Chapter 18: Search Is Over

1 0 0
                                    


"Klara, naku talaga kang bata ka! Hindi mo na ako naintay. Tinapos mo na talaga lahat ng labahan!--- Petty


"Tiya Petyy, alam ko namang busy kayo sa parlor kaya hindi ko na kayo hinintay. Kakaunti naman ito oh! Para bihisan lamang nating dalawa!---- Klara


"Hay naku! May magagawa pa ba ako! Sa katunayan pamangkin, ayaw ko sana magbukas ng parlor ngayon at balak ko ay mag beauty rest lang muna kaso sabi sakin ng sangkabaklaan sa bayan ay may contest daw ng Power Make Over sa Bayan ng Santa Benedicta kaya naisip ko. Sumali sa contest na iyon!---- Petty



"Naku maganda nga po iyan Tiya Petty! Maaari ba akong sumama? Matagal na rin akong hindi nakakakita ng maraming tao sa kabayanan!--- Klara


"Talagang kasama kita dahil ikaw mismo ang model ko. Ikaw ang i me make over ko!---- Petty


"Ako po? E ano namang malay ko sa mga make up make up na yan. Naku Tiya Petty, iba nalang. Napakarami namang pwedeng ayusan at gawing modelo diyan!--- Petty



"Wala ka namang ibang gagawin Klara! Uupo ka lang at ma make upan kita ng bongga at pagkatapos lalakad at rarampa ka lang kapag tinawag na ang pangalan mo! Kayang kaya mo iyon! Isa pa napakaganda mo! At hindi mauubos ang mga mamahaling make up ko compare sa mga minemake upan kong ang sa swanget Ha! Ha! Ha! Ha! Hala sige at maghanda ka na. Naigayak ko na ang mga gamit sa parlor. Magbibihis na lang ako!---- Petty


Matapos mamatay ni Mang Gaspar sa Maynila ng sila'y lumuwas roon. Dinala sila ng kapatid nito sa dulong bayan ng lalawigan ng San Real , sakop rin nito ang bayan ng Villaverde subalit malayo na sa kabihasnan ang bayang pinagdalhan sa kanila ni Tiya Oseng. Si Tiya Oseng nila ang nagpalaki at nag alaga sa kanila ni Pitoy. Dahilan na si Klara ay babae at si Pitoy ang nag aalaga sa kanila sa tuwing tutungo ito sa kanyang maliit na pagupitan at manicuran. Dahilan rin ito kaya't lumaking isang bakla si Pitoy at Petty na nga ang ginamit na pangalan.



Nang mamatay si Tiya Oseng ay ipinamana nito ang maliit na pagupitan at manicuran kay Petty at napalago nito naging isang parlor. Mahal mahal ni Petty si Klara. Kahit labingdalawang taon lamang siya ng iwan ng ama ay maliwanag sa kanya ang nangyari sa kanyang kapatid na si Senyang.


"Naku Pamangkin, napakaganda mo talaga. Kung nabubuhay lamang si Ate Senyang tiyak tuwang tuwa iyon sa kagandahan mo!--- Petty



"Naku sana nga Tiya Petty! Pati rin sana ang Lolo Gaspar, ang Tiya Oseng at.... Kung nabubuhay rin lamang sana ang aking ama!-- Klara



"Naku tama na iyan! Baka hindi tumalab ang make up ko sa iyo kapag mineyk upan na kita sa bayan!--- Petty




Nagtungo na sa bayan ng Santa Benedicta ang mag tiya upang lumahok sa isang Power Make Over Contest. Lahat ng raket  na maaaring pagkakitaan ng mag tiya ay hindi nila pinapalagpas. Malaki ang naitutulong nito sa pang araw araw nilang pangangailangan. Lumaking sa bahay lamang si Klara samantalang ang Tiya Petty niya ang naghahanapbuhay para sa kanya. Kaya bilang ganti ay siya naman ang nag aasikaso sa buong bahay at sa tiyahin niya.



"Okay mga sangkabaklaan ng Santa Benedicta! Handa na ba kayo?---- Emcee



"Handang handa na Memengg!---


La Tres BastardaWhere stories live. Discover now