marahil ng mga matatanda sa mga bata upang hindi maging pasaway. Kwentong - bayan na pinagbabasehan ay ang mga malalaking punongkahoy na nakapaligid sa buong bayan ng Villaverde.



Hindi mo ba naitatanong kung bakit bayan ng Villaverde ang ngalan ng lugar na ito? Tunog apelyido ng isang angkan.

Walang alamat na bumabalot dito sapagkat katotohanan ang tunay na nakapaloob sa bayang ito.

Sinasabing ang pinakamayamang pamilya noon sa bayang itoto, ang bayan ng Acacia (dating pangalan ng bayan) ay nagtakda at gumugol ng salapi para mapaunlad ito at tuluyang baguhin ang pangalan ng bayan.

Napakabait ng buong angkan ng Villaverde, lahat ng naninirahan dito noon ay labas masok sa buong hacienda. Nabili rin ng angkan ang mga karatig bayan kaya lalong lumaki at lumawak ang buong bayan. Naging maunlad rin ang pamumuhay ng mga tao . Maging ang mga karatig bayan at malalayong lugar ay lumipat ng tirahan dito at hindi pinagkaitan ng angkan ng Villaverde na ipasok rin sila sa trabaho sa loob ng hacienda.


Nagpatuloy ang ganitong uri ng pamamalakad ng angkan ng Villaverde sa loob ng mahabang panahon.

Tinatayang 50 taon ng umaani ng yaman ang buong angkan at sila ang pinakamayamang bayan sa bansa. Malaki ang nagiging ambag nila sa ekonomiya at tulong sa mga tao. Iyan ang labis na ipinagpapasalamat ng mga taong naninirahan sa loob ng bayan ng Villaverde. Kahit matanda na si Don Sebastian Villaverde ay malakas pa rin siya sa edad na 105 ay nakakapamasyal pa rin siya sa kalakhan ng Villaverde at nakikisalamuha pa sa mga tao.



"Siguro ay may anting-anting po kayo Don Sebastian at kahit lampas na sa isangdaan ang edad ninyo'y nalilibot ninyo pa rin ang buong Villaverde" anang isang trabahador sa hacienda.


"Ang taong masayahin at hindi namomroblema ay kayang mabuhay ng higit pa sa isang daang taon. At huwag makakalimot sa Lumikha" , tugon ng matanda.

"Nawa po ay si Señor Gabriel ay maging tulad ninyo na umabot din ng ganyan ang edad at kasingbaba ninyo ang loob."

"Wala kayong dapat alalahanin kay Gabriel, sayang nga lamang at maagang kinuha ng Langit si Donya Elenita ninyo, at nakakalungkot ring isipin na iisa isang anak ang naipagkaloob niya sa akin. " , biglang sinariwa ni Don Sebastian ang nakaraan.

"Sige diyan na kayo at ako'y uuwi na ng bahay upang makapagpahinga. Maghapon rin akong nag uuli sa buong bayan.

"Maraming salamat po, Don Sebastian! Mag iingat kayo!" paalam ng mga trabahante sa pagawaan ng langis.

"Napakabait talaga niyang si Don Sebastian, sana'y hindi na sya panawan ng buhay at habambuhay ng malakas".

"Kung pwede nga lamang sana Aling Iska , pero tulad ng sinabi ni Don ay huwag tayong mabahala sapagkat mabait rin naman si Señor Gabriel".


"Teka, halos 20 taon na ring hindi bumabalik ng Pilipinas si Señor Gabriel. Kumusta na kaya siya? Wala na tayong balita sa kanya mula noong mamatay si Donya Elenita. Siguro yanung gwapo noon at may asawa na!"


"Sana nga'y simbait siya ni Don Sebastian at ng patuloy ang magandang takbo ng pamumuhay natin!
Sana'y ang magiging pamilya niya'y matulad sa lahat ng Villaverde na nagpapalakad sa buong hacienda!"


"Naku tama na yan, tayo ay magtrabaho na!"




A/N: Tuloy lang ang basa mga ka Aligaga. Thank You mueh! Mueh!

La Tres BastardaWhere stories live. Discover now